Home

Wednesday, October 13, 2010

SULAT KAY EX

DEAR eX,

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf

KASAL

"Bakit hindi ka pa nagpapakasal? Ano bang nangyari dati?," iyon ang tanung na madalas kong iniiwasan. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko sa kaharap ko.

"Bibisitahin ko pa ang pamangkin ko, maiwan na kita Dianne," ang sabi ko sa dati kong officemate bago tuluyang umalis.

"Tatanda kang dalaga niyan Lizzie", narinig kong sigaw pa ni Dianne.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan, isang napakagandang araw para isipin ang kasalukuyan kesa ibalik ang nakaraan.

5 years ago ikakasal na sana ako pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Halos lahat ng kakailanganin ay naisayos na. Ang mga damit, ang reception, ang simbahan maliban na lamang sa mga invitation cards at souvenier items. Masakit man ang nangyari hindi ko na rin pinagsisihang hindi iyon natuloy, sabi nga nila everything happens for a reason.

Bumungad sakin ang 5 taong gulang kung pamangking babae.
Si Kyle..

"Tita, tala lalo tayo ng balbie ko."

"Nasaan ang yaya mo Kyle?"

"Nagyayaba po si aya, dun oh...," sabay turo niya sa may kusina nila. 

Sa tuwing pinagmamasdan ko si Kyle hindi ko mapigilang hindi mapangiti, nalulungkot lang ako dahil napakabata pa niya para maulila sa kanyang ina, 2 years ago namatay ang kapatid ko sa isang malubhang sakit. At dahil sa dalawa na lamang kaming magkapatid madalas akong pumunta sa bahay nila para alagaan si Kyle. Para sa akin, para ko na siyang anak. 

Napagandang bata ni Kyle mahaba ang kanyang buhok na lampas balikat, bilugan ang kanyang mga mata at mapula ang kanyang labi. Minsan nagugulat na lang ako sa mga bagay bagay na itinatanong niya sa akin para kasing matanda na siya kung mag-isip.

"Ta, kanina nood kami ni aya nung nikakasal. Ang danda nga eh. Tita, kilan taw itatasal?," curious niyang tanung na nakatingin sa mga mata ko. 

Natawa lang ko sa tanung niya. Paano ko nga ba sasagutin ang isang bata samantalang ako itong matanda eh hindi alam kung ikakasal pa ako. Bente nueve na ako pero heto't single pa rin ako.
Inip na inip na naghihintay ng sagot si Kyle.

"Tilan ta?," ulit niya...

"Hindi pa kasi alam ni Tita eh..."

"Talaga? yehey, eidy dito kapa din lagi."

"Syempre naman... Gusto mo ba dito lagi si Tita?"

"Opo, tase wala na si Mama, sana taw na lang mama ko." Bigla nalang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at bigla kong nayakap si Kyle.

5 years ago para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman kong nabuntis ng lalakeng pinakamamahal ko ang nag-iisang kapatid ko. Parehas silang lasing hanggang sa dumating sa point na may nangyari. Pakiramdam ko gumuho ang mundong kinatatayuan ko. At sa mismong araw ng kasal ko ikinasal ang kapatid ko sa lalakeng pinakamamahal ko. Iyon na ata ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang babaeng malapit ng ikasal, ang hindi matuloy ang kasal niya. 

Pagkabitiw ko sa pamangkin ko nakita kong papikit pikit na siya. Inihiga ko siya sa kwarto niya at binantayan hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. 

Paano ko nga ba magagawang kamuhian ang batang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko? 
Ga'yong siya ang lahat lahat sa akin...

-----

Wednesday, October 6, 2010

HILING

"Hindi ka ba masaya Kelly?" Napatitig ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanung niya? Kung tutuusin dalawang sagot lang naman ang pwede kong sabihin sa kanya... "Oo" o "Hindi"... Ngayon ano bang dapat piliin ko sa dalawa? Bahagya akong napangiti. Imbes na sagutin ang tanung niya, tanung din ang ibinalik ko sa kanya.

"Ano bang klaseng tanung yan Jerome?," pabalewalang balik tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinagot ang tanung ko eh," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw ng mga tingin niya. Ano bang dapat kong isagot? Mag-isip ka Kelly. Pakiramdam ko nabablangko ako lalo na dahil sa titig niya sa akin. Masaya naman ako pero---. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

"Ano bang meron tayo, Jerome...," wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Kelly"... Napapikit ako... Ayokong makita ang reaksiyon niya sa tanung ko. Ayokong makita ang pagkalito sa mga mata niya. Ayokong makita ang isang bagay na pwedeng makasira ng isang magandang araw na ito.
At ayokong masaktan sa pwedeng sabihin niya... AYOKO... dahil naduduwag ako. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, pero mas pinili kong ipikit ang mata ko.

"Kelly,"... Ayan na naman...  Yan lagi ang naririnig ko sa kanya sa tuwing itatanong ko sa kanya ang bagay na iyon, at matatapos sa katahimikan pero babalik na naman ulit sa dati at magiging okay na naman kami. Ano nga bang meron kami? Kahit ako hindi ko rin alam.
We hugged...
We kissed...
We are just like a couple..
Tama "like" kasi wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko siya maipakilala sa mga kaibigan ko bilang boyfriend ko dahil kahit ako hindi ko alam kung anong meron kami. M.U bang dapat itawag doon? Mutual understanding o Malabong usapan? Ayun nga ba? Hindi ko alam... Nalilito ako... Alam kong mahal ko siya at nararamdaman kong mahal niya ako pero bakit hindi niya kayang sabihin sakin kung anong meron sa aming dalawa. Kahit kilan hindi ko pa narinig sa kanyang sabihin na "Mahal kita..." Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ko.



Pilit akong ngumiti."Kalimutan mo ng sinabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin eh."


"Hindi ka na ba masaya Kelly?", ulit niya sa tanung niya kanina, seryoso parin siya pero bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Bakit?

"Masaya pe---", unti-unti ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako pero--- pero parang may kulang...

"Kelly".... Lumapit siya't niyakap ako. Gustong gusto kong  tinatawag niyang pangalan ko, ewan ko ba pero para kasing iba ang dating kapag siya ang tumatawag sakin. Siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang taong un.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan, pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanung ni Jerome. Masaya ako basta nasa tabi ko siya kahit na hindi ko alam kung anong meron kami.

"Bakit ka ba umiiyak? Ikaw talaga...Werdo ka talaga minsan, kaya mahal na mahal kita eh..."

Napaharap ako sa kanya at napangiti. Sa wakas narinig ko ring sabihin niyang mahal niya ko.

"Masaya ko... masaya ko basta't nasa tabi kita."


-the end-

sorry kornik eh...hehe