Home

Wednesday, June 30, 2010

UNEXPECTED


"Expect the UNEXPECTED"


Coffee Shop
7pm

Nakaalis na si James pero nanatili pa rin ako sa coffee shop, naiwang mag-isa. Kahit na nasasaktan ako sa nangyari, Masaya na rin ako dahil alam kung masaya si James sa piling ni Belle, ang bestfriend ko. Alam ni Belle ang tungkol kay James pero kahit kilan hindi ako nagkaroon ng chance na maipakilala ko ang huli sa kanya. Kaya ng minsan ko silang makita hindi ko inaasahan na magkakilala sila. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag iyong naramdaman ko ng oras na iyon, parang tinutusok ang puso ko ng libo libong karayom. Narealize kong napamahal na din sa akin si James pero huli na ang lahat dahil wala ng natitirang espasyo para sakin, kung meron man iyon ang pagmamahal niya sa akin bilang kaibigan at bilang bestfriend ng nobya niya.

Palabas na sana ako ng coffee shop ng mapansin ko ang isang magkaparehang seryosong nag-uusap. At dahil sa napadaan ako sa pwesto nila hindi ko maiwasang hindi marinig ang huling salitang binitiwan ng babae para sa kadate niya.
"I'm sorry Ram, but I can only offer you friendship..." ang maarteng pagkakasabi pa ng babae.

Nakakaawa naman ang lalaking ito, sa isip isip ko at tuloy tuloy na sana akong lalabas sa lugar na iyon pero nagbago ang isip ko at binalikan ko ang dalawang magkapareha dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. Binalingan ko ang babae na halatang nagulat sa presensiya ko sa harap nilang dalawa, ngiti lang naman ang isinagot ko sa pagkagulat din ng lalake saka ako muling humarap sa babae.

"I'm sorry for the interruption Ms. pero just a friendly advice kahit na hindi naman kita kaibigan at mukang malabong mangyari un, ahmmm pag-isipan mong maigi ang desisyon mo baka kasi isang araw magising kang pinagsisisihan mo ang pambabasted mo sa lalakeng kaharap mo ngayon. Enjoy the night..."

Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon tuluyan na akong umalis sa coffee shop. Napangiti ako sa ginawa kong pangingi-alam, ano nga bang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon?

-----

Binasted ako ni Ysabella pero imbes na malungkot at magmukmok eh hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Natatawa pa ako sa nangyari kanina sa loob ng coffee shop. Expected ko na rin na ngayong araw na ito ako babastedin ni Ysa pero hindi ko naman inaasahan na may biglang susulpot na babae sa harap namin na parang isang kabute. Nagulat talaga ako sa babaeng iyon at sa mga sinabi niya kay Ysa. Kung tutuusin dapat talaga nalulungkot ako ngayon pero dahil sa babaeng iyon, napalitan ng saya ang gabi ko. Sino kaya siya? Sana makita ko ulit siya sa coffee shop, gusto ko siyang makilala at magpasalamat na rin. Sana naman pagtagpuin ulit ang landas namin ni Miss Kabute.

-----
Dalawang linggo na akong nagpabalik balik sa coffe shop pero ni anino ni Miss Kabute walang bakas. Hindi kaya alien siya at napadaan lang siya sa lugar na iyon? Natawa ako sa ideyang iyon, kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip ko. Nakakapagtaka lang dun hanggang ngayon hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Saan ko kaya siya pwedeng makita? Dala ng pagod naisipan kong umupo sa bench sa isang park at ipinikit ko ang mga mata ko para naman mapahinga ang isip ko sa kakaisip sa babaeng iyon. Simula ng makita ko siya hindi na talaga siya mawala sa isip ko. At kapag ganitong nakapikit ako mas lalo ko lang nakikita ang imahe niya, muka siyang anghel dahil maamo ang mukha niya. Maya maya'y nakaramdam ako na may umupo sa kabilang bahagi ng upuang inuupuan ko, pagdilat ko ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha sa harap ko. Totoo bang nakikita ko ngayon? Si Miss Kabute nasa tabi ko? Pagkakataon nga naman... 

-------

Bakit? tanung ko sa lalakeng katabi ko sa upuan. Napansin ko kasi ang pagkagulat sa mukha niya na bang nakakita siya ng multo.
"Ah, wala naman nagulat lang ako na makita kita dito kung kilan d ko inaasahan."
Naguluhan ako sa sinagot niya, kulang ba siya sa tulog o gutom lang siya at kung anu-anong sinasabi nya, hindi ko naman siya kilala pero parang pamilyar ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Saan nga ba? Teka bakit nga ba kilangan ko pang abalahin ang sarili ko sa pag-iisip, baka nakasalubong ko lang siya sa kung saan.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" tanung niya...

Napailing ako at pilit kong inalala kung saang lupalop ko ba siya nakita pero wala akong sagot na nakuha dahil mukang ayaw pang magfunction ng utak ko.
"Pasensya kana, hindi ko talaga maalala," sagot ko sa kanya sabay ngiti ng pilit.
Eh sa hindi ko talaga siya matandaan eh....

"Ako nga pala si Ram, sabay lahad niya ng kamay."
"Cheska, sagot ko naman sabay abot ng kamay niya."

Teka Ram? familiar iyong name mo, saan ko nga ba narinig iyon? Isip cheska isip...
""Ah, alam ko na sa coffee shop... ikaw iyong nabasted sa coffee shop? ang medyo napalakas na pagkakasabi ko. Kaya naman bahagyang napatingin sa amin ang mga tao na nandun din sa park. Tama ba ako? sabay ngiti ko sa kanya".
Bahagya naman siyang napangiwi pagkarinig sa sinabi ko sabay kamot sa ulo niya na tila hiyang hiya.
"Oo, ako nga iyon ang sagot niya sabay yuko."

"Naku, pasensiya kana, kung iyon ang nasabi ko sayo...eh ayun kasi talaga ang naalala ko eh", paliwanag ko.
So kamusta naman kayo nung girl na kasama mo last time?

"Ah, ayun wala naman talaga akong chance dun eh, hindi niya talaga ako magugustuhan."

"Siguro ngayon, oo pero darating ang time marerealize niya din un."

"Pano mo naman nasabi iyon?"

"Basta, alam ko.... wala ng marami pang tanung."

There she GHOST (7)

Trish! Trish! tawag ng binata sa dalaga sabay gala nito sa loob ng kabahayan pero wala siyang narinig na anuman.


"Trish... yoooohooooo..." Asan na kaya ang multong un?
Maya maya'y napansin ng binata ang isang note sa may ref.


"Shan, aalis muna ako pupunta lang ako sa Daddy ko. 
Nakapagprepare na ako ng food mo."
-trish


Napakathoughtful talaga ni Trish, siya lagi ang nagpeprepare ng food ko. Dahil sa kanya hindi ko na poproblemahin ang pagluluto, bukod dun simula ng dumating siya dito sa bahay naging masaya ang ang bawat minuto para sa akin. Sana nga tao na lang siya ang biglang naisip ng binata. 
Teka nga bakit ko ba naiisip un? 
Shan, ano bang nangyayari sayo? 
Wag mong sabihing naiinlove kana sa isang multo? 
Hindi... 
Hindi pwedeng mangyari yun...ok
Hindi pwede...
Isa iyong malaking kalokohan...
Oo... isang kalokohan.



---

Dirediretsong pumasok si Trish sa kanilang bahay at nagpalinga linga.

Asan na kaya si Daddy? Bakit parang wala man lang katao tao dito?

Ginala ng dalaga ang kanyang paningin at nagulat siya ng makitang wala ng nakadisplay na picture niya.

"Teka bakit wala na iyong mga picture ko dito? Saan naman kaya nila nilagay? Talaga kayang kinalimutan na ako ng tuluyan ng Daddy ko. Ganito ba talaga kapag patay ka na? Sa isang iglap napakadali nalang kalimutan ang lahat?." Tulad ng isang sirang laruan pagkatapos pagsawaan basta basta na lang itatapon. Ganun lang ba iyon? Magkahalong awa sa sarili at lungkot ang nararamdaman ng dalaga.

Aalis na sana si Trish ng bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad doon ang kanyang ama na si Mr. De Villa na kasama nito ang kanyang kaibigang si Isabelle.

"Anong ginagawa ni Isabelle dito?", pagtataka ng dalaga. Nasagot ang tanung niya ng biglang magsalita ang kanyang ama.


Nakatingin lamang siya sa mga ito, pinapanood at pinakikinggan ang bawat sabihin sa isa't isa.

"Ija, doon ka muna sa dating silid ni Trisha, wala naman ng gumagamit noon eh. Pwede mo ring gamitin ang mga gamit niyang andun ang sabi nito bago umakyat sa hagdan."

"Ah, sige po tito marami pong salamat sa lahat ng tulong."

"Wag mong intindihin iyon ija, alam mo namang para na rin kitang anak."

"Oh, siya sige magpalit ka na muna ng damit mo, umakyat ka na lamang sa taas pagkatapos mo ay kakain na din tayo."

"Sige po, maikling sagot nito pagkatapos ay umakyat na rin sa silid ng kanyang kaibigan."

Lingid sa kaalaman ni Isabelle ay lihim siyang sinusundan ni Trisha.

Hindi na nagulat ang dalaga ng bumulaga sa kanyang harapan ang napakalawak na silid ng kanyang matalik na kaibigan, madalas din kasi siyang makapasok noong nabubuhay pa ito. Hindi rin ito madamot sa kanya dahil kung anong meron ito ay binibigyan din siya.

Maya maya'y umupo siya sa kama at hinawakan nito ang isang picture frame kung saan magkasama silang dalawang magkaibigan.

"Trish, alam ko hindi ako naging mabuting kaibigan sayo. I'm sorry, ang sabi ng dalaga na para bang naririnig siya nito. Nagpapasalamat talaga ako sayo kasi naging napakabuti mo sa akin pati na rin ang Daddy mo. Sa totoo lang alam mo naiingit talaga ako sayo. Meron kang napakabait na ama, hindi tulad ko na kahit kailan ay hindi man lang nakaramdam ng pagmamahal ng isang ama. Halos lahat nasa iyo na, ang sabi pa ni Isabelle. Napakaswerte mo... Trish.


Pagkarinig ni Trish kay Isabelle, lumapit ito at hinaplos ang pisngi ng kaibigan.
"Isabelle, sorry kung ako pa ung naging hadlang para sa inyo ni Levi. Alam mo kung ano? mas naiinggit ako ngayon sayo, kasi kumpara sakin? Isa na lamang akong patay... wala ng buhay ang katawan ko... ligaw na kaluluwa na lamang ako ngayon... isa na lamang akong ala-ala para sa mga taong mahal ko, samantalang ikaw? buhay ka at lahat ng meron ako ngayon pwedeng mapunta sayo, lalong lalo na ang pagmamahal ni Levi na kahit kailan ay tanging sayo lamang."
Sana wag mong pababayaan ang Daddy ko sabay yakap ng dalaga sa kaibigan.

Nakaramdam si Isabelle na tila ba may kung anong malamig na hangin ang yumakap sa kanya. Saka biglang umihip mula sa nakabukas na bintana ang malamig na hangin.


Trish... naibulong nalang sa hangin ng dalaga at saka napatitig sa nakangiting larawan nito.




-----






Sa paglalakad ng dalaga’y nakita niya ang isang kaluluwa ring katulad niya na nakatanaw sa isang lalake na bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan.
“Boyfriend mo?” tanung niya sa isang kaluluwa rin na tulad niya.
Bahagya lamang itong ngumiti, na nakatingin pa rin sa isang lalake nakaupo sa labas ng bahay nito. 
“Hindi... espesyal siya para sa akin.”

Pansin niya ang lungkot sa mga mata nito habang pinapanood ang lalake ganunpaman ay may ngiti pa rin sa mga labi nito.
“Ako nga pala si Angela, pagpapakilala nito sa kanya.”
“Ah, Trisha.”
....
....

“Mahirap iwan ang mga taong mahal natin hindi ba?” basag niya sa katahimikan.

“Oo tama ka, kaya nga gusto kong Makita siya bago ako tuluyang umalis. Gusto kong makitang maayos si David. Kahit na kinailangan kong isakripisyo ang buhay ko para sa kanya, Masaya ako at wala akong pinagsisisihan kasi ginawa ko iyon dahil mahal ko siya at dahil naging napakalaking bahagi siya ng buhay ko. Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko."

“Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko... ulit ng dalaga sa sinabi ni Angela.” 
Ang dahilan... Maya maya'y rumihestro sa kanyang isip ang mukha ni Shan.

Napangiti ang dalaga na napansin naman ni Angela.

"Bakit ka nangingiti diyan? Naisip mo rin ba ang taong mahal mo? tanung ni Angela."

"Ang taong mahal ko? Pero si Shan--, kaibigan ko lang iyong naisip ko."

"Kailanma'y hindi mo maitatago ang tunay mong nararamdaman para sa isang tao."

"Ang tunay kong nararamdaman? Ano nga ba Trisha?"
 Mahal ko na nga ba si Shan?


-----


Nasa harap na ng gate ng bahay nila Shan si Trish pero nakatingin pa rin siya sa bahay ng binata.


"Ang tunay kong nararamdaman? Ano nga ba?"


Mula sa likod ay narinig ng dalaga ang isang pamilyar na boses.
"Miss Multo wala ka bang balak pumasok sa loob? tanung nitong nakangiti lang sa kanya."


Nakatitig lamang si Trish kay Shan.
Ang tunay kong nararamdaman.... paulit ulit iyong nag-eecho sa isip ng dalaga.


Okay ka lang ba? takang tanung naman ng binata sa dalaga.


Para namang nagising ang dalagang si Trish at parang wala sa sariling sumagot.


Ah, o-- oo okay lang ako.. saka dire-diretsong pumasok at umupo sa labas ng terrace.


May problema ka ba Trish?


Naku, wag mo akong intindihin Shan, wala naman akong problema. Tsaka ano namang dapat problemahin ng isang multong tulad ko dba? sabay ngiti niya sa binata.
Bakit ba parang naliligalig ako sa presensiya ni Shan? Trisha naman kung kilan isa ka na lang multo saka pa ata muling tumibok ang puso mo. Dba nga wala ka na namang puso, so bakit parang tumitibok pa ulit yan...


"So, kamusta naman ang lakad mo? tanung ulit nito sa kanya."


Napalitan ng lungkot ang ngiting nakaguhit sa labi ng dalaga.


Ni isang sagot ay wala siyang narinig mula sa dalaga.
Pinagmasdan na lamang niya ito at nagulat siya ng makita ang pagbagsak ng mga luha nito habang nakatingin sa kawalan. Hindi malaman ng binata kung anong dapat niyang gawin dahil habang nakikita niya itong nasasaktan para bang may kung anong kirot din siyang nararamdaman.

Dahil sa gustong icomfort ng binatang si Shan ang dalaga sinubukan niyang yakapin ang dalaga. Ikinulong niya sa kanyang mga bisig si Trisha. Para niyang niyakap ang hangin pero nanatili siya sa ganung posisyon sa loob ng ilang minuto.

Kahit pala isa na lamang akong multo nakakaramdam pa rin ako. Ang init ng katawan ni Shan. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Sa tuwing umiiyak ako laging siyang nasa tabi ko para i-comfort ako. Sino bang hindi mahuhulog sa kanya?
Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon para mabuhay ulit bilang isang normal na dalaga gugustuhin kong siya ang makasama ko habang nabubuhay ako.
Kaso malabo iyon... sobrang labo eh...

Ok ka na ba? tanung ng binata sabay bitiw sa pagkakayakap sa kanya.

"Pwede bang habambuhay na lang ako sa tabi mo? wala sa loob na naitanung ng dalaga."

"Ano? takang tanung nito."

"Wala ang sabi ko sana habang buhay ko na lang kasama ang mga mahal ko."

Tama bang narinig ko? parang iba iyon sa sinabi niya kanina ah... Nabingi lang siguro ako.
"Bakit ka ba bigla na lang nalungkot ha Trish? May nangyari ba sa pagpunta mo dun?"

Wala naman. Alam mo Shan ngayon ko lang narealize kapag pala patay na ang isang tao, ganun na lang din kadali ang kalimutan ito noh? Pagkatapos mong ilibing sa hukay, wala na. Hanggang doon ka na lang.

Mali ka diyan Trish. Minsan kasi para mawala iyong sakit ng pagkawala ng isang minamahal kailangan mo ring gumawa ng paraan pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kasi hindi naman nagwawakas ang buhay nila sa pagkawala ng mga taong mahal nila. Para sa mga iniwanan, napakahirap nun alam mo ba? Kailangan mo pa ring sumabay sa pag-ikot ng mundo para mabuhay kasi hindi naman natatapos ang buhay mo pag nawala ung isang taong mahal mo db?. Pero alam mo kung anong masakit dun? Na ikaw patuloy na mabubuhay pero iyong taong mahal mo wala na. At kahit na anong gawin mo? lumuha ka man diyan ng dugo, hindi na siya babalik. At kahit kilan hindi na pwedeng bumalik. Mamatay man ang katawan ng tao pero ang mga ala-ala mo sa mga puso nila,habang buhay iyon Trish. Walang sinuman ang pwedeng magnakaw o magbura nun. Hindi mo pwedeng iformat tulad ng computer. Mawala ka man sa paningin nila pero mananatili ka pa rin sa mga puso nila. Yan ang tatandaan mo ha.

Thanks Shan, sa totoo lang gumaan iyong pakiramdam ko dahil sa sinabi mo.
Maraming salamat...













































Mahihinang mga katok sa labas ng pinto ang naririnig ni Trisha. Gustuhin man ng dalaga na pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa labas ay hindi niya magawa dahil sa baka matakot lamang ito. Agad agad siyang umakyat sa loob ng kwarto ni Shan at tinawag ang binata.

Shan may tao sa labas buksan mo iyong pinto, tawag nito sa binata na nasa cr.

There she GHOST (6)

Isabelle, malambing na tawag ni Mang Teban.

Ano naman kaya ang nakain ng lasenggero kong tatay at kung makatawag eh kala mo nasapian ng anghel samantalang kung ituring nga niya ako ay parang isang basura sa isip ng dalaga habang papalapit sa kanyang ama. Katatapos lamang niyang mag-ayos at papasok na sana siya sa part time job niya ng marinig niya ang boses nito.
"Bakit po tay?"

Umupo ka at may pag-uusapan tayo, ang seryosong utos nito habang panay hithit ng kanyang sigarilyo at tagay ng alak na nasa mesa.

“Ano po bang dapat nating pag-usapan tay? Kilangan ko na po kasing umalis dahil baka malate ako sa trabaho ko. Umiinom na naman po kayo, pagod na sabi ng dalaga.”

“Aba’t sumasagot kapa. Hindi purket may trabaho ka na at ikaw ang nagpapalamon sa amin ay may karapatan ka ng magsalita ng ganyan sa akin ah.. damuho kang bata ka. Hoy! Tandaan mo ako pa rin ang ama mo sabay duro nito sa kanya.”

“Alam ko po iyon at hindi niyo na kilangan pang ipaalala sakin dahil kahit naman po gusto kong kalimutan na kayo ang ama ko malabong mangyari iyon at kailanman ay hindi ko na mabubura ang katotohanang iyon.” Ano po bang gusto niyong pag-usapan sabihin niyo na po?

“Makinig ka kasi hindi kung anu-anong sinasabi mo na wala namang kwenta. Hindi ba’t patay na ang anak ni Mr. De Villa? Tanung nito.”

Opo.. nagtatakang sagot niya sa ama. Ano naman pong kinalaman ni Mr. De Villa sa gusto niyong pag-usapan natin?

Bakit ba hindi ka nalang magpa-ampon sa kanya? Para kung sakali’y mamatay ito sayo na mapupunta ang kayamanan niya. Sayang naman kasi... Hindi ba’t wala na rin naman siyang mga kamag-anak dito? Kung sakaling sayo mapupunta hindi ba’t maganda iyon? Pabor para sayo atsaka hindi mo na kailangang magtrabaho pa.

“Ano po bang pinagsasabi niyo diyan? Anong pabor sakin? Baka pabor sa inyo dahil madami na kayong malulustay na pera para sa alak at sa pagsusugal ninyo ang nagngingitngit na sagot ng dalaga. Hindi ko po inaasahan na maririnig ko sa inyo yan. Hindi naman po ganyan kasama ang tingin ko sa inyo. Nakakadisappoint po talaga ang sinabi niyo lalo na't alam niyong si Mr. De Villa ang tumutulong sa pag-aaral ko at kung bakit may trabaho ako ngayon.

Lapastangan ka, isang sampal ang natanggap ni Isabelle mula sa kanyang ama. At dahil sa lakas dumugo ang labi ng dalaga.

Tapos na po ba kayo? Sarkastikong sagot niya sa kanyang ama, Aalis na po ako. Kung gusto niyo kayo na lang ang magpaampon tutal naman kayo ang nakaisip ng ideyang yan eh.
Sapo pa rin ng dalaga ang kanyang pisngi, masakit man ang ginawa sa kanya ng kanyang ama pero mas masakit na pag-isipan nito ng masama ang taong tumutulong sa kanilang pamilya lalong lalo na sa kanya dahil sa laki ng utang na loob niya dito. Hindi ko akalaing sasabihin iyon sa akin ni itay pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Napakasama talaga niya. Sana hindi nalang siya ang naging ama ko. Kung pwede nga lang pumili ng magulang.

Kung pwede lang... 



-------




"Isabelle, ija nalate ka ata ngayon?", bungad ni Mr. De Villa na nakangiti.

Ah, eh pasensiya na po Sir. May nangyari lang po kasi sa bahay mailap na sagot ng dalaga. Nakasalubong nito ang dalaga mula sa Accounting Department kung saan siya nakaassign.

"After 5 minutes pumunta ka sa office ko I want to talk to you," ang sabi nito pagkatapos ay dirediretsong naglakad papunta sa kanyang opisina.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga. "Lagot na ako nito, bakit kaya?" kinakabahang tanong sa sarili ng dalaga.

Nang makapagpahinga ng sandali ang dalaga ay dumiretso na rin ito sa opisina ni Mr. De Villa, ang ama ng kanyang yumaong bestfriend na si Trisha.

Napahinga ng malalim ang dalaga ng kahit pano'y mabawasan ang kabang nararamdaman niya sa pagpapapunta sa kanya nito sa loob ng opisina. Ngayon lang kasi siya nito pinatawag at nagkataon pang nalate siya.
Isabelle, relax lang... Inhale, exhale.... Ok kaya mo yan...

Oh, ikaw pala Isabelle bungad ng sekretarya ni Mr. De Villa. Pumasok kana, kanina ka pa hinihintay ni Sir ang sabi nito ng makita siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng opisina ni Mr. De Villa.

Ah, ganun ba... Sige salamat ah. Papasok na ako.

Halatang kabado ka ah, relax ka lang mukha namang hindi galit si Sir eh... nakangiting sabi nito.

Pagkapasok ng dalaga sa opisina'y senenyasan na siya ni Mr. De Villa na maupo muna habang may mga pinipirmahan pa itong mga dokumento.

Maya maya'y bigla itong bumaling sa kanya habang nakatingin padin sa mga pinipirmahang papeles.

Ija, may problema ka ba? bungad na tanung nito sa kanya.

Po? ah eh... wala naman po Sir.

Ija, alam kong napakabait mong bata at simula ng maging kaibigan ka ng aking anak ay itinuring na rin kitang parang tunay kong anak. Hindi ka na rin iba sa akin. At nararamdaman kong may dinadala kang mabigat na problema ang nag-aalalang sabi nito sa dalaga.

Ang totoo po'y nagkaroon kami ng problema ng itay ko kaya-

Kaya ba namumula ngayon ang pisngi mo? putol nito sa sinasabi niya. Siya ba ang gumawa sayo niyan ija? diretsong tanung nito.

Napayuko na lamang ang dalaga.

Ayoko sanang makialam sa inyo pero sa tingin ko'y mali ang ginagawa ng ama mo sayo. Kung gusto mo'y doon ka muna tumuloy sa bahay. Malaki naman iyon at sigurado akong kung buhay pa si Trish, matutuwa siyang tinutulungan ko ang bestfriend niya.

Pero Sir, nakakahiya naman po sa inyo.

Wag ka ng mahiya ija, habang hindi pa naayos ang problema niyong mag-ama, doon ka muna tumuloy sa bahay. Ayoko din naman na malamang sinaktan ka na namang muli ng itay mo.

Sige po, marami pong salamat. Hayaan niyo po't pag-iigihan ko ang trabaho ko Sir.

Sige ija, you may leave.

Nakahinga ng maluwag ang dalaga matapos ang pag-uusap nila ng daddy ni Trisha.

Napakabait talaga ng daddy ni Trisha. Kung sana'y ganun din si itay.

-------


Matamang nakatitig si Shan sa isang picture frame habang hawak hawak ito. Isa iyong stolen picture ng isang nakangiting batang babae.

"Magkikita pa kaya tayo? tanung ng binata na para bang kaya siyang sagutin ng larawang hawak hawak niya. Nasaan ka na bang iyakin ka? Napabuntong hininga na lamang siya. Hangga’t meron pang natitirang pag-asa, hindi ako susuko. Alam ko magkikita rin tayo."

Sakto namang pagkadating ni Trish ay naibalik na ng binata ang larawan sa dati nitong kinalalagyan.

"Anong tinitingnan mo Shan?"

"Ah, wala naman..."

"Ung picture na naman ba?ang nakangiting tanung ni Trish na tila ba nang-aasar." What is so special sa picture na yan Shan? madalas ko kasing mapansin na bukod sa napapangiti ka dahil sa may maganda kang kasama... ehem... eh iba iyong ngiti mo kapag tinitingnan mo yang picture na yan...
Ganun ba siya kaspecial para sayo?

OO... ang seryosong sagot ng binata... na diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Higit pa sa pinakaspecial na buko pie, halo halo, at special offer.

Why do i have to feel this way lalo na sa tuwing nakatingin si Shan sakin. I feel so akward na para bang hindi ko maintindihan. Shan, utang na loob naman wag mo ko masyadong tingnan pakiramdam ko matutunaw na ako... Trish, relax ah... relax...
And for some reason hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit para sa espesyal na babae sa puso ni Shan. Ang weird kasi alam ko naman na wala akong karapatan at bukod pa dun eh...
Haaay, napabuntong hininga na lang ang dalaga...

Para saan naman ung malalim na buntong hininga mo diyan?
"Wala lang... eh teka ano namang pangalan niya? pang-iiba niya sa usapan? pwede ko bang malaman? Ang naisip na itanung ng dalaga para mawala ang pagkabalisa niya.

hindi ko alam... ang pabulong na sagot ng binata. Werdo kasi siya eh.

huh?anong sabi mo? ulit na tanung ni Trish..

"Wala kako ang dami mong tanung,ginugutom tuloy ako...Tara sa baba at makapagmeryenda"

Naku naman hindi naman sinagot ung tanung ko sa kanya...ang nagmamaktol na sabi ni Trish.

Pano naman kita sasagutin eh hindi mo pa nga ako nililigawan? ang tatawa tawang sabi ng binata.

Sira ka...Nakakaasar tlaga itong lalakeng ito, hindi man lang sagutin ng maayos ung tinatanung ko,ang ayos ayos naman ng tanung ko eh...hmmmp..

"May sinasabi kaba diyan?"

Wala ah...sabi ko lang gutom ka na nga talaga...

Ngiti lang ang isinagot ng binata.

"Sana nga Trish alam ko ang sagot sa tanung mo, kaso hindi eh dahil hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para alamin pa un...sa isip ng binata. At saka biglang nagflash back sa kanya ang isang ala-ala."


Batang iyakin ano ba kasing pangalan mo huh? Bakit baa yaw mong sabihin sakin? Ngiti lang ang isinagot sa kanya ng batang babae. Importante pa ba iyon? Sa tingin ko hindi na total naman aalis ka din ditto hindi ba? Para mas madali sayo na makalimutan ako at ganun din ako. Isa pa hindi na naman tayo magkikita pa, aalis na kayo bukas dba? Mabuti na iyon... Sige uuwi na ako baka hinahanap na ako ng daddy ko eh. Ingat ka nalang bukas... Halata ang lungkot sa mga mata ng batang babae pero hindi na ito pinansin ng batang si Shan, maging siya man kasi ay nalulungkot na iiwan niya ang kanyang kaibigan.
Akala mo magiging madali na makalimutan ka pero maling mali ka dun dahil hanggang ngayon hini ka pa rin mawala sa isip ko.


Hoy! Natulala kana diyan. Kain kana... Napakalalim ng iniisip mo ah buti hindi ka nalunod?

"Syempre magaling akong lumangoy eh...", sabay tawa nito.

Sira ka...

"Pero alam mo kung ano Trish?"

Ano? Kunot-noong tanung nito sa kanya?

"Wala..."

Napalabi nalang ang dalaga... hmmp. Wala naman pala eh.

You simply reminds me of her... sa isip ng binata.

There she GHOST (5)

“Good Morning!”, bati ng dalaga sa kagigising lamang na si Shan.
Pupungas pungas pa ito habang ngiti agad ng dalaga ang sumalubong sa kanya. 

Maganda palang gumising sa umaga kahit isang kaluluwa ang kasama ko, sabi sa isip ng binata. Hindi rin kasi niya maiwasang hindi mapangiti sa ngiti ng dalaga. Para bang isa itong sakit na nakakahawa pero masarap sa pakiramdam. 

“Good morning din,”bati ng binata. Kanina kapa gising?

“Oo, sa tingin ko nga ay napakasarap ng tulog mo eh mukang nakabawi kana sa panaginip mo kagabi.”

“Paano mo naman nasabi iyon?”nagtatakang tanung nito.

“Kasi ang lakas ng hilik mo... tatawa tawang sabi ng dalaga.” Siya nga pala pinakialaman ko din ang digicam mo.

“Teka wag mong sabihing?—sabay kuha ng binata ng kanyang camera at tiningnan kong tama nga ba ang hinala niyang kinuhaan siya nito ng pictures.” At dun niya napagtanto na tama nga ang hinala niya dahil sa picture na nakita niya. Kitang kita niya ang bibig niyang nakanganga na para bang naghihintay sa isusubong pagkain, natawa din siya ng Makita ang sarili sa ganoong posisyon. Trisha, lagot ka sakin pero bago pa niya masita si Trisha ay nawala na ito sa paningin niya. 

“Siya na ang makulit na kaluluwang nakilala ko.”

Pagpunta ni Shan sa kusina nagulat siya ng makitang nagluluto si Trisha.

“Teka, anong ginagawa mo?”, gulat niyang tanung.

“Hindi mo ba nakikita na nagluluto ako ng almusal mo, sagot naman nito sa kanya na abalang abala pa din sa pagluluto.”

“Teka nga, nakikita ko ngang nagluluto ka at huwag mo na akong pilosopohin ok, ibig kong sabihin bakit ikaw? Asan si mama? Tanung nito.”

“Bago ka kasi umarte ng ganyan na para bang lalagyan ko ng lason ang pagkain mo, basahin mo muna iyong note na nasa may ref niyo, pasalamat ka nga pinagluluto pa kita eh, sige na iready mo na iyong mesa malapit na akong matapos.”

Naguguluhan man ang binata ay sinunod niya ang inutos sa kanya ng dalaga at binasa ang note na sinasabi nito sa kanya. Nalaman niyang mawawala pala ang mama niya ng dalawang linggo dahil may kailangang asikasuhin sa mga business nila dahil matagal ng patay ang papa niya. At dahil sa nag-iisa lamang siyang anak nito wala din silang katulong dahil mismong ang mama niya ang personal na nag-aasikaso sa kanya.

“Ok I’m done...” sabi ng dalaga.
Kain ka na...

Umupo siya sa katapat na upuan ng binata at matamang nakatingin ang dalaga sa binatang si Shan habang kumakain ito. Hinihintay kasi nito ang magiging reaksiyon ng binata sa niluto niyang pagkain. Ipinaghanda niya ito ng chicken fried rice at bacon...

“So, ano sa tingin mo? Ok lang ba iyong fried rice na niluto ko? Ngingiti ngiting tanung ng dalaga. Hindi naman ba maalat or ano?”

“Ok naman, sakto lang hindi maalat.” Hindi ko akalain na marunong ka pala magluto, ang sabi nito habang sarap na sarap sa kinakain.

“Syempre naman noh, gusto ko kasi ako ang nag-aasikaso sa papa ko, kaya nalulungkot ako dahil ngayon wala ng mag-aasikaso sa kanya buti na nga lang andun si Yaya Meding.”

“Nga pala shan, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?”

“Kaya naman pala... ipinagluto mo ako dahil may pabor kang hihilingin. Ngayon alam ko ng may kapalit pala ito.”

“Hindi naman sa ganun, depensa ng dalaga. Kaya lang kasi ngayon ang araw ng libing ko, ang ibig kong sabihin ng katawan ko kaya gusto ko lang sanang pumunta dun eh. Kaya samahan mo na ako sige na? Please? Pagmamakaawa ng dalaga.
"Ang gwapo mo pala ngayon Shan, ngayon ko lang napansin.

"Asus, at binola mo pa ako... matagal ko na po yang alam noh."

“Sige na... pasalamat ka hindi lang ako gwapo, mabait pa.”


------


Sa sementeryo

“Hindi ba tayo lalapit sa kanila?,”tanung ni Shan.

“Sapat na sakin na Makita ang Papa ko mula sa malayo, baka kasi hindi ko magawa iyong sinabi ko kay Gabriel.”

“Sino naman si Gabriel?”

“Basta, hindi mo na kailangan pang malaman.”

“Ikaw ang bahala.”

“Tayo na umalis na tayo shan,aya ni Trish sa binata.”

“Hindi mo na ba lalapitan ang Papa mo?”

“Sa ibang pagkakataon na lang siguro, ayoko munang Makita sila Levi, nasasaktan lang ako”, saka dirediretsong pumasok ito sa sasakyan ng binata.
Bagama’t naguguluhan ang binata sinundan na lamang niya ang dalaga at mabilis na pinaandar ang sasakyan. 


----

“Trisha! Tingnan mo oh ang lakas ng ulan...” tawag ng binata.

“Bakit parang hindi ka natutuwa?”

“Wala naman akong dapat ikatuwa sa ulan, malungkot na sagot ng dalaga.”

“Bad memories?,” alanganing tanung ng binata.
Pilit na ngumiti ang dalaga sabay tingin sa labas ng bintana.

“Masyado ata tayong seryoso ngayon? Hindi ako sanay na Makita kang ganyan, madalas kasi lagi kang may ngiti,”puna ng binata.

“Sampung taon na ang nakalipas ng mawala ang mama ko at sinisisi ko iyon sa ulan. Alam ko hindi naman dapat pero isa iyon sa mga paraan ko para makalimutan kong kasalanan ko ang lahat.”

“Anong ibig mong sabihin Trish?”

“Umuulan noon, Masaya kaming naglalaro ni mama inaya ko din siyang maligo kami sa ulan pero sa sobrang kakulitan ko napapunta ang bola sa kalsada kaya sinundan ko iyon sa labas kahit na sinabi ni mama na huwag ko ng kunin ang bola dahil marami daw sasakyan sa labas, pero dirediretso pa din ako hindi ko siya pinakinggan hanggang sa biglang may paparating na sasakyan, sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito hindi ko alam ang gagawin ko, nakita ko nalang na hinarang ni mama ang katawan niya para sakin. Simula noon, ayoko ng nakakakita ng ulan. Kasalanan ko kung bakit nangyari iyon sa kanya, kung sana’y nakinig ako... sana buhay pa rin siya”, ang maluha luhang kwento ng dalaga.

“Kung para sayo, ang ulan ang nagpapaalala sayo ng aksidenteng iyon. Pwede naman tayo gumawa ng ibang ala-ala na hindi lungkot ang mararamdaman mo eh. Isa iyong aksidente kaya hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo Trish. Tara, punta tayo sa labas?”, aya nito sa kanya.

“Anong gagawin natin sa labas?”

“Gagawa tayo ng panibagong mga ala-ala... masasayang ala-ala,” sabay ngiti ng binata.

Naglaro sila sa ulan na parang mga bata, nagtampisaw, nagbatuhan ng mga putik. Natuwa si Shan na makitang napalitan ng kasiyahan ang kalungkutan ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam pero talagang magaan ang loob niya sa dalaga na para bang matagal na silang magkakilala. Sa tuwing titingnan niya kasi ang dalaga para bang pakiwari niya’y nakikita niya ang imahe ng kababata niya noon. Asan na kaya ang batang iyakin na un?

Nagulat na lamang ang binata na natamaan siya ng putik sa kanyang pisngi habang tatawa tawa naman ang dalaga.

“Sige, ayos lang sakin basta Makita lang kitang nakangiti... kesa naman nakasambakol iyong mukha mo, nakakatakot”, ang sabi ng binata sabay takbo papalayo sa dalaga.

“Ah ganun. Nakakatakot pala ah, humanda ka sakin.. andiyan na ako...sabay takbo ng dalaga.” At noong mga oras na iyon naalala niya na hindi lang pala puro bad memories ang meron nung mismong araw na iyon. Dahil nawalan man siya isang mabuting ina noong mga oras na iyon nagkaroon naman siya ng isang kaibigan noon gaya na lamang kung anong meron sila ni Shan ngayon.

“Asan na kaya si chikito ngayon? Naaalala pa kaya nya ko? Tanung sa sarili ng dalaga ng maalala ang kanyang minsang nagging kaibigan noon na pinangalan niyang chikito dahil sa chinito ito.”

Naalala ko pa, umiiyak din ako ng araw na iyon dahil sa pagkawala ni mama. Pumunta ako sa park at dahil sa abala si papa hindi na niya napansin na nawala ako sa paningin niya. Umupo ako sa swing noon at kahit wala akong payong hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan, nalulungkot kasi ako ng mga oras na iyon dahil pakiramdam mo kasalan ko ang lahat. Maya maya naramdaman kong may tao na sa tabi ko at ng tingnan ko isang batang lalake ang nakangiti sakin. Pinayungan niya ako at hinatid ako sa bahay naming. Ewan ko ba pero sa tuwing titingnan ko si Shan, naaalala ko ang batang iyon sa kanya. 

Sayang nga lamang dahil malabo na kaming magkita ni Chikito.

Sayang...