Nakita ni Trisha ang kanyang wala ng buhay na katawan na yakap yakap ni Levi na kanyang kasintahan.
Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii... ...sigaw ng dalaga na tanging sya lamang naman ang nakaririnig sa silid na iyon.
Hindi....
hindi....
Hindi ito pwedeng mangyari sabi sa sarili ng dalaga na takot na takot at halos nanginginig sa kanyang nakita.
Sinubukan niya na hawakan ang kasintahan niyang si Levi pero laking gulat niya ng kahit na hibla lamang ng buhok nito ay ni hindi niya man lang magawang hawakan.
Bakit?
Bakit ganun?
Bakit ni hindi ko man lang mahawakan si Levi? ang puno ng kalungkutang tanung nya sa sarili.
Kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan niyang hawakan naman ang kanyang Papa na katabi lamang halos ng kanyang kasintahan.
Papa bakit ang lungkot lungkot mo? Dba sabi ko sayo ayokong nakikita kang malungkot ang sabi ng dalaga sa kanyang ama at tangkang hahawakan niya sana ang mukha nito at papahirin ang luha pero parang hangin lang na lumagpas ang kanyang mga kamay sa mukha nito.
Bakit?
Bakit ni hindi ko man lang sila magawang hawakan? ang sabi sa sarili ng dalaga habang nakatitig sa kanyang mga kamay.
Bakit ganun? Ano bang nangyayari sakin? naguguluhang tanung sa sarili ng dalaga.
At bakit yakap yakap ni Levi ang katawan ko?
At umiiyak sila? ibig bang sabihin nito patay na ako.?
Patay na talaga ako?
Hindi...
hindi iyon maaari...
Hindi pa ako patay...
Papa, Levi tawag niya sa dalawang lalake na punung puno ng kalungkutan kasabay ng nag-uunahang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
Nandito ako oh! si trish... ako ito si trish... tawag niya sa ama at sa kanyang kasintahan.
Pansinin niyo naman ako nandito lang ako turo niya sa sarili.
Andito lang ako papa...
levi... ang nanghihina niya ng tawag sa dalawang lalake pero tanging siya lang naman ang nakakarinig sa bawat salitang kanyang binibitiwan.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng kwartong iyon.At patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.
“Tama na ang iyong pag-iyak”, ang sabi ng isang boses mula sa kanyang harapan.
Kaya naman tumayo siya at itinaas ang mukha mula sa pagkakayuko para makita ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Isang 25 anyos na lalake ang sa tingin niya'y edad ng lalakeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Maamo ang mukha nito at tila isang anghel na nalaglag mula sa kalangitan dahil sa puting puting bumabalot dito at pati na rin ang kasuotan ng lalake.
“Nakikita mo ako?”, ang tanung niya na hilam ng luha ang kanyang mukha.
“Oo, dahil katulad mo parehas lang tayo ang sabi ng lalake sa kanya na hindi kababakasan ng kahit na anung emosyon sa kanyang maamong mukha.
Ako si "Gabrielle" ang sabi ng lalake na hindi parin mawala ang kaseryosan sa mukha. Tungkulin ko na sunduin ang mga kaluluwang katulad mo.
“Tayo na ipinasusundo kana sa akin”, dagdag pa nito.
“Saan naman tayo pupunta?”, nagtatakang tanung naman ni Trisha.
“Malayo sa lugar na ito, hindi kana nararapat na magtagal dito”, dagdag pa ng lalake.
“Pero hindi...ayokong sumama sayo. Hindi pa ako handa,” pagtanggi niya.
Isa pa nandito sila sabay turo niya sa dalawang lalake na naroon sa kwartong iyon at iniiyakan ang kanyang katawan.
Ang Papa ko....at si Levi pagpapaliwanag ng dalaga sa lalake.
“Hindi mo ba nakikitang wala ka ng buhay at isa ka na lamang ligaw na kaluluwa. Hindi makabubuti para sayo na manatili pa dito. Matatakot ang sinumang makakakita sayo dahil iisipin nilang isa kang multo. Patay kana Trisha at dapat mong tanggapin ang katotohanang ito”.
"Hindi... nagkakamali ka! Hindi pa ako patay at ayoko pang iwan ang mga mahal ko."
Ang Papa ko...
Si Levi... mahal na mahal ko sila.
Pero katulad ng sinabi ko patay kana. Nangyari na ang mga dapat mangyari, ito ang nakatakda at ginagawa ko lamang ang tungkulin ko. Kaya sumama kana, pangungumbinsi ng lalake.
Nag-isip ang dalaga habang matamang nakatitig sa kanyang ama at kasintahan.
isang linggo.... ah! hindi...
dalawa???? hindi parin iyon sapat
isang buwan!
Tama isang buwan...
Isang buwan pa... ulit ng dalaga sa lalake.
Anong ibig mong sabihin? tanung ng lalake sa kanya.
Pwede ba akong tumigil pa dito ng isang buwan? Pagkatapos noon nangangako akong sasama na ako sayo.Pakiusap pumayag ka sana pagsusumamo ng dalaga.
Bago ako tuluyang umalis para sumama sayo gusto ko lang munang masiguro na magiging maayos ang kalagayan ng mga mahal ko sa buhay pagpapaliwanag ni Trisha kay Gabriel.
Nag-isip sandali ang lalake at maya maya'y nagsalita.
Kung ganoon mananatili kapa dito ng isang buwan, sabi ng lalake pero pagkatapos nun ay muli akong babalik para sunduin ka at hindi kana maaari pang tumanggi.
Salamat, maraming salamat Gabriel sabi ng dalaga. Pangako pagkatapos ng isang buwan sasama na ako sayo.
Kung ganoon ay aalis na ako,paalam ng lalake. Mahahawakan mo ang kahit na anong bagay pero kahit kilan hinding hindi mo na mahahawakan ang sinumang tao Trisha, sanay matanggap mo na hindi ka na para sa mundong ito dahil isa ka na lamang kaluluwa. Pero binabalaan kita hindi lahat ng tao ay hindi ka makikita, dahil sa mundong ito may mga taong may espesyal na kakayahan na makakita ng mga tulad natin, sa inyong mundo sila ang tinatawag na mayroong 3rd eye. Pagkasabi ng lalake nun ay parang bulang nawala ito.
Tama si Gabriel, isa na lamang akong kaluluwa ngayon at ang mga kamay kong ito kahit kilan ay hindi na maaaring hawakan ang mga taong mahal ko.
-----------
Samantala ipinaayos na ng ama ni Trisha ang libing ng kanyang anak, maraming tao ang dumalo sa libing nito na karamihan ay malalapit na kaibigan ng dalaga kasama na rin doon ang matalik na kaibigan nitong nagngangalang si Isabel Sarmiento.
“Tito Ricardo condolence po”, sabi ni Isabel sa ama ng kanyang matalik na kaibigan.
Issa maraming salamat sa pagpunta dito ija.
Wala po iyon isa pa nalulungkot po ako sa pagkawala ni Trish, hindi ko ineexpect na magiging ganito kadali ang pagkawala niya.
Ako rin ija, napakasaya niya pa nung nagpaalam sa akin para sa date nila ni Levi pero dahil sa mga magnanakaw na iyon ay nawala ang aking pinakamamahal na anak, ang pinakamamahal kong prinsesa ang malungkot na sabi ni Mr. De Villa.
Nakalulungkot po talaga pero wala na tayong magagawa pa diyan Tito nangyari na ang lahat. Magpakatatag na lamang po kayo dahil alam ko kung nasaan man si Trish ngayon hindi niya gugustuhing makita kayong ganyan.
Alam ko ija, at pilit na ngumiti ang ginoo bagamat halata pa rin sa mukha nito ang labis na kalungkutan.
Ah, tito nasaan po ba si Levi? tanung naman nito.
Naroon siya sa labas ija sa palagay ko ay hindi niya pa rin niya matanggap ang nangyari sa aking anak, puntahan mo na lang siya.
Maiwan ko na po muna kayo, paalam ni Isabel pagkatapos ay nagtungo ito sa kinaroroonan ni Levi na nakaupo sa labas at kasalukuyang umiinom ng alak na lingid naman sa kaalaman ni Mr. De Villa na ama ni Trisha.
"Levi ano bang ginagawa mo?", nagtatakang tanung ni Issa sa kasintahan ni Trish, sabay agaw nito sa bote ng beer na hawak nito.
"Hindi mo ba nakikitang umiinom ako?"
"Alam ko at hindi ako tanga. Sa palagay mo ba ay maganda ang ginagawa mo, baka nakakalimutan mong nasa burol tayo ngayon ng pinakamamahal mo," ang sabi ni Isabel na may pagkasarkastiko.
Ano kaba naman pwede ba umayos ka nga dagdag pa nito.
Maya maya ay kumilos ang lalake at niyakap si Isabel.
Levi bitiwan mo nga ako, pagpupumiglas nito.Baka makita tayo ng Papa ni Trish ano nalang ang sasabihin niya sa atin?
Wala na si Trish, patay na siya kaya bakit kilangan pa nating magpanggap?
Alam mong ikaw ang mahal ko Isabel at hindi ang bestfriend mo pero ano? itinago mo sa kanya ang katotohanan na matagal nang tayo at sa halip ay pinaligawan mo siya sa akin na ginawa ko naman dahil sa pagmamahal ko sayo at dahil ayokong iwan mo ako.
Levi tumahimik ka pwede? Hindi ba't ipinaliwanag ko na sayo ang lahat? Isa pa napakalaki ng utang na loob ng Pamilya namin sa Papa niya kaya naman nung unang beses na ipinakilala kita sa kanya bilang kaibigan ko at sabihin niya sa aking gusto ka niya ay hindi ako nagdalawang isip na paligawan siya sayo. Alam ko kasing magiging masaya siya kahit na ito naman ang kapalit ng kaligayahan ko.
Pero wala na siya ngayon Isabel kaya naman bumalik kana sa akin. Hindi ko na kaya. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko.
hindi ko na kaya na magpanggap pa.
Levi...pagkatapos ay ginantihan ng yakap ni Isabel si Levi.
Samantala habang nag-uusap ang dalawa ay lihim namang napapakinggan ng kaawa awang si Trisha ang lahat at ang katotohanang napakasakit para sa kanya.
Sa sobrang sakit na nadarama ay nagtatakbo siya papalayo sa lugar na iyon habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa kanyang pisngi.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Sa halos araw araw na pagbabantay ko kila Levi at Papa hindi ko inaasahan na isang napakalaking kasinungalingan pala ang lahat.
Si Levi at ang tinuring kong kapatid na si Isabel.
Bakit nagawa nila iyon sa akin? tanung ni Trisha sa sarili habang hindi alam kong saan siya patutungo.
Isang rumaragasa namang sasakyan ang kasalukuyang babangga na sa papatawid na si Trisha.
Kabadong kabado naman ang binatang si Shan ng makita niyang may babae siyang mababangga dahil sa mabilis niyang pagpapatakbo kaya naman mabilis niyang inapakan ang preno ng kanyang sasakyan at dali daling bumaba ng kanyang kotse upang tingnan ang babae.
“Teka nasaan na ang babaeng nakita ko kanina?”, ang nagtatakang tanung ni Shan sa sarili?
Sigurado akong nandito lang iyon sabay tingin niya sa paligid.
D kaya guni-guni ko lang iyon? baka nga. Kaya naman napagpasyahan niya ng sumakay uli ng kanyang kotse.
Papasok na sana ang binata ng makarinig siya ng iyak ng isang babae kaya naman muli niyang sinara ang kanyang sasakyan at hinanap kung saan nanggagaling ang boses at nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada na hindi kalayuan sa kanyang sasakyan. Nakayuko ito at patuloy sa pag-iyak.
Miss, miss tawag niya sa babae.
Ano bang ginagawa mo dito sa lugar na ito?
Pero ni hindi man lang sumasagot ang babae at sa halip ay patuloy lamaang ito sa pag-iyak.
Alam mo masyadong delikado sa lugar na ito, atsaka bakit kaba umiiyak?
Pero ni hindi pa rin siya nakarinig ng sagot mula sa nakayukong babae.
Nawawala ka siguro noh? Kung gusto mo miss sumabay kana sa akin, ihahatid nalang kita sa inyo? alok niya sa babae pero ni hindi pa rin ito kumikilos.
Miss tara na? ang medyo nauubos ng pasensiyang pag-aaya niya.
Hay naku ikaw din alam mo ba maraming ligaw na kaluluwa sa lugar na ito kaya kung ako sayo sumama kana sa akin. Wag kang mag-alala kasi wala naman akong gagawing masama sa iyo eh,tsaka mabuti akong tao.
Maya maya ay humarap sa kanya ang babaeng nakayuko.
Ligaw na kaluluwa ba kamo? tanung niya sa lalake.
Oo ganun nga kaya tara na nakakatakot sa lugar na ito, napakadilim pa naman.
Ligaw na kaluluwa? katulad ko? tanung ni Trisha na hilam ng luha ang mga mata.
Kaw talaga, tinatakot mo pa ako eh.
Tara na nga sabay hawak niya sa balikat ng babae pero laking gulat niya ng hindi niya ito magawang hawakan at lumampas lang ang kanyang kamay sa balikat nito.
Isa kang..... ang nauutal utal na sabi ng binata
mu---- mu---- mul----
muuuuuulllltttttoooooooo........... . ahhhhhhhh
No comments:
Post a Comment