“Doc please parang awa niyo na po gawin niyo lahat ng magagawa niyo para mabuhay siya”, pagsusumamo ng isang binata sa Doctor na naka-assign sa isang pasyente na nasa kritikal na kalagayan.
Pawisan ang binata at halatang halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
“Levi...”, tawag ng isang may edad na lalake sa binata na kahit na may-edad na ay hindi parin nawawala ang kakisigan at ang kagwapuhan.
“Tito, si Trish,”... ang halos maluha luhang sabi ng binata.
“Calm down ijo, everything will be fine. Manalig lang tayo sa Diyos.”
“Kamusta na ba ang anak ko?”, ang nag-aalalang tanung din ng Ginoo.
“Hindi ko pa ho alam dahil halos kakapasok lang niya sa operating room”, sagot naman ng binata.
“Its all my fault tito, kung hindi dahil sa akin,ako sana ang nasa kalagayan niya ngayon at hindi siya..”
“Ijo... ijo huminahon ka,isa pa nangyari na yan.At wala na rin tayong magagawa pa. At sa tingin ko kung sakali mang ikaw ang nandun ganyan din ang sasabihin ng anak ko, sabay tapik ni Mr.De Villa sa balikat ni Levi.Hindi rin niya gugustuhing makita ka sa ganung kalagayan.”
“Kung hindi lang sana siya humarang para sa balang dapat na para sa akin ay ako sana ang nasa operating room ngayon tito at mas gugustuhin ko pa po na ako yong nandun kesa si Trish. At hindi ko kakayanin kung sakali mang may mangyaring masama sa kanya.Ikamamatay ko iyon tito.”
“Huwag kang magsalita ng ganyan ijo. Sa tingin mo ba matutuwa si Trish na marinig kang nagsasalita ng mga ganyang bagay? Hindi niya gugustuhing makita kang ganyan at alam ko iyon ang labis na magpapalungkot sa anak ko.Alam ko kung gaano ka niya kamahal. At alam ko na mas ginusto niyang siya ang tamaan ng bala kesa sa iyo. Kaya magdasal na lamang tayo sa Diyos alam ko hindi niya pababayaan ang pinakamamahal kong anak.
Kaming dalawa na lamang ang magkasama simula ng mamatay ang kanyang Mama kaya sana'y maging maayos na ang kalagayan ng aking anak, ang lihim na dasal ni Mr. De Villa. Dahil siya na lang ang nagpapasaya sa akin.
Sa operating room naman ay hindi magkanda-ugaga ang mga Doctor sa kanilang pasyenteng si Trisha De Villa.
“Doc ang pasyente po,” ang sabi ng isang nurse.
-------
Sa labas naman ng operating room ay inip na inip na naghihintay si Levi at ang Papa ni Trish na si Mr. De Villa.
Lumabas na ang Doctor sa operating room at bakas sa mukha nito ang hindi magandang balita.
Agad agad namang tumayo si Levi mula sa pagkakaupo para salubungin at tanungin ang Doctor at ganun din si Mr. De Villa.
“Doc kamusta na po siya?” tanung ni Levi sa Doctor.
“Ako ho ang ama ng pasyente niyo,” pagpapakilala naman ni Mr. De Villa sa Doctor. Kamusta na ho ba ang kalagayan ng anak ko? nag-aalalang tanung ng ginoo.
“Sad to tell you sir pero ginawa na ho namin ang lahat ng magagawa namin pero---“
Pero ano Doc? sabay hawak sa magkabilang balikat ng Doctor ni Levi. Magsalita ho kayo... ang medyo napapalakas ng boses ng binata.
“Huminahon ka ijo,”bitiwan mo ang doctor ang pakiusap ni Mr. De villa.
I'm really sorry sir, ijo dahil wala na po kaming nagawa. Masyadong kumplikado ang tama ng inyong anak kaya naman ito ang naging dahilan kung bakit hindi na namin siya nagawang iligtas. Ginawa na ho namin lahat ng makakaya namin pero pati na rin po ang pasyente ay sumuko na ang katawan. Pwede niyo na ho siyang tingnan. Maiwan ko na ho kayo, paalam ng DOctor sa dalawa.
Agad agad namang pumasok sa loob ng kwarto ang dalawang lalake.
Trish... sabay yakap ng binata sa kanyang kasintahan.
Trish... d ba sabi mo hindi mo ako iiwanan kahit kailan? Bakit napakadaya mo? maluha luhang nasabi ni Levi.
Trish gising na mahal ko dba mamasyal pa tayo?
Trish... gumising kana sige na oh... nangako ka sa akin dba?nangako ka...
Trissshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.... sigaw ni Levi.
Mataman lang nakatingin si Mr. De Villa sa walang buhay na katawan ng kanyang anak. Kitang kita sa mukha nito ang labis na kalungkutan sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na anak.At tanging ang masayahing mukha ng kanyang anak ang kanyang nakikita sa kanyang balintataw at maging ang boses nito sa tuwing tinatawag siyang Papa.
Sa kabilang banda naman ay nakamasid sa dalawang lalake ang kaluluwa ng dalaga na may halong pagtataka.
"Sino ba ang babaeng iniiyakan nila Papa?", tanung sa sarili ng dalaga.
"Pa Levi andito ako oh," tawag niya sa dalawa pero tila walang naririnig ang mga ito bagkus ay patuloy sa pagtawag si Levi sa kanyang pangalan.
Trish...
trish...
"Trish"... paulit ulit na naririnig niya sa binata kaya naman mula sa kanyang kinatatayuan ay lumapit siya sa kasintahan at akmang hahawakan niya ito ng makita niya ang mukha ng dalagang mahigpit na yakap yakap ni Levi na kanyang kasintahan.
Walang iba kundi ang kanyang walang buhay ng katawan.
No comments:
Post a Comment