"Trish... yoooohooooo..." Asan na kaya ang multong un?
Maya maya'y napansin ng binata ang isang note sa may ref.
"Shan, aalis muna ako pupunta lang ako sa Daddy ko.
Nakapagprepare na ako ng food mo."
-trish
Napakathoughtful talaga ni Trish, siya lagi ang nagpeprepare ng food ko. Dahil sa kanya hindi ko na poproblemahin ang pagluluto, bukod dun simula ng dumating siya dito sa bahay naging masaya ang ang bawat minuto para sa akin. Sana nga tao na lang siya ang biglang naisip ng binata.
Teka nga bakit ko ba naiisip un?
Shan, ano bang nangyayari sayo?
Wag mong sabihing naiinlove kana sa isang multo?
Hindi...
Hindi pwedeng mangyari yun...ok
Hindi pwede...
Isa iyong malaking kalokohan...
Oo... isang kalokohan.
Oo... isang kalokohan.
---
Dirediretsong pumasok si Trish sa kanilang bahay at nagpalinga linga.
Asan na kaya si Daddy? Bakit parang wala man lang katao tao dito?
Ginala ng dalaga ang kanyang paningin at nagulat siya ng makitang wala ng nakadisplay na picture niya.
"Teka bakit wala na iyong mga picture ko dito? Saan naman kaya nila nilagay? Talaga kayang kinalimutan na ako ng tuluyan ng Daddy ko. Ganito ba talaga kapag patay ka na? Sa isang iglap napakadali nalang kalimutan ang lahat?." Tulad ng isang sirang laruan pagkatapos pagsawaan basta basta na lang itatapon. Ganun lang ba iyon? Magkahalong awa sa sarili at lungkot ang nararamdaman ng dalaga.
Aalis na sana si Trish ng bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad doon ang kanyang ama na si Mr. De Villa na kasama nito ang kanyang kaibigang si Isabelle.
"Anong ginagawa ni Isabelle dito?", pagtataka ng dalaga. Nasagot ang tanung niya ng biglang magsalita ang kanyang ama.
Nakatingin lamang siya sa mga ito, pinapanood at pinakikinggan ang bawat sabihin sa isa't isa.
"Ija, doon ka muna sa dating silid ni Trisha, wala naman ng gumagamit noon eh. Pwede mo ring gamitin ang mga gamit niyang andun ang sabi nito bago umakyat sa hagdan."
"Ah, sige po tito marami pong salamat sa lahat ng tulong."
"Wag mong intindihin iyon ija, alam mo namang para na rin kitang anak."
"Oh, siya sige magpalit ka na muna ng damit mo, umakyat ka na lamang sa taas pagkatapos mo ay kakain na din tayo."
"Sige po, maikling sagot nito pagkatapos ay umakyat na rin sa silid ng kanyang kaibigan."
Lingid sa kaalaman ni Isabelle ay lihim siyang sinusundan ni Trisha.
Hindi na nagulat ang dalaga ng bumulaga sa kanyang harapan ang napakalawak na silid ng kanyang matalik na kaibigan, madalas din kasi siyang makapasok noong nabubuhay pa ito. Hindi rin ito madamot sa kanya dahil kung anong meron ito ay binibigyan din siya.
Maya maya'y umupo siya sa kama at hinawakan nito ang isang picture frame kung saan magkasama silang dalawang magkaibigan.
"Trish, alam ko hindi ako naging mabuting kaibigan sayo. I'm sorry, ang sabi ng dalaga na para bang naririnig siya nito. Nagpapasalamat talaga ako sayo kasi naging napakabuti mo sa akin pati na rin ang Daddy mo. Sa totoo lang alam mo naiingit talaga ako sayo. Meron kang napakabait na ama, hindi tulad ko na kahit kailan ay hindi man lang nakaramdam ng pagmamahal ng isang ama. Halos lahat nasa iyo na, ang sabi pa ni Isabelle. Napakaswerte mo... Trish.
Pagkarinig ni Trish kay Isabelle, lumapit ito at hinaplos ang pisngi ng kaibigan.
"Isabelle, sorry kung ako pa ung naging hadlang para sa inyo ni Levi. Alam mo kung ano? mas naiinggit ako ngayon sayo, kasi kumpara sakin? Isa na lamang akong patay... wala ng buhay ang katawan ko... ligaw na kaluluwa na lamang ako ngayon... isa na lamang akong ala-ala para sa mga taong mahal ko, samantalang ikaw? buhay ka at lahat ng meron ako ngayon pwedeng mapunta sayo, lalong lalo na ang pagmamahal ni Levi na kahit kailan ay tanging sayo lamang."
Sana wag mong pababayaan ang Daddy ko sabay yakap ng dalaga sa kaibigan.
Sana wag mong pababayaan ang Daddy ko sabay yakap ng dalaga sa kaibigan.
Nakaramdam si Isabelle na tila ba may kung anong malamig na hangin ang yumakap sa kanya. Saka biglang umihip mula sa nakabukas na bintana ang malamig na hangin.
Trish... naibulong nalang sa hangin ng dalaga at saka napatitig sa nakangiting larawan nito.
-----
Sa paglalakad ng dalaga’y nakita niya ang isang kaluluwa ring katulad niya na nakatanaw sa isang lalake na bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan.
“Boyfriend mo?” tanung niya sa isang kaluluwa rin na tulad niya.
Bahagya lamang itong ngumiti, na nakatingin pa rin sa isang lalake nakaupo sa labas ng bahay nito.
“Hindi... espesyal siya para sa akin.”
Pansin niya ang lungkot sa mga mata nito habang pinapanood ang lalake ganunpaman ay may ngiti pa rin sa mga labi nito.
“Ako nga pala si Angela, pagpapakilala nito sa kanya.”
“Ah, Trisha.”
....
....
“Mahirap iwan ang mga taong mahal natin hindi ba?” basag niya sa katahimikan.
“Oo tama ka, kaya nga gusto kong Makita siya bago ako tuluyang umalis. Gusto kong makitang maayos si David. Kahit na kinailangan kong isakripisyo ang buhay ko para sa kanya, Masaya ako at wala akong pinagsisisihan kasi ginawa ko iyon dahil mahal ko siya at dahil naging napakalaking bahagi siya ng buhay ko. Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko."
“Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko... ulit ng dalaga sa sinabi ni Angela.”
Ang dahilan... Maya maya'y rumihestro sa kanyang isip ang mukha ni Shan.
Napangiti ang dalaga na napansin naman ni Angela.
"Bakit ka nangingiti diyan? Naisip mo rin ba ang taong mahal mo? tanung ni Angela."
"Ang taong mahal ko? Pero si Shan--, kaibigan ko lang iyong naisip ko."
"Kailanma'y hindi mo maitatago ang tunay mong nararamdaman para sa isang tao."
"Ang tunay kong nararamdaman? Ano nga ba Trisha?"
Mahal ko na nga ba si Shan?
-----
Nasa harap na ng gate ng bahay nila Shan si Trish pero nakatingin pa rin siya sa bahay ng binata.
"Ang tunay kong nararamdaman? Ano nga ba?"
Mula sa likod ay narinig ng dalaga ang isang pamilyar na boses.
"Miss Multo wala ka bang balak pumasok sa loob? tanung nitong nakangiti lang sa kanya."
Nakatitig lamang si Trish kay Shan.
Ang tunay kong nararamdaman.... paulit ulit iyong nag-eecho sa isip ng dalaga.
Okay ka lang ba? takang tanung naman ng binata sa dalaga.
Para namang nagising ang dalagang si Trish at parang wala sa sariling sumagot.
Ah, o-- oo okay lang ako.. saka dire-diretsong pumasok at umupo sa labas ng terrace.
May problema ka ba Trish?
Naku, wag mo akong intindihin Shan, wala naman akong problema. Tsaka ano namang dapat problemahin ng isang multong tulad ko dba? sabay ngiti niya sa binata.
Bakit ba parang naliligalig ako sa presensiya ni Shan? Trisha naman kung kilan isa ka na lang multo saka pa ata muling tumibok ang puso mo. Dba nga wala ka na namang puso, so bakit parang tumitibok pa ulit yan...
"So, kamusta naman ang lakad mo? tanung ulit nito sa kanya."
Napalitan ng lungkot ang ngiting nakaguhit sa labi ng dalaga.
Nasa harap na ng gate ng bahay nila Shan si Trish pero nakatingin pa rin siya sa bahay ng binata.
"Ang tunay kong nararamdaman? Ano nga ba?"
Mula sa likod ay narinig ng dalaga ang isang pamilyar na boses.
"Miss Multo wala ka bang balak pumasok sa loob? tanung nitong nakangiti lang sa kanya."
Nakatitig lamang si Trish kay Shan.
Ang tunay kong nararamdaman.... paulit ulit iyong nag-eecho sa isip ng dalaga.
Okay ka lang ba? takang tanung naman ng binata sa dalaga.
Para namang nagising ang dalagang si Trish at parang wala sa sariling sumagot.
Ah, o-- oo okay lang ako.. saka dire-diretsong pumasok at umupo sa labas ng terrace.
May problema ka ba Trish?
Naku, wag mo akong intindihin Shan, wala naman akong problema. Tsaka ano namang dapat problemahin ng isang multong tulad ko dba? sabay ngiti niya sa binata.
Bakit ba parang naliligalig ako sa presensiya ni Shan? Trisha naman kung kilan isa ka na lang multo saka pa ata muling tumibok ang puso mo. Dba nga wala ka na namang puso, so bakit parang tumitibok pa ulit yan...
"So, kamusta naman ang lakad mo? tanung ulit nito sa kanya."
Napalitan ng lungkot ang ngiting nakaguhit sa labi ng dalaga.
Ni isang sagot ay wala siyang narinig mula sa dalaga.
Pinagmasdan na lamang niya ito at nagulat siya ng makita ang pagbagsak ng mga luha nito habang nakatingin sa kawalan. Hindi malaman ng binata kung anong dapat niyang gawin dahil habang nakikita niya itong nasasaktan para bang may kung anong kirot din siyang nararamdaman.
Dahil sa gustong icomfort ng binatang si Shan ang dalaga sinubukan niyang yakapin ang dalaga. Ikinulong niya sa kanyang mga bisig si Trisha. Para niyang niyakap ang hangin pero nanatili siya sa ganung posisyon sa loob ng ilang minuto.
Kahit pala isa na lamang akong multo nakakaramdam pa rin ako. Ang init ng katawan ni Shan. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Sa tuwing umiiyak ako laging siyang nasa tabi ko para i-comfort ako. Sino bang hindi mahuhulog sa kanya?
Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon para mabuhay ulit bilang isang normal na dalaga gugustuhin kong siya ang makasama ko habang nabubuhay ako.
Kaso malabo iyon... sobrang labo eh...
Ok ka na ba? tanung ng binata sabay bitiw sa pagkakayakap sa kanya.
"Pwede bang habambuhay na lang ako sa tabi mo? wala sa loob na naitanung ng dalaga."
"Ano? takang tanung nito."
"Wala ang sabi ko sana habang buhay ko na lang kasama ang mga mahal ko."
Tama bang narinig ko? parang iba iyon sa sinabi niya kanina ah... Nabingi lang siguro ako.
"Bakit ka ba bigla na lang nalungkot ha Trish? May nangyari ba sa pagpunta mo dun?"
Wala naman. Alam mo Shan ngayon ko lang narealize kapag pala patay na ang isang tao, ganun na lang din kadali ang kalimutan ito noh? Pagkatapos mong ilibing sa hukay, wala na. Hanggang doon ka na lang.
Mali ka diyan Trish. Minsan kasi para mawala iyong sakit ng pagkawala ng isang minamahal kailangan mo ring gumawa ng paraan pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kasi hindi naman nagwawakas ang buhay nila sa pagkawala ng mga taong mahal nila. Para sa mga iniwanan, napakahirap nun alam mo ba? Kailangan mo pa ring sumabay sa pag-ikot ng mundo para mabuhay kasi hindi naman natatapos ang buhay mo pag nawala ung isang taong mahal mo db?. Pero alam mo kung anong masakit dun? Na ikaw patuloy na mabubuhay pero iyong taong mahal mo wala na. At kahit na anong gawin mo? lumuha ka man diyan ng dugo, hindi na siya babalik. At kahit kilan hindi na pwedeng bumalik. Mamatay man ang katawan ng tao pero ang mga ala-ala mo sa mga puso nila,habang buhay iyon Trish. Walang sinuman ang pwedeng magnakaw o magbura nun. Hindi mo pwedeng iformat tulad ng computer. Mawala ka man sa paningin nila pero mananatili ka pa rin sa mga puso nila. Yan ang tatandaan mo ha.
Thanks Shan, sa totoo lang gumaan iyong pakiramdam ko dahil sa sinabi mo.
Maraming salamat...
Mahihinang mga katok sa labas ng pinto ang naririnig ni Trisha. Gustuhin man ng dalaga na pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa labas ay hindi niya magawa dahil sa baka matakot lamang ito. Agad agad siyang umakyat sa loob ng kwarto ni Shan at tinawag ang binata.
Shan may tao sa labas buksan mo iyong pinto, tawag nito sa binata na nasa cr.
No comments:
Post a Comment