Home

Tuesday, July 27, 2010

KUYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.

Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?




"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."


"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".
"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."
"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.
"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.
Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.
"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.
"May sinasabi ka ba?"
"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"
"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."
Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.


"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.
"Baka nasa kusina."
"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."
Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.
"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"
"Wala naman ate."
"May kasama ka ba kanina sa labas?"
"Wala."pagsisisnungaling ko.
"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."
"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.
"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."
"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."
"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."
"Iba siya ate."
"Anong iba?"
"Ah, basta, sakin na lang un."
"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."


----


"Oh, asan na ang ate mo belle?"
"Nasa bahay. May gagawin daw siya."
"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."
"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."
"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.
"Ano?"
"Wala naman akong sinasabi."
"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."
"Ayoko pang umuwi."
"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.
"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.
"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"
"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.


---


Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.
"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."
"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"
"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.
"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."
Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.


Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.


Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?


Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.


Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...


"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?
"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.
Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.


"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.
Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto. 
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.
"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."
Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.
"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."
"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."
"Sus, kala mo lang..."
"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"


Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko. 




Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.
Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.



Thursday, July 22, 2010

TAYA

Ang pag-ibig parang habulan.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.

Friday, July 16, 2010

WANTED: BF (2)

After 3 days


"Tol, tumatawag ung employer mo", excited na sabi ni Paul sakin.
Napakunot-noo ako saka bigla kong naalala ung inaplayan ko.
Agad agad ko namang dinampot ang cp ko saka sinagot.

Hello?
Ah, ganun ba. O sige...
ok..darating ako...
bye...

"Oh? anu daw sabi?"tanung ni Nick.
Hoy! ano bang sinabi niya't ang seryoso mo. 
Kung ganun--? putol ni Nick sa sasabihin pa sana niya sakin. Tinapik na lamang niya ang balikat ko imbes na tapusin kung ano mang gusto niyang sabihin.
Ano tagay na? palokong tanung niya. 
Sabi ko naman kasi sayo eh, ako talaga ang type nun...naiiling pang sabi nito. 
Sayang talaga... kung alam ko lang nag-apply na sana talaga ko, sabay kindat pa nito sakin.

Ang kaibigan kong ito... minsan talaga ang daldal niya. Daig pang babaeng putak ng putak.
Hindi pa rin ako nagsalita at sa halip ay tiningnan ko siya ng masama.
"Pare, ganyan talaga ang buhay... okay lang yan... sabay akbay pa nito."
Maya maya binatukan ko siya, hindi ko na kasi matiis ang kadaldalan niya.

"Aray ko naman pare... Wag mo namang ibunton sakin ang galit mo sa babaeng iyon."

"Ang daldal mo kasi eh... Eh kung makinig ka kaya sakin muna."

"Eh ano bang sabi sayo?"curious niyang tanung.
Tumawa lang ako...

"Paul naman, wag mong sabihing tumira ka na naman ng katol kanina? Napopossess ka na ba huh?"

"Gag*, hindi noh!" 

"Hay, naku nababaliw ka na talaga dahil sa babaeng yun...Ano ba kasing sabi niya sayo? 
Tanggap ka na daw ba? 
Hindi noh?,"sunod sunod niyang tanung sakin.

Napatigil ako sa pagtawa. Oo nga pala wala pa siyang sinasabi sakin na tanggap na ako. Pero siguro naman hired na ako? Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng load para lang sabihin sakin na magkita kami ngayon dahil sa hindi naman ako tanggap. 
Tama... ganun nga... Hindi dapat ako magpaapekto sa baliw na si Nick.

"Ano namang tinatango-tango mo diyan pare? Simula noong pinatulan mo iyong kalokohan na iyon, kinakausap mo na rin ang sarili mong mag-isa. Ano kailangan na ba kitang ipacheck-up?"

"Siraulo ka talaga, sabay batok ko sa kanya. Hindi pa ako nasisiraan ng bait noh."

"Aray ko naman.... nakakadalawa ka na sakin ah.Hindi pa nga, sa ngayon pero tingin ko malapit na."

"Alam mo Nick?"

"Ano? alam kong gwapo ko pare pero alam mo namang hindi tayo talo dba?"

"Ang daldal mo...sabay alis ko at diretso sa kwarto."
Loko-lokong iyon, puro kalokohan ang naiisip. Makapagbihis na nga.


--

"Oh! bihis na bihis ka ah? Wag mong sabihing mamakla kana naman?"

"Baliw! may date ako noh. Ano ok na ba itsura ko? Poging-pogi na ba?"

"Oo naman, mana ka ata sakin", tatawa tawang sabi ni Nick.

"Sige alis na ako ah... Kumain ka. Gutom lang yan."

"Hoy, saan ka ba pupunta?"

"Sa magiging gf ko."


----

"So anong nangyari sa pag-uusap niyo? curious na tanung ni Gelai."

"Sinabi ko kailangan naming magkita para makapag-usap sagot ko habang namimili ng isusuot. Para malaman niya kung hired na ba siya."

"Me ganun? para talagang applicant ah."

"Then pag-uusapan din naman ang mga terms sa contract."

"Huh? contract? ano na namang kalokohan un couz? Nababaliw kana talaga France."

"Of course not... pero kung paulit ulit mong sasabihin sakin na nababaliw na ko baka nga mabaliw na ko," sabay tingin ko kay Gelai na nakangisi.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang seryosohin ang lahat? I think he's a nice guy naman eh. Why don't you try? Hindi naman lahat ng lalake katulad ni Har--."

"Sssshhhhhhh... don't say bad words. Okay na iyong ganito noh, unique nga eh..." 
Kilangan namin ng contract. Kung maging ok naman kami eh d magrerenew na lang ng panibago.

"Isa itong malaking kalokohan...
Saan ka naman nakakita ng ganyang klaseng relationship? Oh my gosh..."

"Samin pa lang...
Hmmm... alin bang maganda dito? etong red o black?
Palagay mo?"

"Hindi ako mapalagay sa pinagagagawa mo."
Ngumiti lang ako kay Gelai.

"Bakit ba masyado kang conscious sa isusuot mo huh? eh dba wala lang naman ito para sayo."

Oo nga noh. Bakit nga ba? Dahil ba gusto kong maimpress sakin si Paul? Napangiti ako sa isiping iyon. 
"Eh, ano... ka-se... ah syempre... gusto ko pa rin maging maganda baka kasi makasalubong ko si --"

"Si Harvey? sabay tirik pa ng mata niya... tsk... tsk.. tsk... eh akala ko ba wala ka ng pakialam sa lalakeng iyon?"

"O-o nga... wala na... defensive ko namang sagot." Baka sakali magselos siya at marealize niya iyong pagkakamali niya tapos lumuhod siya sa harap ko para lang bumalik ako sa kanya.

"Don't tell me couz, umaasa ka pa rin na bumalik siya sayo? sabay taas ng isang kilay nito.."

"Of course not..." Teka, nababasa niya ba ang iniisip ko? 
"Kung ginagawa mo lang ito para gumanti diyan sa ex-boyfriend mong wala namang kwenta. I'm telling you... ngayon pa lang, itigil mo na ang kalokohang ito. Kaw din baka makarma ka niyan."

Tingnan mo itong bruhang ito, tinakot pa ako. 
"Alam ko naman ang ginagawa ko eh, don't worry, okay?"

"Kunsabagay, you're old enough... Basta pag nagkaproblem, nasa kabilang kwarto lang naman ako."

"Thanks couz... alam ko naman un eh."

"I'll meet my friends pa, punta kami ng mall. Since may date ka naman eh, una na akong umalis sayo. Bye, paalam nito sabay halik sa pisngi ko."

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kakasara lang na pinto ng kwarto ko.

Siya talaga ang the best sa lahat ng pinsan.
At ngayon kilangan ko ng mag-ayos para sa date ko. 


----

Nandito na ko sa harap ng French Baker sa may Sm pero wala pa siya. Ang mga babae talaga oo... Bakit ba gustong gusto nilang magpalate?

Maya maya may naramdaman akong kumalabit sakin. Paglingon ko tumambad sakin ang nakangiting si France. Simple lang naman ang suot niya. Basta maganda siya tapos.

"Kanina ka pa ba?"
"Ah, hindi naman..."
"Pasensiya na, nalate ako."
"Okay lang, sanay na ako."
"Huh?"
"Ah, sabi ko ayos lang un."

------
Pumunta kami sa may food court kailangan kasi naming pag-usapan ang contract at mga terms sa relationship namin.

"Bale one month lang muna itong contract natin huh. Pagkatapos kung maging ok parin tayo sa isa't isa pwede namang i-renew basta parehas na ok satin ang lahat. Then, parehas lang naman ang set-up natin sa ibang magbf, naiba lang satin kasi may contract tayo. Basta maging honest ka lang, okay? ayoko sa taong sinungaling. Basta kung may magustuhan ka mang ibang babae, sabihin mo lang sakin para macancel agad itong contract na ito. Next week ibibigay ko sayo ung copy mo ng contract. Okay.?"

Kanina pa ako daldal ng daldal wala man lang akong marinig na kahit na anong comment galing sa kanya. Nakatitig lang siya sakin. Nakakailang tuloy... Hindi ako sanay ng tinititigan, pakiramdam ko unti unti akong natutunaw na parang yelo. Naliligalig ako dahil sa kanya.

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"
"Oo..."
"Sigurado ka?"
"Oo..."
"Naiintindihan mo ba?"
"Oo..."
"So, okay lang sayo ung ganitong set-up?"
"Oo..."
"May gusto ka pa bang malaman?"
"Marami pa...sa ngayon, okay na sakin ung alam kong gf na kita."

Ang lalakeng ito... Mababaliw ata ako sa kanya. Sa huling tanung ko lang ata medyo mahaba haba ang sagot niya.
Matatapos kaya namin ang isang buwang contract?

----

Pagkatapos ng ilang oras nag-aya na rin akong umuwi. Hindi naman talaga date ang lakad na ito eh. Kailangan lang kasing pag-usapan ang dapat pag-usapan.

Muntik na akong mabunggo kanina ng isang lalake buti na lang nahawakan niya agad ang kamay ko kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin ako binibitiwan. Sa totoo lang naiilang pa din ako pero dahil nga boyfriend ko na sya, wala namang masama kung hawakan niya ung kamay ko. Isa pa pakiramdam ko hinding hindi niya ako bibitiwan, hindi tulad ni Harvey.

Magkahawak parin kami ng kamay habang naglalakad ng may makasalubong kaming mga pulis.
Nagulat ako ng bigla siyang huminto, pero mas nagulantang ako sa sinabi niya.

"Mamang pulis pakihuli naman po itong kasama ko. Ang laki po kasi ng kasalanan nito sakin eh."

Seryoso ba siya? Nanlaki ang mata ko. 
"Ano bang sinasabi mo diyan? sabay hila sa laylayan ng polo niya."
Umayos kang lalake ka.. Isang maling salita hahampasin na talaga kita sa isip isip ko.

"Ninakaw po kasi niya ang puso ko, sabay tingin sakin saka siya ngumiti."

Oo...korni nga. Masama ba kung kikiligin ako? Hindi ko kasi mapigilang hindi mapangiti.
Ang lalakeng ito sa tingin ko hindi siya mahirap mahalin.

"Napakasweet naman pala ng boyfriend mo ija, ang sabi ng isang pulis sabay tawanan silang lahat."

"Sige po, aalis na kami, paalam nya."

"Mag-ingat kayong dalawa."

Kung alam lang nila, kontrata lang naman ang lahat dba?

Kontrata nga lang ba o totohanan na?

Wednesday, July 14, 2010

Now and Foreve

It was raining...

Dahil sa wala naman akong dalang payong minabuti kong sumilong sa isang waiting shed mula sa di-kalayuan. Patakbo ko itong tinungo.

Napangiti ako habang pinagmamasdan mula sa kalsada ang mga patak ng ulan. Para akong nanonood ng mga nagsasayaw. Tulad ng isang kanta, ang tunog ng nito ay parang isang musika sa aking tainga. Pero kanina ko napapansin na para bang may mga matang nakatingin sakin. Napatingin ako sa left side ko, and there he was, a simple guy wearing a simple polo shirt and jeans with his eye glasses. 
Napangiti ako, base sa reaksiyon niya mukhang enjoy na enjoy siya sa pinapanood niya na para bang nanonood siya ng isang magandang pelikula. Hindi na ako nakatiis kaya naman nagsalita na ako.

“Huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako... ang sabi kong ubod ng tamis na nakangiti sa kanya...”

Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya na para bang nasampal at napakamot pa siya sa ulo saka niya ibinaling ang tingin niya mula sa kung saan. 

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksiyon niya. Maya maya makalipas ang ilang minuto nakarinig ako ng boses mula sa kaliwang bahagi ng waiting shed.

"Hi!", maiksing sambit ni Mr. Goody goody boy na halata pa rin na medyo naiilang...

Ewan ko ba pero imbes na sungitan ko siya tulad ng nakagawian ko eh kabaliktaran nun ang ginawa ko. Sa pagkakataong ito magiging nice ako sa kanya.

“I’m Ella... Ella Henares sabay lahad ng palad ko na may kasamang pagkatamis tamis na ngiti.”

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya siguro akalain na papansinin ko siya. Ang lalakeng ito, may kung ano sa kanya na nagpapagaan sa pakiramdam ko. Pakiramdam ko namamagnet ako sa kanya samantalang wala na mang kakaiba sa kanya.

“M- Mike... Mike Dela Cruz... ang sabi niya sabay abot ng palad ko.”

Mike... nice name...


---



Iyon ang unang pagkakataon na nakipagkilala ako sa isang estranghero...
Sa isang estrangherong naging napakalaking bahagi ng buhay ko....
Nakakatawa pero maniniwala ka bang nalove at first sight ako sa isang lalakeng nagngangalang Mike Dela Cruz.


---



"Hon, ano bang tinitingnan mo diyan?," tanung ko mula sa isang lalakeng nakatanaw sa labas ng bintana namin sabay yakap sa kanya mula sa likod niya.

"Naalala ko lang nung una tayong magkakilala, sabay harap niya sakin." Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ko saka marahang dinampian ng halik ang labi ko.

"You know what hon? alam mo ba kung anong pinakagusto ko sayo?"

Napalabi ako. "Ano?," kunot-noong tanung kong nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Dahil sa mga ngiti mong yan, mas lalo kitang minamahal. Simula noong araw na makilala kita hanggang ngayong kasama na kita.

"I love you..."

"I love you too...."

"Dalawang beses lang kita gustong makasama..."

"Hmmmp... bakit dalawa lang?takang tanung ko."

"Now and forever... my dear wife." 





-the end-