After 3 days
"Tol, tumatawag ung employer mo", excited na sabi ni Paul sakin.
Napakunot-noo ako saka bigla kong naalala ung inaplayan ko.
Agad agad ko namang dinampot ang cp ko saka sinagot.
Hello?
Ah, ganun ba. O sige...
ok..darating ako...
bye...
"Oh? anu daw sabi?"tanung ni Nick.
Hoy! ano bang sinabi niya't ang seryoso mo.
Kung ganun--? putol ni Nick sa sasabihin pa sana niya sakin. Tinapik na lamang niya ang balikat ko imbes na tapusin kung ano mang gusto niyang sabihin.
Ano tagay na? palokong tanung niya.
Sabi ko naman kasi sayo eh, ako talaga ang type nun...naiiling pang sabi nito.
Sayang talaga... kung alam ko lang nag-apply na sana talaga ko, sabay kindat pa nito sakin.
Ang kaibigan kong ito... minsan talaga ang daldal niya. Daig pang babaeng putak ng putak.
Hindi pa rin ako nagsalita at sa halip ay tiningnan ko siya ng masama.
"Pare, ganyan talaga ang buhay... okay lang yan... sabay akbay pa nito."
Maya maya binatukan ko siya, hindi ko na kasi matiis ang kadaldalan niya.
"Aray ko naman pare... Wag mo namang ibunton sakin ang galit mo sa babaeng iyon."
"Ang daldal mo kasi eh... Eh kung makinig ka kaya sakin muna."
"Eh ano bang sabi sayo?"curious niyang tanung.
Tumawa lang ako...
"Paul naman, wag mong sabihing tumira ka na naman ng katol kanina? Napopossess ka na ba huh?"
"Gag*, hindi noh!"
"Hay, naku nababaliw ka na talaga dahil sa babaeng yun...Ano ba kasing sabi niya sayo?
Tanggap ka na daw ba?
Hindi noh?,"sunod sunod niyang tanung sakin.
Napatigil ako sa pagtawa. Oo nga pala wala pa siyang sinasabi sakin na tanggap na ako. Pero siguro naman hired na ako? Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng load para lang sabihin sakin na magkita kami ngayon dahil sa hindi naman ako tanggap.
Tama... ganun nga... Hindi dapat ako magpaapekto sa baliw na si Nick.
"Ano namang tinatango-tango mo diyan pare? Simula noong pinatulan mo iyong kalokohan na iyon, kinakausap mo na rin ang sarili mong mag-isa. Ano kailangan na ba kitang ipacheck-up?"
"Siraulo ka talaga, sabay batok ko sa kanya. Hindi pa ako nasisiraan ng bait noh."
"Aray ko naman.... nakakadalawa ka na sakin ah.Hindi pa nga, sa ngayon pero tingin ko malapit na."
"Alam mo Nick?"
"Ano? alam kong gwapo ko pare pero alam mo namang hindi tayo talo dba?"
"Ang daldal mo...sabay alis ko at diretso sa kwarto."
Loko-lokong iyon, puro kalokohan ang naiisip. Makapagbihis na nga.
--
"Oh! bihis na bihis ka ah? Wag mong sabihing mamakla kana naman?"
"Baliw! may date ako noh. Ano ok na ba itsura ko? Poging-pogi na ba?"
"Oo naman, mana ka ata sakin", tatawa tawang sabi ni Nick.
"Sige alis na ako ah... Kumain ka. Gutom lang yan."
"Hoy, saan ka ba pupunta?"
"Sa magiging gf ko."
----
"So anong nangyari sa pag-uusap niyo? curious na tanung ni Gelai."
"Sinabi ko kailangan naming magkita para makapag-usap sagot ko habang namimili ng isusuot. Para malaman niya kung hired na ba siya."
"Me ganun? para talagang applicant ah."
"Then pag-uusapan din naman ang mga terms sa contract."
"Huh? contract? ano na namang kalokohan un couz? Nababaliw kana talaga France."
"Of course not... pero kung paulit ulit mong sasabihin sakin na nababaliw na ko baka nga mabaliw na ko," sabay tingin ko kay Gelai na nakangisi.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang seryosohin ang lahat? I think he's a nice guy naman eh. Why don't you try? Hindi naman lahat ng lalake katulad ni Har--."
"Sssshhhhhhh... don't say bad words. Okay na iyong ganito noh, unique nga eh..."
Kilangan namin ng contract. Kung maging ok naman kami eh d magrerenew na lang ng panibago.
"Isa itong malaking kalokohan...
Saan ka naman nakakita ng ganyang klaseng relationship? Oh my gosh..."
"Samin pa lang...
Hmmm... alin bang maganda dito? etong red o black?
Palagay mo?"
"Hindi ako mapalagay sa pinagagagawa mo."
Ngumiti lang ako kay Gelai.
"Bakit ba masyado kang conscious sa isusuot mo huh? eh dba wala lang naman ito para sayo."
Oo nga noh. Bakit nga ba? Dahil ba gusto kong maimpress sakin si Paul? Napangiti ako sa isiping iyon.
"Eh, ano... ka-se... ah syempre... gusto ko pa rin maging maganda baka kasi makasalubong ko si --"
"Si Harvey? sabay tirik pa ng mata niya... tsk... tsk.. tsk... eh akala ko ba wala ka ng pakialam sa lalakeng iyon?"
"O-o nga... wala na... defensive ko namang sagot." Baka sakali magselos siya at marealize niya iyong pagkakamali niya tapos lumuhod siya sa harap ko para lang bumalik ako sa kanya.
"Don't tell me couz, umaasa ka pa rin na bumalik siya sayo? sabay taas ng isang kilay nito.."
"Of course not..." Teka, nababasa niya ba ang iniisip ko?
"Kung ginagawa mo lang ito para gumanti diyan sa ex-boyfriend mong wala namang kwenta. I'm telling you... ngayon pa lang, itigil mo na ang kalokohang ito. Kaw din baka makarma ka niyan."
Tingnan mo itong bruhang ito, tinakot pa ako.
"Alam ko naman ang ginagawa ko eh, don't worry, okay?"
"Kunsabagay, you're old enough... Basta pag nagkaproblem, nasa kabilang kwarto lang naman ako."
"Thanks couz... alam ko naman un eh."
"I'll meet my friends pa, punta kami ng mall. Since may date ka naman eh, una na akong umalis sayo. Bye, paalam nito sabay halik sa pisngi ko."
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kakasara lang na pinto ng kwarto ko.
Siya talaga ang the best sa lahat ng pinsan.
At ngayon kilangan ko ng mag-ayos para sa date ko.
----
Nandito na ko sa harap ng French Baker sa may Sm pero wala pa siya. Ang mga babae talaga oo... Bakit ba gustong gusto nilang magpalate?
Maya maya may naramdaman akong kumalabit sakin. Paglingon ko tumambad sakin ang nakangiting si France. Simple lang naman ang suot niya. Basta maganda siya tapos.
"Kanina ka pa ba?"
"Ah, hindi naman..."
"Pasensiya na, nalate ako."
"Okay lang, sanay na ako."
"Huh?"
"Ah, sabi ko ayos lang un."
------
Pumunta kami sa may food court kailangan kasi naming pag-usapan ang contract at mga terms sa relationship namin.
"Bale one month lang muna itong contract natin huh. Pagkatapos kung maging ok parin tayo sa isa't isa pwede namang i-renew basta parehas na ok satin ang lahat. Then, parehas lang naman ang set-up natin sa ibang magbf, naiba lang satin kasi may contract tayo. Basta maging honest ka lang, okay? ayoko sa taong sinungaling. Basta kung may magustuhan ka mang ibang babae, sabihin mo lang sakin para macancel agad itong contract na ito. Next week ibibigay ko sayo ung copy mo ng contract. Okay.?"
Kanina pa ako daldal ng daldal wala man lang akong marinig na kahit na anong comment galing sa kanya. Nakatitig lang siya sakin. Nakakailang tuloy... Hindi ako sanay ng tinititigan, pakiramdam ko unti unti akong natutunaw na parang yelo. Naliligalig ako dahil sa kanya.
"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"
"Oo..."
"Sigurado ka?"
"Oo..."
"Naiintindihan mo ba?"
"Oo..."
"So, okay lang sayo ung ganitong set-up?"
"Oo..."
"May gusto ka pa bang malaman?"
"Marami pa...sa ngayon, okay na sakin ung alam kong gf na kita."
Ang lalakeng ito... Mababaliw ata ako sa kanya. Sa huling tanung ko lang ata medyo mahaba haba ang sagot niya.
Matatapos kaya namin ang isang buwang contract?
----
Pagkatapos ng ilang oras nag-aya na rin akong umuwi. Hindi naman talaga date ang lakad na ito eh. Kailangan lang kasing pag-usapan ang dapat pag-usapan.
Muntik na akong mabunggo kanina ng isang lalake buti na lang nahawakan niya agad ang kamay ko kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin ako binibitiwan. Sa totoo lang naiilang pa din ako pero dahil nga boyfriend ko na sya, wala namang masama kung hawakan niya ung kamay ko. Isa pa pakiramdam ko hinding hindi niya ako bibitiwan, hindi tulad ni Harvey.
Magkahawak parin kami ng kamay habang naglalakad ng may makasalubong kaming mga pulis.
Nagulat ako ng bigla siyang huminto, pero mas nagulantang ako sa sinabi niya.
"Mamang pulis pakihuli naman po itong kasama ko. Ang laki po kasi ng kasalanan nito sakin eh."
Seryoso ba siya? Nanlaki ang mata ko.
"Ano bang sinasabi mo diyan? sabay hila sa laylayan ng polo niya."
Umayos kang lalake ka.. Isang maling salita hahampasin na talaga kita sa isip isip ko.
"Ninakaw po kasi niya ang puso ko, sabay tingin sakin saka siya ngumiti."
Oo...korni nga. Masama ba kung kikiligin ako? Hindi ko kasi mapigilang hindi mapangiti.
Ang lalakeng ito sa tingin ko hindi siya mahirap mahalin.
"Napakasweet naman pala ng boyfriend mo ija, ang sabi ng isang pulis sabay tawanan silang lahat."
"Sige po, aalis na kami, paalam nya."
"Mag-ingat kayong dalawa."
Kung alam lang nila, kontrata lang naman ang lahat dba?
Kontrata nga lang ba o totohanan na?
No comments:
Post a Comment