Home

Wednesday, June 30, 2010

There she GHOST (3)

muuuuuulllltttttoooooooo........... . ahhhhhhhh 
Pagkasabi nun ng lalake ay nawalan ito ng malay dala na rin ng sobrang takot.

Bahagya namang natawa ang dalagang si Trisha ng makitang nakahandusay na sa kanyang harapan ang binata. 

Sino bang mag-aakala na ang isang gaya niya ay matatakot sa akin? Ang lungkot na nararamdaman ng dalaga ay kahit pano’y napalitan ng saya.

“Akala ko pa naman ang tapang tapang niya un naman pala duwag siya”, ang nangingiting sabi ng dalaga sa sarili.
Ako pa ang tinatakot niya eh siya pala itong matatakot sa akin.

Si Shan Dela Vega ay isang incoming 4th year college student na tinaguriang heartrob sa kanilang eskwelahan, basketball player din siya, bukod dun may espesyal din siyang katangian dahil sa nagagawa niyang makita ang hindi nakikita ng isang ordinaryong tao kaya naman ito ang naging dahilan kung bakit may pagkaduwag siya. 

Limang minuto na ang lumipas pero nanatili paring nakahiga sa kalsada ang binata.
“Hindi kaya nakatulog na ang lalakeng ito?,” sa isip ng dalaga.
Sa kabila ng nararamdaman ko ngayon hindi ko akalain na magagawa ko pang ngumiti sabi sa sarili ng dalaga.
“Hay hanggang kailan kaya ako magbabantay sa lalakeng ito? masyado ko ata siyang natakot. Kalalakeng tao naman kasi nito napakaduwag.”

Maya maya ay unti unti ng kumilos ang binata at pagbangon niya ay nanlalaki na naman ang mata niya ng makita si Trisha sa kanyang harapan.

Ikaw na naman? parang awa mo na umalis kana sa harapan ko, ang takot na takot na pakiusap ng binata sa kanya sabay panakot pa nito ng kanyang krus na kuwintas.

“Hoy, mister wag ka ngang oa ah, hindi ako madadala sa ganyan. Nakakatawa ka sa ginagawa mong yan.Kunsabagay hindi naman ako iyong nagmumukang tanga, tatawa tawa pang sabi ng dalaga. Isa pa hindi ka naman dapat matakot sa akin eh. Hindi naman kita sasaktan at hindi rin ako masamang tao, ah mali pala hindi ako masamang kaluluwa o multo kung yan ang iniisip mo ang sabi ng dalaga na hindi mapigilan ang pagkalungkot.”

“O sige sige iisipin ko nalang na hindi ka multo, pero pwede layo ka ng kunti sa akin ha?”, pakiusap ng binatang si shan.
Bat naman kasi sa dinami dami ng makikita ko eh, kaluluwa pa?

“Hindi ko rin alam eh”, sagot naman ng dalaga.

“Teka nga, ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na ito? tanung ni shan sa kanya habang inaayos ang kanyang sarili.

“Hindi ko nga alam eh, napadpad lang ako dito dahil sa pagtakbo ko”.
“At sino namang tatakbuhan mo? Di makapaniwalang tanung ng binata. Eh sa tingin ko nga sila ang tatakbo kapag nakita ka sabi sa kanya ng binata pagkatapos ay mapang-asar na ngumiti.

“Basta”, tanging nasabi ng dalaga.

“O sige pano yan? una na ako sayo ah,” paalam ni Shan sa kanya.

ah eh, ano?

huh? ano ba un? May kailangan ka pa ba? Tanung ni Shan.

Pwede ba akong sumama sayo? tanung naman ng dalaga.

Sasama ka sa akin? nag-aalalang tanung ni Shan, baka matakot sayo ang mama ko.

Pero hindi naman niya ako makikita eh.

“Panong hindi? Eh ikaw nga nakikita kita eh ang tanung nito na hindi parin makapaniwala.” Niloloko mo ata ako eh.

Ang sabi kasi sa akin hindi daw ako basta basta makikita ng isang ordinaryong tao.

“Eh ano namang palagay mo sa akin? abnormal?” palokong sabi ng binata.

Hindi ganun, ikaw pilosopo ka din eh.. Ang ibig kong sabihin siguro may espesyal kang kakayahan na makakita ng katulad ko na isang kaluluwa, siguro may 3rd eye ka.

Kung sa bagay may tama ka nga dahil bata pa lang ako kung ano ano na ang nakikita ko kaya nga inaamin ko na may pagkaduwag ako,sabay kamot sa ulo ni shan na halatang nahihiya.

Pero mukang mabait ka naman eh kaya sige na nga tara na aya ni Shan kay Trish. Ipagbubukas na sana niya ito ng pintuan ng kotse pero nakapasok na sa loob ang dalaga ng walang kahirap hirap.

Napapailing nalang si Shan habang nakangiti naman sa kanya si Trish na nakaupo na sa kanyang sasakyan.
“Hindi ka pa ba papasok?”, nagtatakang tanung pa nito sa kanya.

“Hay, ibang klase naman ang kaluluwa na ito.”
Kaya naman pumasok na rin siya at muli ng pinaandar ang kanyang sasakyan.

“Hay, hindi parin talaga ako makapaniwala”.

Na ano?
Na may sakay at katabi akong isang kaluluwang ligaw sabi ni Shan.

Mali... sabi naman ni Trish.

Anong mali sa sinabi ko?

"May sakay kang isang magandang kaluluwang ligaw sabay ngiti sa kanya ni Trish."

Bahagya nalang napangiti ang binata pagkasabi nun ni Trish.
------

Nandito na tayo sa bahay namin sabi ni Shan kay Trish matapos maipasok ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay.

"Oo nga pala hindi ko pa pala natatanung kong anong pangalan mo."

"Ah ako nga pala si Trisha De Villa pagpapakilala ng dalaga."

"Ako naman si Shan Dela Vega sabay abot ng kanyang kamay para makipagshakehands.

Inabot naman ng dalaga ang kanyang kamay na lumampas lang sa kamay ni Shan kaya nagkatawanan nalang silang dalawa.

"Shan, ijo" tawag naman ni Mrs. Shane Dela Vega sa kanyang anak.

"Oh, ma gising ka pa pala sabay lapit ng binata sa ginang at hinalikan ito sa pisngi."

Masyado na kasing gabi at nag-aalala ako alam mo namang masyadong maraming naglipanang magnanakaw diyan ijo.Gusto ko lang masiguradong nakauwi ka ng ligtas.
"Ma alam mo bang hindi lang magnanakaw ang naglipana sa kalye? Meron ding mga kaluluwa... mga umiiyak na kaluluwa..." sabay tingin ni Shan kay Trish

Ikaw na bata ka kung anu-anong sinasabi mo. Teka nga pala ijo kanina parang may narinig akong may kausap ka.

Ah eh wala po iyon mama.

Ganun ba? oh siya... siya... pumasok kana at matulog.

Gudnyt ijo.

Gudnyt din po ma, may aayusin lang po ako dito sa labas susunod na rin po ako.

------

Trish pasensiya na ah, si mama kasi eh. Gising pa pala siya.

Nakakatuwa naman kayo ng mama mo, ako kasi hindi ko na nakasama ng matagal ang mama ko dahil bata pa lang ako nung mawala siya sa amin ng Papa ko.

"Ganun ba, i'm sorry trish..."

"Ok lang un noh.."

Tara na pasok kana dun na tayo sa kwarto ko magkwentuhan.

"Salamat."

Maya maya ay umakyat na ang dalawa sa kwarto ni shan.

Simple lang ang kwarto ng binata bukod dun napakalinis nito kumpara sa ibang kwarto ng mga lalake, hindi rin ito ganun kalaki pero tamang tama lang para sa kanya. Nakaayos lahat ng mga gamit nito.

Upo ka muna sabi ni shan sa dalaga. Teka lang ah, magbibihis muna ako.

"Sige salamat...", maikling sagot niya.

Dahil sa pagkainip napagpasyahan ng dalaga na tumingin tingin muna sa mga litrato sa kwarto ni shan. Hanggang sa may nakita siyang pamilyar sa kanya.

Teka parang kilala ko ang batang ito ah, sabi sa sarili ng dalaga.

Ang picture na ito??? Sabay hawak niya sa larawan at pinagmasdan itong maigi.
“Kamuka ko, nung bata pa ako..." 
Sino kaya ang batang babaeng ito?

Sino kaya siya???

No comments:

Post a Comment