Home

Wednesday, June 30, 2010

WANTED: BF

Chapter 1


WANTED
BOYFRIEND
Qualifications:
Must have good sense of humor
At least 5'5 in height
Good boy


"Are you sure about this France?" tanung ni Gelai sakin na halos lumuwa na ang mata sa pagkagulat.

Of course I am. Hindi mo pa ba nakita na ginawa ko na iyong sinabi mo sakin.

"But I was just joking hindi ko naman enexpect na tototohanin mo ito eh. Couz, naman i'm begging you, utang na loob naman itigil mo na ang kalokohang ito. Omg, ano na lang ang sasabihin nila tita sakin kapag nalaman nila ito?", nag-aalalang tanung nito sa pinsan.

Well, wala naman sigurong masama hindi ba? Malay mo naman may kumagat. Tsaka wala namang makakaalam kung hindi mo sasabihin dba? sabay kindat pa nito sa pinsan niyang si Gelai.

"I really can't believe that your doing this?", napabuntong hininga na lang ang dalaga.

You gave me the idea, ang sabi nito kasabay ang isang pilyang ngiti. Hindi naman siguro masamang i-try dba? Besides wala naman akong boyfriend eh. So what's the matter?

"Kalokohan naman kasi itong pinagagawa mo eh. Nag-sisisi tuloy ako at ako pa ang nagbigay sayo ng ideyang ito. Ang sakit sakit sa bangs ha. Ganito ka na ba kadesperadang magkaboyfriend ha?"

Hindi naman noh, parang natuwa lang din naman ako i-try eh. Hayaan mo couz kapag may nag-apply na, i-uupdate naman kita eh.

"You're really insane."

No, I'm not.

------------------

"Pare ano bang tinitingnan mo diyan? sabay tingin ni Nick sa tinitingnan ni Paul. Pare naman huwag mong sabihing papatusin mo yan ah. Nasisiraan ka na ba?"

Wala namang masama hindi ba? Katuwaan lang naman eh. Sandali lang ah, i-fill-up ko lang itong form.

"Pare hindi mo pa nga nakikita yang naglagay niyan diyan eh. Pano kung pangit pala iyon?Oh anong gagawin mo ha?"

Ang hilig mo sa maganda eh, eh kung kasing bait naman iyon ni melai at kasing sarap kasama. okay na ah. tsaka gf lang naman eh.hindi asawa ang hanap, ang labo mo din tol eh.

"Sabagay may point ka nga diyan. 

Teka lang malapit na akong matapos.

Tena na nga...Puro ka kalokohan eh. Tama ba namang patusin un?"

---

Tumawag na iyong babae pare, ang ganda ng boses niya ah.

"Naku sabi nga nila pag maganda daw ang boses hanggang doon na lang iyon sabay tawa ni Nick."

Gago ka talaga...

"Ikaw kasi hindi ka naman pangit ewan ko ba sayo at pinatulan mo iyong nakapaskil doon sa may kanto. Bagay nga kayo ng naglagay noon. Pareho kayong baliw sabay tawa ni Nick na nakakaloko."

Gago... nacurious lang ako doon noh, tsaka ewan ko ba... sabay bato ng unan sa kaibigan niya.

"Ang korni mo tol, matulog ka na nga."

Nga pala samahan mo ako sa interview ko bukas.

Anong interview?napabangon bigla si Nick at bakas sa mukha ang pagtataka. Nag-aapply ka ba ng trabaho?tanong pa nito.

Baliw? dun sa wanted boyfriend may interview ako bukas.

"Walangya, ang dami ding alam ng nakaisip niyan ah. Sigurado ako may saltik talaga yang naglagay noon."

Hindi naman siguro.

Asa ka pa... Gudluck talaga sayo bukas.

---------

Couz tingnan mo naman may nag-fill up na ng form oh, aba at lima pa sila.

Marami din palang baliw na tulad mo.
Grabe ka naman.

Tingnan nga natin ang mga pangalan nila...

Clarence Buenavista, tingnan mo couz oh infairness ah may itsura. Kung tae nga may itsura yan pa kaya. Ano ka ba naman what I mean is may dating siya ah.

Dave Vasquez, oh okay na din.

Mike Zamora, Kevin Aguilar and lastly Paul Montenegro kaso wala siyang picture eh, pero may nakasulat na note oh, wala daw kasi siyang dala...Nakakatawa naman.

I bet hindi yan gwapo.

Hindi naman ako naghahanap ng gwapo eh, alam mo namang allergic ako sa mga gwapo.

Sus, naging allergic ka lang ng dahil kay Har-

Utang na loob couz, don't say bad words.

Fine. So ano ng balak mo ngayon?

Ano pa eh d tatawagin ko sila para sa interview nila.

Nababaliw ka na talaga...

Wait nagriring na oh...

Pagkatapos kong iset-up ang schedule ng interview bumalik na ako sa loob para kausapin ang pinsan ko at pakiusapan siyang samahan ako para bukas.
Samahan mo ako bukas ah.

Kaw talaga pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo eh.

Ano kaba naman sasamahan mo lang ako. Ako naman ang kakausap sa kanila. I just want you to come with me para naman hindi ako matakot baka mamaya eh makaaway ko pa ang mga iyon noh.

Sigurado ka ba talagang imemet mo sila bukas?

Siguradong sigurado... at wag ka ng umangal kasi wala ka ng magagawa pa.

----------

Interview Day

So your name is blah blah blah....

Fast forward

Oh, kamusta naman ang first applicant mo?
Naku puro hangin ang laman ng katawan.

What do you mean? May kabag ba?

Sira, sobrang coinceted... hay naku alam mo namang ayoko sa ganun eh.

Eh may ipagmamayabang naman kasi eh.

Kahit na noh... be humble naman sana...

Eh ung pangalawa naman?

Para akong may kasamang pipi. Alam mo iyong panay ako daldal wala man lang masabi kundi ngiti lang ng ngiti, parang may saltik ata iyong isang iyon eh.

The next one?

Masyado siyang matalino para sa akin, hindi ko nga masakyan ang mga pinagsasabi niya eh. Tango lang ako ng tango... Iyong sumunod naman naku wala man lang kasense sense kausap. Parang ayoko na nga eh.

Dba may isa pang applicant?

Oo meron pa nga pagkatapos nito uwi na tayo, nakakapagod din pala itong pinaggagagawa ko.

Buti nga sayo.
Sige balik na ko sa pwesto ko mukang ayan na ung next..


I'll just call you within this week for the result.

Hindi ba ako pumasa sa standards mo?

You'll know it within this week, sige ah alis na kami napapagod na kasi ako eh.

Marami bang nag-apply.

Marami na din siguro un, lampas ng isa eh.. Marami ding pumatol sa kalokohan ko.

Kalokohan nga lang talaga iyon?

Well sort of..

Sige we'll go ahead.Bye

----------

Kamusta naman ang last applicant mo?

He's hired.

What? hindi nga?

Oo nga... I find him interesting, tsaka hindi siya boring kasam. He's nice I think. Tsaka ----

Cute siya?

hahahaha... you got it right couz.

Sa totoo lang couz kung hindi ko parin nagustuhan iyong huling applicant, hindi ko na talaga seseryosohin ang kalokohang ito eh. Kaso lang noong nakita ko siya alam mo iyong parang may kakaibang feeling.

Love at first sight?

Hindi ako naniniwala sa ganun eh, pero kung un nga ang dapat itawag dun, maybe. Naiilang nga ako kanina noong tinatanong ko siya eh, samantalang doon sa iba naman parang wala lang sakin. Hay, ang weird talaga ng feeling.

Weird nga, kasing weird mo.

-----

Hoy, pare natutulala ka diyan?

Para kasi kong hypnotize eh... Nanakaw ata pare?

Ang alin?

Yung puso ko...

Korni mo tol... pero kunsabagay sino bang mag-aakala na maganda pala iyong babae na iyon noh?

Ikaw kasi puro ka maling akala eh... 

Kung alam ko lang eh d sana nag-fill na din ako ng form at nakisama ako sa kalokohang iyon, natatawa tawang sabi ni Nick.

Pero mukang para sayo talaga si Ms. Manequin.

Ugok, hindi ko pa nga alam kong pasado ako eh.

Dpa ba sinabi sayo?

Tawagan daw ako within this week.

Naku, kung sa trabaho mukang tagilid ka ah. Pag mga ganyan kasi alam ko malabo na iyon eh. Kaya kung ako sayo wag ka munang umasa, baka mabigo ka lang. Baka ako pala iyong type niya talaga kaso hindi ako nag-apply eh..seryosong turan ni Nick sabay tapik nito sa balikat ni Paul.

Ugok ka talaga... ang dami mong sinasabi..

Ang seryoso mo kasi eh. Dba sabi mo sa akin susubukan mo lang naman.

Oo nga kaso ewan ko ba ang lakas ng epekto sakin ng babae na iyon. Hindi ko nga alam kung anong iisipin ko sa kanya eh, kung tutuusin para naman siyang desperada pero sa ganda niya hindi malabong magkaboyfriend siya ng walang kahirap hirap dba?

May tama ka diyan..

Pero kong desperada siya ano pa kayang tawag sakin na pumatol sa kalokohan na iyon?

Isa kang malaking TANGA...hahahaha


No comments:

Post a Comment