Home

Wednesday, June 30, 2010

There she GHOST (5)

“Good Morning!”, bati ng dalaga sa kagigising lamang na si Shan.
Pupungas pungas pa ito habang ngiti agad ng dalaga ang sumalubong sa kanya. 

Maganda palang gumising sa umaga kahit isang kaluluwa ang kasama ko, sabi sa isip ng binata. Hindi rin kasi niya maiwasang hindi mapangiti sa ngiti ng dalaga. Para bang isa itong sakit na nakakahawa pero masarap sa pakiramdam. 

“Good morning din,”bati ng binata. Kanina kapa gising?

“Oo, sa tingin ko nga ay napakasarap ng tulog mo eh mukang nakabawi kana sa panaginip mo kagabi.”

“Paano mo naman nasabi iyon?”nagtatakang tanung nito.

“Kasi ang lakas ng hilik mo... tatawa tawang sabi ng dalaga.” Siya nga pala pinakialaman ko din ang digicam mo.

“Teka wag mong sabihing?—sabay kuha ng binata ng kanyang camera at tiningnan kong tama nga ba ang hinala niyang kinuhaan siya nito ng pictures.” At dun niya napagtanto na tama nga ang hinala niya dahil sa picture na nakita niya. Kitang kita niya ang bibig niyang nakanganga na para bang naghihintay sa isusubong pagkain, natawa din siya ng Makita ang sarili sa ganoong posisyon. Trisha, lagot ka sakin pero bago pa niya masita si Trisha ay nawala na ito sa paningin niya. 

“Siya na ang makulit na kaluluwang nakilala ko.”

Pagpunta ni Shan sa kusina nagulat siya ng makitang nagluluto si Trisha.

“Teka, anong ginagawa mo?”, gulat niyang tanung.

“Hindi mo ba nakikita na nagluluto ako ng almusal mo, sagot naman nito sa kanya na abalang abala pa din sa pagluluto.”

“Teka nga, nakikita ko ngang nagluluto ka at huwag mo na akong pilosopohin ok, ibig kong sabihin bakit ikaw? Asan si mama? Tanung nito.”

“Bago ka kasi umarte ng ganyan na para bang lalagyan ko ng lason ang pagkain mo, basahin mo muna iyong note na nasa may ref niyo, pasalamat ka nga pinagluluto pa kita eh, sige na iready mo na iyong mesa malapit na akong matapos.”

Naguguluhan man ang binata ay sinunod niya ang inutos sa kanya ng dalaga at binasa ang note na sinasabi nito sa kanya. Nalaman niyang mawawala pala ang mama niya ng dalawang linggo dahil may kailangang asikasuhin sa mga business nila dahil matagal ng patay ang papa niya. At dahil sa nag-iisa lamang siyang anak nito wala din silang katulong dahil mismong ang mama niya ang personal na nag-aasikaso sa kanya.

“Ok I’m done...” sabi ng dalaga.
Kain ka na...

Umupo siya sa katapat na upuan ng binata at matamang nakatingin ang dalaga sa binatang si Shan habang kumakain ito. Hinihintay kasi nito ang magiging reaksiyon ng binata sa niluto niyang pagkain. Ipinaghanda niya ito ng chicken fried rice at bacon...

“So, ano sa tingin mo? Ok lang ba iyong fried rice na niluto ko? Ngingiti ngiting tanung ng dalaga. Hindi naman ba maalat or ano?”

“Ok naman, sakto lang hindi maalat.” Hindi ko akalain na marunong ka pala magluto, ang sabi nito habang sarap na sarap sa kinakain.

“Syempre naman noh, gusto ko kasi ako ang nag-aasikaso sa papa ko, kaya nalulungkot ako dahil ngayon wala ng mag-aasikaso sa kanya buti na nga lang andun si Yaya Meding.”

“Nga pala shan, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?”

“Kaya naman pala... ipinagluto mo ako dahil may pabor kang hihilingin. Ngayon alam ko ng may kapalit pala ito.”

“Hindi naman sa ganun, depensa ng dalaga. Kaya lang kasi ngayon ang araw ng libing ko, ang ibig kong sabihin ng katawan ko kaya gusto ko lang sanang pumunta dun eh. Kaya samahan mo na ako sige na? Please? Pagmamakaawa ng dalaga.
"Ang gwapo mo pala ngayon Shan, ngayon ko lang napansin.

"Asus, at binola mo pa ako... matagal ko na po yang alam noh."

“Sige na... pasalamat ka hindi lang ako gwapo, mabait pa.”


------


Sa sementeryo

“Hindi ba tayo lalapit sa kanila?,”tanung ni Shan.

“Sapat na sakin na Makita ang Papa ko mula sa malayo, baka kasi hindi ko magawa iyong sinabi ko kay Gabriel.”

“Sino naman si Gabriel?”

“Basta, hindi mo na kailangan pang malaman.”

“Ikaw ang bahala.”

“Tayo na umalis na tayo shan,aya ni Trish sa binata.”

“Hindi mo na ba lalapitan ang Papa mo?”

“Sa ibang pagkakataon na lang siguro, ayoko munang Makita sila Levi, nasasaktan lang ako”, saka dirediretsong pumasok ito sa sasakyan ng binata.
Bagama’t naguguluhan ang binata sinundan na lamang niya ang dalaga at mabilis na pinaandar ang sasakyan. 


----

“Trisha! Tingnan mo oh ang lakas ng ulan...” tawag ng binata.

“Bakit parang hindi ka natutuwa?”

“Wala naman akong dapat ikatuwa sa ulan, malungkot na sagot ng dalaga.”

“Bad memories?,” alanganing tanung ng binata.
Pilit na ngumiti ang dalaga sabay tingin sa labas ng bintana.

“Masyado ata tayong seryoso ngayon? Hindi ako sanay na Makita kang ganyan, madalas kasi lagi kang may ngiti,”puna ng binata.

“Sampung taon na ang nakalipas ng mawala ang mama ko at sinisisi ko iyon sa ulan. Alam ko hindi naman dapat pero isa iyon sa mga paraan ko para makalimutan kong kasalanan ko ang lahat.”

“Anong ibig mong sabihin Trish?”

“Umuulan noon, Masaya kaming naglalaro ni mama inaya ko din siyang maligo kami sa ulan pero sa sobrang kakulitan ko napapunta ang bola sa kalsada kaya sinundan ko iyon sa labas kahit na sinabi ni mama na huwag ko ng kunin ang bola dahil marami daw sasakyan sa labas, pero dirediretso pa din ako hindi ko siya pinakinggan hanggang sa biglang may paparating na sasakyan, sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito hindi ko alam ang gagawin ko, nakita ko nalang na hinarang ni mama ang katawan niya para sakin. Simula noon, ayoko ng nakakakita ng ulan. Kasalanan ko kung bakit nangyari iyon sa kanya, kung sana’y nakinig ako... sana buhay pa rin siya”, ang maluha luhang kwento ng dalaga.

“Kung para sayo, ang ulan ang nagpapaalala sayo ng aksidenteng iyon. Pwede naman tayo gumawa ng ibang ala-ala na hindi lungkot ang mararamdaman mo eh. Isa iyong aksidente kaya hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo Trish. Tara, punta tayo sa labas?”, aya nito sa kanya.

“Anong gagawin natin sa labas?”

“Gagawa tayo ng panibagong mga ala-ala... masasayang ala-ala,” sabay ngiti ng binata.

Naglaro sila sa ulan na parang mga bata, nagtampisaw, nagbatuhan ng mga putik. Natuwa si Shan na makitang napalitan ng kasiyahan ang kalungkutan ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam pero talagang magaan ang loob niya sa dalaga na para bang matagal na silang magkakilala. Sa tuwing titingnan niya kasi ang dalaga para bang pakiwari niya’y nakikita niya ang imahe ng kababata niya noon. Asan na kaya ang batang iyakin na un?

Nagulat na lamang ang binata na natamaan siya ng putik sa kanyang pisngi habang tatawa tawa naman ang dalaga.

“Sige, ayos lang sakin basta Makita lang kitang nakangiti... kesa naman nakasambakol iyong mukha mo, nakakatakot”, ang sabi ng binata sabay takbo papalayo sa dalaga.

“Ah ganun. Nakakatakot pala ah, humanda ka sakin.. andiyan na ako...sabay takbo ng dalaga.” At noong mga oras na iyon naalala niya na hindi lang pala puro bad memories ang meron nung mismong araw na iyon. Dahil nawalan man siya isang mabuting ina noong mga oras na iyon nagkaroon naman siya ng isang kaibigan noon gaya na lamang kung anong meron sila ni Shan ngayon.

“Asan na kaya si chikito ngayon? Naaalala pa kaya nya ko? Tanung sa sarili ng dalaga ng maalala ang kanyang minsang nagging kaibigan noon na pinangalan niyang chikito dahil sa chinito ito.”

Naalala ko pa, umiiyak din ako ng araw na iyon dahil sa pagkawala ni mama. Pumunta ako sa park at dahil sa abala si papa hindi na niya napansin na nawala ako sa paningin niya. Umupo ako sa swing noon at kahit wala akong payong hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan, nalulungkot kasi ako ng mga oras na iyon dahil pakiramdam mo kasalan ko ang lahat. Maya maya naramdaman kong may tao na sa tabi ko at ng tingnan ko isang batang lalake ang nakangiti sakin. Pinayungan niya ako at hinatid ako sa bahay naming. Ewan ko ba pero sa tuwing titingnan ko si Shan, naaalala ko ang batang iyon sa kanya. 

Sayang nga lamang dahil malabo na kaming magkita ni Chikito.

Sayang...

No comments:

Post a Comment