Home

Wednesday, October 13, 2010

SULAT KAY EX

DEAR eX,

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf

KASAL

"Bakit hindi ka pa nagpapakasal? Ano bang nangyari dati?," iyon ang tanung na madalas kong iniiwasan. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko sa kaharap ko.

"Bibisitahin ko pa ang pamangkin ko, maiwan na kita Dianne," ang sabi ko sa dati kong officemate bago tuluyang umalis.

"Tatanda kang dalaga niyan Lizzie", narinig kong sigaw pa ni Dianne.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan, isang napakagandang araw para isipin ang kasalukuyan kesa ibalik ang nakaraan.

5 years ago ikakasal na sana ako pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Halos lahat ng kakailanganin ay naisayos na. Ang mga damit, ang reception, ang simbahan maliban na lamang sa mga invitation cards at souvenier items. Masakit man ang nangyari hindi ko na rin pinagsisihang hindi iyon natuloy, sabi nga nila everything happens for a reason.

Bumungad sakin ang 5 taong gulang kung pamangking babae.
Si Kyle..

"Tita, tala lalo tayo ng balbie ko."

"Nasaan ang yaya mo Kyle?"

"Nagyayaba po si aya, dun oh...," sabay turo niya sa may kusina nila. 

Sa tuwing pinagmamasdan ko si Kyle hindi ko mapigilang hindi mapangiti, nalulungkot lang ako dahil napakabata pa niya para maulila sa kanyang ina, 2 years ago namatay ang kapatid ko sa isang malubhang sakit. At dahil sa dalawa na lamang kaming magkapatid madalas akong pumunta sa bahay nila para alagaan si Kyle. Para sa akin, para ko na siyang anak. 

Napagandang bata ni Kyle mahaba ang kanyang buhok na lampas balikat, bilugan ang kanyang mga mata at mapula ang kanyang labi. Minsan nagugulat na lang ako sa mga bagay bagay na itinatanong niya sa akin para kasing matanda na siya kung mag-isip.

"Ta, kanina nood kami ni aya nung nikakasal. Ang danda nga eh. Tita, kilan taw itatasal?," curious niyang tanung na nakatingin sa mga mata ko. 

Natawa lang ko sa tanung niya. Paano ko nga ba sasagutin ang isang bata samantalang ako itong matanda eh hindi alam kung ikakasal pa ako. Bente nueve na ako pero heto't single pa rin ako.
Inip na inip na naghihintay ng sagot si Kyle.

"Tilan ta?," ulit niya...

"Hindi pa kasi alam ni Tita eh..."

"Talaga? yehey, eidy dito kapa din lagi."

"Syempre naman... Gusto mo ba dito lagi si Tita?"

"Opo, tase wala na si Mama, sana taw na lang mama ko." Bigla nalang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at bigla kong nayakap si Kyle.

5 years ago para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman kong nabuntis ng lalakeng pinakamamahal ko ang nag-iisang kapatid ko. Parehas silang lasing hanggang sa dumating sa point na may nangyari. Pakiramdam ko gumuho ang mundong kinatatayuan ko. At sa mismong araw ng kasal ko ikinasal ang kapatid ko sa lalakeng pinakamamahal ko. Iyon na ata ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang babaeng malapit ng ikasal, ang hindi matuloy ang kasal niya. 

Pagkabitiw ko sa pamangkin ko nakita kong papikit pikit na siya. Inihiga ko siya sa kwarto niya at binantayan hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. 

Paano ko nga ba magagawang kamuhian ang batang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko? 
Ga'yong siya ang lahat lahat sa akin...

-----

Wednesday, October 6, 2010

HILING

"Hindi ka ba masaya Kelly?" Napatitig ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanung niya? Kung tutuusin dalawang sagot lang naman ang pwede kong sabihin sa kanya... "Oo" o "Hindi"... Ngayon ano bang dapat piliin ko sa dalawa? Bahagya akong napangiti. Imbes na sagutin ang tanung niya, tanung din ang ibinalik ko sa kanya.

"Ano bang klaseng tanung yan Jerome?," pabalewalang balik tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinagot ang tanung ko eh," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw ng mga tingin niya. Ano bang dapat kong isagot? Mag-isip ka Kelly. Pakiramdam ko nabablangko ako lalo na dahil sa titig niya sa akin. Masaya naman ako pero---. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

"Ano bang meron tayo, Jerome...," wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Kelly"... Napapikit ako... Ayokong makita ang reaksiyon niya sa tanung ko. Ayokong makita ang pagkalito sa mga mata niya. Ayokong makita ang isang bagay na pwedeng makasira ng isang magandang araw na ito.
At ayokong masaktan sa pwedeng sabihin niya... AYOKO... dahil naduduwag ako. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, pero mas pinili kong ipikit ang mata ko.

"Kelly,"... Ayan na naman...  Yan lagi ang naririnig ko sa kanya sa tuwing itatanong ko sa kanya ang bagay na iyon, at matatapos sa katahimikan pero babalik na naman ulit sa dati at magiging okay na naman kami. Ano nga bang meron kami? Kahit ako hindi ko rin alam.
We hugged...
We kissed...
We are just like a couple..
Tama "like" kasi wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko siya maipakilala sa mga kaibigan ko bilang boyfriend ko dahil kahit ako hindi ko alam kung anong meron kami. M.U bang dapat itawag doon? Mutual understanding o Malabong usapan? Ayun nga ba? Hindi ko alam... Nalilito ako... Alam kong mahal ko siya at nararamdaman kong mahal niya ako pero bakit hindi niya kayang sabihin sakin kung anong meron sa aming dalawa. Kahit kilan hindi ko pa narinig sa kanyang sabihin na "Mahal kita..." Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ko.



Pilit akong ngumiti."Kalimutan mo ng sinabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin eh."


"Hindi ka na ba masaya Kelly?", ulit niya sa tanung niya kanina, seryoso parin siya pero bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Bakit?

"Masaya pe---", unti-unti ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako pero--- pero parang may kulang...

"Kelly".... Lumapit siya't niyakap ako. Gustong gusto kong  tinatawag niyang pangalan ko, ewan ko ba pero para kasing iba ang dating kapag siya ang tumatawag sakin. Siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang taong un.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan, pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanung ni Jerome. Masaya ako basta nasa tabi ko siya kahit na hindi ko alam kung anong meron kami.

"Bakit ka ba umiiyak? Ikaw talaga...Werdo ka talaga minsan, kaya mahal na mahal kita eh..."

Napaharap ako sa kanya at napangiti. Sa wakas narinig ko ring sabihin niyang mahal niya ko.

"Masaya ko... masaya ko basta't nasa tabi kita."


-the end-

sorry kornik eh...hehe

Thursday, September 16, 2010

Sana

"Salamat ha...," Para sa araw na ito, iyon na ata ang pinakamagandang salitang narinig ko. Lalong lalo na dahil galing sayo ang dalawang salitang iyon. Pakiramdam ko umaawit ang mga anghel sa langit at nakalutang ako sa alapaap. Siguro nga para sa iba, ang weird ko para makaramdam ng ganun. Pero kahit na ako pa ata ang maging pinakawerdong tao sa buong mundo sa paningin ng iba. Wala akong pakialam kasi nung mga sandaling iyon, para sakin napakalaking bagay na na-aappreciate mo lahat ng ginagawa ko sayo. Lalo na kahit na para sayo kaibigan lang ako. Isang matalik na kaibigan.

"Sus, wala un. Wala naman akong nagagawa para sayo."

"Mali ka... Madami na nga eh...," ang sabi mong nakatingin sa mga bituin habang nakatingin naman ako sayo. Sana minsan makita mo ding nakatingin ako sayo kahit isang saglit lang...

"Tulad ng???"..

"Sa pakikinig mo sakin sa mga problema ko..."

"Wala naman akong natulong sayo... ni hindi ko nga alam ang dapat sabihin."

"Aja!, nakangiting sabi mo. Fight!!! Fight!!! Fight!!!"

Natawa lang ako.

"Lagi mo ung sinasabi sakin at kung d dahil dun baka sumuko na ko kay Faye." Sana nga sumuko ka nalang eh... sana pala hindi ko na sinabi un... para kung sakali sakin kana... Sa akin lang at walang iba.

Monday, September 13, 2010

Ang mahal kong neird

"Hi! Jessica," nakangiting bati sakin ni Claude. Eto na naman po siya, ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siya talaga namang naalibadbaran ako sa kanya. Bakit? Eh paano ba naman ke aga aga heto na naman siya at parang naninira ng araw. Matagal na rin siyang nanliligaw sakin, ewan ko nga ba kung talagang matalino siya dahil napakahina naman niyang pumick-up. Ni hindi man lang ata niya maramdaman na hindi ko siya gusto. Ni wala sa kalingkingan niya ang ideal man ko. Matangkad siya, pero wala ding silbi dahil napakalampa naman niya. At hindi siya pwedeng mag-ala prince charming dahil sa katawan niya mukhang ako pa ata ang magtatanggol sa kanya. Sabi nila siya ang pinakamatalino sa campus dahil sa dami ng awards na meron siya, tingin ko mukang nagkamali ata sila sa pagbibigay sa kanya ng awards. Bakit? kasi naman ang hina niya makaramdam ah. Sa tagal niyang susunod sunod sakin hindi ko alam kung sadyang manhid ba siya o talagang ipinaglihi ata siya sa bato na walang pakiramdam. Nakasuot siya ng isang antique na eyeglasses na minana niya pa ata sa mga kanuno-nunuan niya. At ang buhok niya? sa tingin ko eh idol niya si Rizal dahil sa pagkakaplantsa ng buhok niya at sa gamit niyang pamada. Haller! uso na kaya ang gel. Sino ba namang makakatagal sa kanya. Daig ko pang may kasamang antique na gamit. At para rin siyang asong susunod sunod, kulang na nga lang maglagay siya ng tali sa leeg niya. Para na siyang pet para sakin. At sa tuwing nakikita ko siya sumusumpong ang migraine ko, hindi ko alam kung sadyang allergic lang talaga ako sa presensiya niya.

"Jess, pansinin mo naman si Claude. Kanina pa siya nakatayo diyan."
"Ok lang ako Tin..."
"Narinig mo naman siya eh, ok lang daw siya."
"Mauna ka nalang Claude, sabay na kaming uuwi ni Tin. May tatapusin pa kasi kaming project eh."
"Project? meron ba tayo nun?," kunot noong baling ni Tin.
"Meron nga dba? dba nga gagawa tayo?"
"Ah, oo."
"Kung ganun, mauuna na lang ako Jessica. Kung gusto mo itxt mo lang ako kung uuwi kana para may kasama ka, masyadong delikado sa panahon ngayon." As if naman maipagtatanggol mo ko.
"Don't worry ok lang ako. Sige na alis kana. Ingat ah," sabay ngiti ko ng pilit.

Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya pero wala na kong magawa dahil nasabi ko na. Ayoko namang bawiin pa dahil baka iba lang isipin niya. Bakit ba ganun? para tuloy nakokonsensiya ko dahil sa ginawa ko. Ang sama ko ba?

"Ang sama mo naman Jess," ang sabi sakin ni Tin habang nakatingin ako sa naglalakad papalayo na si Claude.
"Bakit ba?"
"Nagtatanong ka pa diyan? Tingnan mo nga ung ginawa mo dun sa tao. Hindi ka man lang ba naaawa?"
"Hi- hindi noh... Bat naman ako maaawa sa kanya?" Ano ba kasing ginawa ko? Bat ba masyado akong naging mean sa kanya. Hay, Jessica bat ba kasi ganyan ka.
"Sundan mo na kaya si Claude."
"Bakit ko naman siya susundan? Mamaya ano pa isipin nun."
"Bakit kaba ganyan sa kanya? Hindi ka naman ganyan sa iba ah. Siguro hindi mo lang matanggap na nagugustuhan mo na rin siya noh?"
"Paano ko naman magugustuhan un Tin? Haller??? Ni hindi nga siya ang ideal man ko eh."
"Talaga bang ayaw mo sa kanya?"
"O- Oo naman..." Kahit na ganun si Claude, lagi siyang nakangiti sakin kahit na lagi ko siyang tinatarayan. At kung may isang bagay man na nagustuhan ko sa kanya, iyon ay ang ngiti nya. Kahit kilan hindi ko pa siya narinig na nagreklamo sakin. Sweet din siya kasi minsan makikita ko nalang na may isang white rose sa desk ko. Lagi niya pa kong tinutulungan sa mga projects sa school, minsan tinuturuan pa niya ko ng mga lesson na hindi ko maintindihan. Dinadalan niya pa ko ng meryenda tuwing break time kahit na ang layo layo ng building ng room niya sakin. Kung tutuusin ang dami dami na niyang nagawa para lang sakin at hindi ko na nga mabilang ang lahat ng iyon. Ayaw ko nga ba sa kanya? O masyado ko lang iniisip na hindi siya ang ideal man ko.
"Sundan mo na, hindi pa un nakakalayo Jess." Dapat ko ba siyang sundan? Mag-isip ka Jessica. Pag ginawa mo un, wala ng urungan pa.
"Sa totoo lang Jess, sa lahat ng manliligaw mo si Claude ang pinakagusto ko para sayo."
"Bakit siya pa?"
"Kasi kahit na hindi siya mala-prince charming. Alam kong mabuti siyang tao. Masyado ka lang nabubulagan kaya hindi mo nakikita un."
"Salamat tin, sige susundan ko siya."
Tumakbo ko ng tumakbo para lang maabutan si Claude pero ni bakas niya wala kong makita.

"Claude..."
"Claude..."

Maya maya may nakita kong nakatalikod na isang lalake. Tumakbo ko papalapit sa kanya hanggang sa maabutan ko siya sabay hinawakan ko ang kamay niya.
"C- Cla- Claude... sandali lang" pero paglingon ng lalake nagulat ako ng iba ang makita ko. Hindi siya si Claue. "Sorry."
Siguradong nakauwi na siya. Hay, Jessica naman kasi ang tanga tanga mo.
"Tawag mo ba ko Jessica?"
Narinig kong sabi ng boses sa likod ko. Pagharap ko nakita ko si Claude, na matamis na nakangiti sakin.
"Ikaw talaga, pinagod mo ko."
Siguro nga hindi siya ang ideal guy ko at hindi rin siya ang prince charming ko pero ito ang realidad ng buhay at wala kami sa fairytale.

Siya si Claude, ang mahal ko.

--the end---


Hindi nga siguro pang hero ang katawan niya. Pero siya naman ang naging hero ko ngayon.

DEAR eX (Part 2)

Minsan hindi ko maiwasang hindi maitanong sa sarili ko ang isang bagay... "bakit nga ba tayo nauwi sa hiwalayan?" Sino nga bang bumitaw? ako o ikaw? Ang dami dami kong tanung na what if and if only? Pero pag nasagot ba iyon babalik pa sa dati ang lahat. Babalik ba tayo sa kung anong meron tayo noon? Ayoko na ring mabuhay na panay what if at if only kasi wala namang mangyayari eh. Baka maging bitter lang ako imbes na maging better. Natanggap ko na namang wala ng ikaw at ako. Sa madaling salita, malabo ng maulit ang tayo. Kasi kung uso ang second chances para sa iba, d naman natin ang salitang un. Second chances? para lang un sa dalawang taong may pag-asa pang mabuo ulit ang relasyon nila... para sa dalawang taong may pagmamahal pa... Take note dalawa hindi isa. Ako nalang naman kasi ung nagmamahal dba? ako na lang...

Ok na ko ngayon eh, back to normal na nga iyong buhay ko. Bumalik na din ung dating ako nung wala kapa sa buhay ko. Kaso ayan ka na naman. Para kang kabuteng bigla na lang lumilitaw at parang multong bigla nalang magpaparamdam. Itatanong mo kung kamusta na ko? Ano bang gusto mong malaman mula sakin? Na ok ako kanina pero dahil sayo naliligalig na naman ang mundong ginagalawan ko. Na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng epekto mo sakin? Ayos ka din noh? ok na nga ko eh tapos ayan kana naman na para bang nang-aasar lang. Kung gusto mo ng laro, sorry hindi na ko pwede diyan iba nalang ang isali mo baka sakali mahanap mo ang katapat mo iyong tipong kayang lumevel sa galing mo, malay mo sa oras na un ikaw naman ang luhaan at sugatan at sa pagkakataong iyon, wag mo akong kalimutang tawagan huh? Promise tatawanan kita ng bonggang bongga...


-eX gF

Friday, September 10, 2010

Broken Promise

"You promised that you'd never leave. Pero nasaan kana ngayon?." Tulad kahapon, at sa mga susunod pang araw andito pa rin ako. Umaasa na darating ang time na bumalik ka. Na isang araw may taong hahawak sa balikat ko at pag lingon ko, ikaw ang makikita ng mga mata ko.

Dalawang taon na rin simula ng umalis ka ng walang paalam at hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit humantong sa puntong hindi mo kailangang sabihin sakin na aalis kana pala. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako... Hindi ko din alam kung dapat pa ba akong umasa... Susuko na ba ko? iyon lagi ang tanung na gumugulo sa isip ko, pero sa tuwing maguguluhan ako at mawawalan ng pag-asa maalala ko lang ang ngiti mo, babalik na naman sakin ang lahat. Kung bakit kita kailangang hintayin at kung bakit ako narito ngayon sa lugar na ito. Nakatingin sa malawak na karagatan habang unti unting naglalaho sa paningin ko ang araw na tila ba tinatakpan ng mga ulam. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili sa lugar na ito o kung tama pa bang umasa akong darating ka.

Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka na ba ngayon? Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.
Magpakita kana please...
Miss na miss na kita eh... mahal na mahal kita...

"Nasaan ka na ba kasi?"...

"Naiinip na kong maghintay sayo eh... Nasaan ka na ba?"

Nakaramdam ako na para bang may isang taong nakatingin mula sa likod ko. Napangiti ako. Alam kong darating ka... Alam kong hindi mo ako matitiis...

Denver. ..

Paglingon ko nakita ko ang lungkot sa iyong mukha. Unti-unting nagbago ang ngiting kaninang nakaguhit sa labi ko at napalitan ng lungkot.

Ipinikit ko ang mata ko, ayokong ng makita at marinig ang kung ano mang sasabihin mo.

"Im sorry..."

Bakit? Bakit? at bakit? iyon lang ang tanging tanung sa isip ko. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko bumalik na sa dati ang buhay ko. Iyong masaya tayong dalawa.

"wala na si kuya"...
Si Dennis ang nasa harap ko ngayon at hindi si Denver, ang kakambal niya. Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kakambal mo, ang sabihin sakin na wala kana. All along wala na kong hinihintay. Matagal na pala kong naghihintay sa isang taong matagal na rin akong iniwan. Ang saklap naman. At ang sakit sakit....


"Matagal na siyang patay. He died because of leukemia," ang malungkot na sabi niya sabay abot ng isang maliit na papel.

I'm sorry Celine hindi ko na kayang panindigan ang pangako ko sayo.
I love you...                                
                                   Denver

I love you more.... kasabay ng masaganang luha sa mga mata ko.

Wala man tayong happily ever after... baka sa ibang panahon magkaroon naman tayo ng never ending story.

Thursday, September 9, 2010

GOODNEWS

"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.

He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko. 

Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.

Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable? 
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...

"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"

"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.

"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.

"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"

"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan  mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?

Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.

Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko.   
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.

Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.


And I know He'll never see me the way I see him...

Sunday, August 8, 2010

Destiny

Ang pag-ibig minsan nasa harap mo na hindi mo pa napapansin...
Minsan naman nakakasalubong mo na...
Nakakabanggaan ng hindi nalalaman...
Nakakatabi sa dyip..


Sa dami ng taong nakasalubong....
nakabanggaan...
at nakangitian mo...

Minsan ba naisip mong baka siya na ang taong para sayo?
Ang Mr. Destiny mo?

"Destiny? kalokahan yan... hindi ako naniniwala diyan," sagot ko kay Cheska, ang bestfriend ko.

"Ikaw talaga belle, wala namang masama dun sa sinabi ko ah. Tsaka d naman kita pinipilit na maniwala."

"Ewan ches, pero kalokahan talaga yan eh. Paano mo naman malalaman na siya na ang destiny mo? Sa dami ng tao sa earth, may nakasulat ba sa noo niya na "AKO SI MR. DESTINY MO", tumatawang sabi ko.

"Ikaw naman puro ka biro eh."

"Seryoso ko dun ah..."

"Basta alam ko mararamdaman mo un. May something kang mafefeel... ung parang magic? ung tipong lagi kayong pinagtatagpo ng tadhana." ang sabi ni cheska na nangangarap ng gising.

Nagkibit balikat lang ako. "Balik na ko sa desk ko ches."
Magic? at pinagtatagpo ng tadhana? as if naman meron nga talagang ganun.
Isa iyong malaking kalokohan. Napabuntung hininga ako.
Kaya ba hindi nakaramdam ng ganun sakin si Ethan at kay ate Keith niya un naramdaman dahil sa sila ang destiny? Hay, naku...

----
6:00 pm

"Belle..." una ka ng umuwi ah. May tatapusin pa kong paper works eh.

"Ah, ayaw mo bang hintayin pa kita?"

"Wag na, baka kasi matatagalan pa ko eh. Malay mo makasalubong mo o makabanggan mo si Mr. Destiny mo, for sure makikita mong may note sa noo niya," tumatawang biro ni Cheska.

"Baliw! sige alis na ko. Kita kits na lang ulit bukas. Ingat ka pag-uwi."

"Sige.. ingat sila sayo."

Makasalubong o makabanggan? Hay naku malabo un. Sa dami ng taong nakakasalubong ko at nakakabanggan sa halos araw-araw eh pano ko naman malalaman na siya na nga?
Si Cheska talaga kung anu-anong naiisip.

Paglabas ko ng opisina biglang bumuhos ang ulan.

Hay nakakainis naman... Pihadong mababasa ako nito eh.

Sa kahabaan ng monumento parang mga langgam ang mga tao. Kanya kanyang destinasyon kung saan pupunta. May mga magkasintahan, may mag-asawa, may nag-iisa tulad ko.

Nag-iisa...
Tama... nag-iisa nga ako. Mas lalo ko lang nararamdaman na nag-iisa ako sa tuwing ganitong umuulan.
Ang lamig ng simoy ng hangin. Ni hindi man lang ako nakapagdala ng jacket. Samantalang ung iba ni hindi na nila kilangan iyon dahil may human blanket naman sila. May hahawak sa kamay nila para kahit paano maibsan ang lamig na nararamdaman nila. Samantalang ako nag-iisa...

"Aray! Ano ba?", sigaw ko sa isang lalake na medyo may kataasan sakin. Kaya naman kinailangan ko pang mag-angat ng tingin para makita siya. Sa tingin ko nasa twenties na ang edad niya katulad ko.
Ewan ko ba pero nung sandaling magtama ang mga mata namin parang may kung ano akong naramdaman. Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni Cheska. May magic...

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo Miss eh o Misis?," sabi ng lalake.
Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko iyon mula sa lalake.
Naningkit ang mga mata ko.
"Aba at nangbintang ka pa diyan. Ikaw na nga ang nakabangga sakin, ikaw pang nambibintang diyan. Tsaka for your info, miss pa po ako."

"Pasensiya kana talaga nagmamadali kasi ako eh," sabay lakad niya papalayo.

"Hoy, bumalik ka rito?"

"Bat mo naman inaaway ang nobyo mo ineng?," sabat naman ng isang matandang tindera.

Nanlaki ang mata ko. "Manang? hindi ko po siya nobyo. Sige po, mauna na ako."

----

"Oh! bat sambakol ang mukha mo? bungad sakin ni ate Keith."

"Wala, may nakabangga kasi ako kanina eh."

"Tinarayan mo na naman, kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh."

"At nagsalita ang meron," sabay banat ko naman sa kanya.

Ngingiti- ngiti lang si ate.

"Baliw ka talaga," bulong ko.
Pumasok na ako ng kwarto at saka nagbihis sabay higa sa kama.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni Cheska.
"Malay mo makasalubong o makabanggaan mo na pala si Mr. Destiny mo..."
Kalokohan talaga un...
Makatulog na nga lang.

----

Nagmamadali akong umalis ng bahay. Tinanghali ako ng gising dahil sa panaginip ko. Kung bakit naman kasi nakita ko ang lalakeng iyon sa panaginip ko samantalang hindi ko naman siya kilala eh. Hay, naku! kasalanan ito ni Cheska eh, naliligalig ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

Tuesday, July 27, 2010

KUYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.

Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?




"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."


"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".
"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."
"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.
"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.
Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.
"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.
"May sinasabi ka ba?"
"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"
"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."
Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.


"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.
"Baka nasa kusina."
"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."
Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.
"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"
"Wala naman ate."
"May kasama ka ba kanina sa labas?"
"Wala."pagsisisnungaling ko.
"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."
"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.
"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."
"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."
"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."
"Iba siya ate."
"Anong iba?"
"Ah, basta, sakin na lang un."
"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."


----


"Oh, asan na ang ate mo belle?"
"Nasa bahay. May gagawin daw siya."
"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."
"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."
"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.
"Ano?"
"Wala naman akong sinasabi."
"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."
"Ayoko pang umuwi."
"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.
"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.
"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"
"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.


---


Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.
"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."
"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"
"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.
"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."
Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.


Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.


Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?


Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.


Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...


"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?
"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.
Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.


"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.
Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto. 
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.
"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."
Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.
"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."
"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."
"Sus, kala mo lang..."
"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"


Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko. 




Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.
Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.



Thursday, July 22, 2010

TAYA

Ang pag-ibig parang habulan.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.

Friday, July 16, 2010

WANTED: BF (2)

After 3 days


"Tol, tumatawag ung employer mo", excited na sabi ni Paul sakin.
Napakunot-noo ako saka bigla kong naalala ung inaplayan ko.
Agad agad ko namang dinampot ang cp ko saka sinagot.

Hello?
Ah, ganun ba. O sige...
ok..darating ako...
bye...

"Oh? anu daw sabi?"tanung ni Nick.
Hoy! ano bang sinabi niya't ang seryoso mo. 
Kung ganun--? putol ni Nick sa sasabihin pa sana niya sakin. Tinapik na lamang niya ang balikat ko imbes na tapusin kung ano mang gusto niyang sabihin.
Ano tagay na? palokong tanung niya. 
Sabi ko naman kasi sayo eh, ako talaga ang type nun...naiiling pang sabi nito. 
Sayang talaga... kung alam ko lang nag-apply na sana talaga ko, sabay kindat pa nito sakin.

Ang kaibigan kong ito... minsan talaga ang daldal niya. Daig pang babaeng putak ng putak.
Hindi pa rin ako nagsalita at sa halip ay tiningnan ko siya ng masama.
"Pare, ganyan talaga ang buhay... okay lang yan... sabay akbay pa nito."
Maya maya binatukan ko siya, hindi ko na kasi matiis ang kadaldalan niya.

"Aray ko naman pare... Wag mo namang ibunton sakin ang galit mo sa babaeng iyon."

"Ang daldal mo kasi eh... Eh kung makinig ka kaya sakin muna."

"Eh ano bang sabi sayo?"curious niyang tanung.
Tumawa lang ako...

"Paul naman, wag mong sabihing tumira ka na naman ng katol kanina? Napopossess ka na ba huh?"

"Gag*, hindi noh!" 

"Hay, naku nababaliw ka na talaga dahil sa babaeng yun...Ano ba kasing sabi niya sayo? 
Tanggap ka na daw ba? 
Hindi noh?,"sunod sunod niyang tanung sakin.

Napatigil ako sa pagtawa. Oo nga pala wala pa siyang sinasabi sakin na tanggap na ako. Pero siguro naman hired na ako? Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng load para lang sabihin sakin na magkita kami ngayon dahil sa hindi naman ako tanggap. 
Tama... ganun nga... Hindi dapat ako magpaapekto sa baliw na si Nick.

"Ano namang tinatango-tango mo diyan pare? Simula noong pinatulan mo iyong kalokohan na iyon, kinakausap mo na rin ang sarili mong mag-isa. Ano kailangan na ba kitang ipacheck-up?"

"Siraulo ka talaga, sabay batok ko sa kanya. Hindi pa ako nasisiraan ng bait noh."

"Aray ko naman.... nakakadalawa ka na sakin ah.Hindi pa nga, sa ngayon pero tingin ko malapit na."

"Alam mo Nick?"

"Ano? alam kong gwapo ko pare pero alam mo namang hindi tayo talo dba?"

"Ang daldal mo...sabay alis ko at diretso sa kwarto."
Loko-lokong iyon, puro kalokohan ang naiisip. Makapagbihis na nga.


--

"Oh! bihis na bihis ka ah? Wag mong sabihing mamakla kana naman?"

"Baliw! may date ako noh. Ano ok na ba itsura ko? Poging-pogi na ba?"

"Oo naman, mana ka ata sakin", tatawa tawang sabi ni Nick.

"Sige alis na ako ah... Kumain ka. Gutom lang yan."

"Hoy, saan ka ba pupunta?"

"Sa magiging gf ko."


----

"So anong nangyari sa pag-uusap niyo? curious na tanung ni Gelai."

"Sinabi ko kailangan naming magkita para makapag-usap sagot ko habang namimili ng isusuot. Para malaman niya kung hired na ba siya."

"Me ganun? para talagang applicant ah."

"Then pag-uusapan din naman ang mga terms sa contract."

"Huh? contract? ano na namang kalokohan un couz? Nababaliw kana talaga France."

"Of course not... pero kung paulit ulit mong sasabihin sakin na nababaliw na ko baka nga mabaliw na ko," sabay tingin ko kay Gelai na nakangisi.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang seryosohin ang lahat? I think he's a nice guy naman eh. Why don't you try? Hindi naman lahat ng lalake katulad ni Har--."

"Sssshhhhhhh... don't say bad words. Okay na iyong ganito noh, unique nga eh..." 
Kilangan namin ng contract. Kung maging ok naman kami eh d magrerenew na lang ng panibago.

"Isa itong malaking kalokohan...
Saan ka naman nakakita ng ganyang klaseng relationship? Oh my gosh..."

"Samin pa lang...
Hmmm... alin bang maganda dito? etong red o black?
Palagay mo?"

"Hindi ako mapalagay sa pinagagagawa mo."
Ngumiti lang ako kay Gelai.

"Bakit ba masyado kang conscious sa isusuot mo huh? eh dba wala lang naman ito para sayo."

Oo nga noh. Bakit nga ba? Dahil ba gusto kong maimpress sakin si Paul? Napangiti ako sa isiping iyon. 
"Eh, ano... ka-se... ah syempre... gusto ko pa rin maging maganda baka kasi makasalubong ko si --"

"Si Harvey? sabay tirik pa ng mata niya... tsk... tsk.. tsk... eh akala ko ba wala ka ng pakialam sa lalakeng iyon?"

"O-o nga... wala na... defensive ko namang sagot." Baka sakali magselos siya at marealize niya iyong pagkakamali niya tapos lumuhod siya sa harap ko para lang bumalik ako sa kanya.

"Don't tell me couz, umaasa ka pa rin na bumalik siya sayo? sabay taas ng isang kilay nito.."

"Of course not..." Teka, nababasa niya ba ang iniisip ko? 
"Kung ginagawa mo lang ito para gumanti diyan sa ex-boyfriend mong wala namang kwenta. I'm telling you... ngayon pa lang, itigil mo na ang kalokohang ito. Kaw din baka makarma ka niyan."

Tingnan mo itong bruhang ito, tinakot pa ako. 
"Alam ko naman ang ginagawa ko eh, don't worry, okay?"

"Kunsabagay, you're old enough... Basta pag nagkaproblem, nasa kabilang kwarto lang naman ako."

"Thanks couz... alam ko naman un eh."

"I'll meet my friends pa, punta kami ng mall. Since may date ka naman eh, una na akong umalis sayo. Bye, paalam nito sabay halik sa pisngi ko."

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kakasara lang na pinto ng kwarto ko.

Siya talaga ang the best sa lahat ng pinsan.
At ngayon kilangan ko ng mag-ayos para sa date ko. 


----

Nandito na ko sa harap ng French Baker sa may Sm pero wala pa siya. Ang mga babae talaga oo... Bakit ba gustong gusto nilang magpalate?

Maya maya may naramdaman akong kumalabit sakin. Paglingon ko tumambad sakin ang nakangiting si France. Simple lang naman ang suot niya. Basta maganda siya tapos.

"Kanina ka pa ba?"
"Ah, hindi naman..."
"Pasensiya na, nalate ako."
"Okay lang, sanay na ako."
"Huh?"
"Ah, sabi ko ayos lang un."

------
Pumunta kami sa may food court kailangan kasi naming pag-usapan ang contract at mga terms sa relationship namin.

"Bale one month lang muna itong contract natin huh. Pagkatapos kung maging ok parin tayo sa isa't isa pwede namang i-renew basta parehas na ok satin ang lahat. Then, parehas lang naman ang set-up natin sa ibang magbf, naiba lang satin kasi may contract tayo. Basta maging honest ka lang, okay? ayoko sa taong sinungaling. Basta kung may magustuhan ka mang ibang babae, sabihin mo lang sakin para macancel agad itong contract na ito. Next week ibibigay ko sayo ung copy mo ng contract. Okay.?"

Kanina pa ako daldal ng daldal wala man lang akong marinig na kahit na anong comment galing sa kanya. Nakatitig lang siya sakin. Nakakailang tuloy... Hindi ako sanay ng tinititigan, pakiramdam ko unti unti akong natutunaw na parang yelo. Naliligalig ako dahil sa kanya.

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"
"Oo..."
"Sigurado ka?"
"Oo..."
"Naiintindihan mo ba?"
"Oo..."
"So, okay lang sayo ung ganitong set-up?"
"Oo..."
"May gusto ka pa bang malaman?"
"Marami pa...sa ngayon, okay na sakin ung alam kong gf na kita."

Ang lalakeng ito... Mababaliw ata ako sa kanya. Sa huling tanung ko lang ata medyo mahaba haba ang sagot niya.
Matatapos kaya namin ang isang buwang contract?

----

Pagkatapos ng ilang oras nag-aya na rin akong umuwi. Hindi naman talaga date ang lakad na ito eh. Kailangan lang kasing pag-usapan ang dapat pag-usapan.

Muntik na akong mabunggo kanina ng isang lalake buti na lang nahawakan niya agad ang kamay ko kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin ako binibitiwan. Sa totoo lang naiilang pa din ako pero dahil nga boyfriend ko na sya, wala namang masama kung hawakan niya ung kamay ko. Isa pa pakiramdam ko hinding hindi niya ako bibitiwan, hindi tulad ni Harvey.

Magkahawak parin kami ng kamay habang naglalakad ng may makasalubong kaming mga pulis.
Nagulat ako ng bigla siyang huminto, pero mas nagulantang ako sa sinabi niya.

"Mamang pulis pakihuli naman po itong kasama ko. Ang laki po kasi ng kasalanan nito sakin eh."

Seryoso ba siya? Nanlaki ang mata ko. 
"Ano bang sinasabi mo diyan? sabay hila sa laylayan ng polo niya."
Umayos kang lalake ka.. Isang maling salita hahampasin na talaga kita sa isip isip ko.

"Ninakaw po kasi niya ang puso ko, sabay tingin sakin saka siya ngumiti."

Oo...korni nga. Masama ba kung kikiligin ako? Hindi ko kasi mapigilang hindi mapangiti.
Ang lalakeng ito sa tingin ko hindi siya mahirap mahalin.

"Napakasweet naman pala ng boyfriend mo ija, ang sabi ng isang pulis sabay tawanan silang lahat."

"Sige po, aalis na kami, paalam nya."

"Mag-ingat kayong dalawa."

Kung alam lang nila, kontrata lang naman ang lahat dba?

Kontrata nga lang ba o totohanan na?