Home

Sunday, August 7, 2011

GOODBYE

Guy side:


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. 
Inis ko itong dinampot mula sa taas ng bed ko. 
Tiningnan ko ang screen ng telepono ko at nakarehistro doon ang pangalang "HON"...
Napalitan ng isang ngiti sa labi ang pagkainis ko.


"Good morning hon!" masigla kong bati sa kanya...

"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?" nagtatakang tanung ko.

"Sira ka talaga, natatawa kong sagot dahil sa sinabi niya. Asan ka nga? ulit na tanung ko sa kanya."
Inutusan niya akong tumingin sa bintana ko. At ano naman kayang makikita ko dun? Nacurious din ako kaya naman bumangon ako para sumilip sa bintana.
"Huh? Bakit ba kasi?" sabi ko pa...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".



Ngayon naman pinatitingnan  niya sakin ang gate ng boarding house namin. Ang kulit talaga ng babaeng iyon. 

"Ano ba kasi-"

Sinunod ko din naman ang utos niya at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na nakatayo mula sa harap ng gate ng boarding house at nakatingin mula sa direksyon ko. Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan ng hindi man lang nakapaghilamos.

Ang babaeng iyon talaga napakahilig sa mga sorpresa...

Pagkababa ko agad agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Alam kong maraming taong napatingin sa direksyon namin pero wala na akong pakialam. Sobrang saya ko kasi na makita ang pinakamamahal ko. At wala ng hihigit pa sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

"Ginulat mo ako, adik ka talaga", ang nasabi ko nalang habang yakapsiya.

Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi niya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung pa niya.
Bahagya lang akong natawa sa tinanung niya pero hindi ko pa rin siya binitiwan.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla naman niya kong kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw ako sa pagkakayakap at tiningnan ko siya ng masama.
"Masakit iyon ah", ang sabi ko pang kunwari'y galit.
Tatawa tawa lamang siya.
"Para malaman mong hindi panaginip ang lahat. Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo sabi pa niyang nagrereklamo.

"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita". 

Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob ng boarding house.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina ko pa rin siya tinititigan pero pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na talaga siya.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan,."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot ko".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang iyon na agad rin namang napalitan ng saya. Ang mahalaga may ilang oras pa ako para makasama siya.

"I'm sorry, wala sa sariling nasabi niya".
Nagulat ako dahil hindi naman niya ugali magsalita ng sorry lalo na kung wala siyang kasalan at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na mabilis din namang nawala. Ewan ko, parang may hindi siya sinasabi sakin o baka imahinasyon ko lang ang lahat. Baka nga.

"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."

"Gusto kong mapanood ang sunset hon," ang sabi niyang nakatingin sa langit.
Napakaganda talaga niyang panoorin mula sa ganitong posisyon. Pero bakit may lungkot na naman akong nakikita mula sa mga mata niya?
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung niya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko na para bang bigla akong kinabahan na para bang may mangyayaring hindi maganda. Sana naman wala lang ito.
Bumaba na ko mula sa rooftop at dumiretso ng banyo para mag-ayos ng sarili. Pero kahit ganun hindi pa rin mawala sa isip ko ang lungkot na nakita ko sa mga mata niya.

-----

"Maglaro tayo?"
Ano namang laro? Para ka talagang bata
"Sige na please???"
Oo na nga...
"Diyan ka lang ah..."
Ano bang balak mong gawin? kunot noong tanong ko? Humahakbang kasi siya papalayo sakin.
"Basta...."

Ilang dipa na ang layo niya mula sakin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Nakakaramdam ako ng takot sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Game starts now."
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw ko...
"Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon..."
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado kong sabi.
"I'm sorry hon..."
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
"Just listen hon..."
Tumalikod siya mula sa akin saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita...
"No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game."
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin? Ihahatid na kita kung aalis kana.. Hindi ko na talaga gusto ang nangyayaring ito. Alam ko na hindi na ito basta laro na lang. Alam kong may problema siya pero bakit hindi niya sabihin sakin?
"You don't understand hon..."
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
"I told you I'm leaving.... for good."
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
"No... Hindi mo ako pwedeng sundan."
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
"Ayoko... Stay there and don't make any more steps."
Hon... please don't do this to me..
"Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh.."
Goodbye... pagkasabi niya noon agad agad siyang tumakbo ng mabilis papalayo mula sakin.

Wala akong naiintindihan at hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero hinding hindi ako papayag na mawala siya sakin ng ganun na lang. Hindi kahit kailan. Tumakbo ako para sundan siya at agad ko naman siyang naabutan at hinawakan ko ang wrist niya. Saka ko siya niyakap ng mahigpit. Umiyak siya ng umiyak na para bang wala ng bukas.

"I'-m I'-m so-rry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you..."

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari pero isang bagay lang ang alam ko. Kailangan niya ko.

I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...
"I'm dying hon..."
Pagkarinig ko nun mula sa kanya pakiramdam ko huminto ang oras. She's dying... Ngayon alam ko na kung bakit siya nagkakaganito. 

Shhhsshhhhh....Everythings gonna be fine...
Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga sinabi ko para gumaan ang pakiramdam niya. Alam ko hindi magiging madali ang lahat pero aalagaan ko siya at poprotektahan sa abot ng makakaya ko.

I'll take care of you...


Saturday, July 30, 2011

GOODBYE

Girl Side:

Ilang hakbang na lang makikita ko na siya. Napangiti ako sa isiping iyon. Alam ko siguradong magugulat siya pag nakita niya ako. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa harap ko ngayon, ito na iyon.
Relax Shella...
Relax...
Agad kong kinuha mula sa handbag ko ang telepono ko at agad na dial ang call button...

Nagriring na ang kabilang linya ng telepono....
Kinakabahan ako pero sa kabila nun eh excited akong makita ang reaksiyon niya.

Sana mapasaya ko siya kahit sa huling sandali... Bahagyang gumuhit ang lungkot sa mga mata ko na agad ring napalitan ng kasiyahan ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Good morning hon!" masigla niyang bati sa akin...
Good morning din, sagot ko...
"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?"
Nasa puso mo... natatawang sagot ko. Baka naman heartbeat mo lang iyong naririnig mo, pabiro ko pang sagot.
"Sira ka talaga, natatawa din niyang sabi. Asan ka nga? ulit niya sa tanung?"
Tumingin ka sa bintana mo, utos ko.
"Huh? Bakit ba kasi?"
Ai naku ang dami mong tanung gawin mo nalang kasi...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".
Tingin ka sa labas ng gate.
"Ano ba kasi-"
Hindi na nakapagsalita ang taong kausap ko sa kabilang linya. Alam ko na mula sa kinatatayuan ko ay nakita na niya ako. Nagsalita pa rin ako kahit na hindi na siya nakapagsalita.
Nakikita mo ba ang isang magandang babaeng kumakaway sayo?
Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nasa harap ko na ang lalakeng kanina lang ay kausap ko.
Agad agad niya akong niyakap sabay sabing "Ginulat mo ako, adik ka talaga".

Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi kong nakayakap pa rin sa kanya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung ko.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla ko siyang kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng masama.
"Masakit iyon ah".
Tatawa tawa lamang ako, para malaman mong hindi panaginip ang lahat.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo kunwari'y reklamo ko.
"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita". Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng boarding house nila.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina pa rin siya nakatitig sakin na akala mo eh namatanda.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan, natatawa kong puna."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot niya".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Nakita kong bahagya siyang nalungkot pero pinilit niyang maging masaya.
"I'm sorry, wala sa sariling nasabi ko".
"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."
Pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ako kahit na gustong gusto ng bumuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Alam ko kasi sa sarili ko na ito na marahil ang huli naming pagkikita.
"Gusto kong mapanood ang sunset hon".
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung ko sa kanya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
"Natawa ako pero sa kaibuturan ng puso ko gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Pero hindi ko kaya... Hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula. Hindi ko siya gustong saktan. Hindi na nga sana ako dapat nagpakita sa kanya pero hindi ko kaya. Gustong gusto ko siyang makita kahit sa huling sandali. Sa pag-alis niya doon bumuhos ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.

-----
Maglaro tayo?
Ano namang laro? Para ka talagang bata.
Sige na please???
Oo na nga...
Diyan ka lang ah...
Ano bang balak mong gawin?
Basta....
Humakbang ako 1 step... 2-3-4-5-6- 20

Game starts now.
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw niya...
Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon...
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado niyang sabi.
I'm sorry hon...
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
Just listen hon...
Tumalikod ako saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita.
No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game.
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin?
Ihahatid na kita kung aalis kana..
You don't understand hon...
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
I told you I'm leaving.... for good.
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
No... Hindi mo ako pwedeng sundan.
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
Ayoko... Stay there and don't make any more steps.
Hon... please don't do this to me..
Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh..
Goodbye... pagkasabi ko nun agad agad akong mabilis na tumakbo palayo sa kanya.

I'm really sorry hon. Hindi ko ito gustong gawin pero ito ang dapat kong gawin. Magiging miserable lang ang buhay mo kapag nagstay ka sakin at ayokong mangyari iyon.

Hindi ko namalayan nahabol na pala ko ni Daniel. Hawak niya ang wrist ko at wala akong magawa para matanggal niya iyon. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. At alam ko na sa oras na iyon hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

I'm I'm sorry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you...

I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...

I'm dying hon...
Shhhsshhhhh....
Everythings gonna be fine...
I'll take care of you...

Thursday, June 2, 2011

The other pair of shoes

Umuulan ng mga oras na iyon ng nakipag-break ako kay Daniel. At sa kakamadali ko nasira ko ang isang pares ng sapatos ko.  Umuwi akong basang basa at nakayapak. Pakiramdam ko ako si Cinderella na hinahabol ng kanyang prinsepe. Pero alam ko isang katangahan na umasang hahabulin ako ni Daniel. Alam ko namang kasing ginamit lang niya ako... Pinaglaruan. At iyon ang pinakamasakit na katotohanang nalaman ko. May pride pa naman ako kaya ako na mismo ang tumapos ng kung anumang relasyon ang meron kami. Kung relasyon nga bang matatawag iyon.

Paksyet naman kasi... Ang tanga tanga ko para maniwala sa kanya.

Tulala akong nakatingin sa kapareha ng sapatos na naiwan sakin. Kung bakit naman kasi dinala ko pa ang isang ito? "Ang tanga mo talaga Hanna."
Ano bang pumasok sa kukote mo't nagawa mo pang iuwi ang sapatos samantalang hindi mo naman na ito magagamit.
"Hay, ang ewan ko talaga."

Parehas na lang kami ng sapatos na ito.
Nag-iisa....

-------

"Kanino bang sapatos yang hawak hawak mo Jerome?", kunot noong tanung ni Mike sa akin.
"Dun sa babae". 
"Malamang sa babae talaga yan, obvious naman eh. Ang ibig kong sabihin bakit dala dala mo?"
"Isusuli ko sana dun sa may-ari eh."
"Kilala mo ba?"
"Hindi."
Tsk... eh pano mo isusuli yan? Kung ako sayo itatapon ko na lang yan.
Ayoko...
Bakit?
_____
Hoy!
Shut up... Naririndi na ko sayo Mike para kang babaeng putak ng putak.
Tsk...

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin ang sapatos na ito. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ung babaeng may-ari nitong sapatos. Kahit madilim ng gabing iyon at umuulan pa, kitang kita ko sa mata niya ang lungkot sa mukha niya. At kahit na alam niyang naiwan niya ang sapatos niya habang tumatakbo hindi man lang siya lumingon para balikan ito. Akala niya siguro sira na ang sapatos niya. Akala ko nga siya si Cinderella sa modernong panahong ito. 

Kagabi pa siya hindi mawala sa isip ko. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero parang gusto ko ng maniwala sa mga oras na ito. Papano ko nga ba isusuli sa kanya ang sapatos na ito ni hindi ko naman alam maski pangalan niya.




Wednesday, October 13, 2010

SULAT KAY EX

DEAR eX,

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf

KASAL

"Bakit hindi ka pa nagpapakasal? Ano bang nangyari dati?," iyon ang tanung na madalas kong iniiwasan. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko sa kaharap ko.

"Bibisitahin ko pa ang pamangkin ko, maiwan na kita Dianne," ang sabi ko sa dati kong officemate bago tuluyang umalis.

"Tatanda kang dalaga niyan Lizzie", narinig kong sigaw pa ni Dianne.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan, isang napakagandang araw para isipin ang kasalukuyan kesa ibalik ang nakaraan.

5 years ago ikakasal na sana ako pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Halos lahat ng kakailanganin ay naisayos na. Ang mga damit, ang reception, ang simbahan maliban na lamang sa mga invitation cards at souvenier items. Masakit man ang nangyari hindi ko na rin pinagsisihang hindi iyon natuloy, sabi nga nila everything happens for a reason.

Bumungad sakin ang 5 taong gulang kung pamangking babae.
Si Kyle..

"Tita, tala lalo tayo ng balbie ko."

"Nasaan ang yaya mo Kyle?"

"Nagyayaba po si aya, dun oh...," sabay turo niya sa may kusina nila. 

Sa tuwing pinagmamasdan ko si Kyle hindi ko mapigilang hindi mapangiti, nalulungkot lang ako dahil napakabata pa niya para maulila sa kanyang ina, 2 years ago namatay ang kapatid ko sa isang malubhang sakit. At dahil sa dalawa na lamang kaming magkapatid madalas akong pumunta sa bahay nila para alagaan si Kyle. Para sa akin, para ko na siyang anak. 

Napagandang bata ni Kyle mahaba ang kanyang buhok na lampas balikat, bilugan ang kanyang mga mata at mapula ang kanyang labi. Minsan nagugulat na lang ako sa mga bagay bagay na itinatanong niya sa akin para kasing matanda na siya kung mag-isip.

"Ta, kanina nood kami ni aya nung nikakasal. Ang danda nga eh. Tita, kilan taw itatasal?," curious niyang tanung na nakatingin sa mga mata ko. 

Natawa lang ko sa tanung niya. Paano ko nga ba sasagutin ang isang bata samantalang ako itong matanda eh hindi alam kung ikakasal pa ako. Bente nueve na ako pero heto't single pa rin ako.
Inip na inip na naghihintay ng sagot si Kyle.

"Tilan ta?," ulit niya...

"Hindi pa kasi alam ni Tita eh..."

"Talaga? yehey, eidy dito kapa din lagi."

"Syempre naman... Gusto mo ba dito lagi si Tita?"

"Opo, tase wala na si Mama, sana taw na lang mama ko." Bigla nalang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at bigla kong nayakap si Kyle.

5 years ago para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman kong nabuntis ng lalakeng pinakamamahal ko ang nag-iisang kapatid ko. Parehas silang lasing hanggang sa dumating sa point na may nangyari. Pakiramdam ko gumuho ang mundong kinatatayuan ko. At sa mismong araw ng kasal ko ikinasal ang kapatid ko sa lalakeng pinakamamahal ko. Iyon na ata ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang babaeng malapit ng ikasal, ang hindi matuloy ang kasal niya. 

Pagkabitiw ko sa pamangkin ko nakita kong papikit pikit na siya. Inihiga ko siya sa kwarto niya at binantayan hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. 

Paano ko nga ba magagawang kamuhian ang batang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko? 
Ga'yong siya ang lahat lahat sa akin...

-----

Wednesday, October 6, 2010

HILING

"Hindi ka ba masaya Kelly?" Napatitig ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanung niya? Kung tutuusin dalawang sagot lang naman ang pwede kong sabihin sa kanya... "Oo" o "Hindi"... Ngayon ano bang dapat piliin ko sa dalawa? Bahagya akong napangiti. Imbes na sagutin ang tanung niya, tanung din ang ibinalik ko sa kanya.

"Ano bang klaseng tanung yan Jerome?," pabalewalang balik tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinagot ang tanung ko eh," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw ng mga tingin niya. Ano bang dapat kong isagot? Mag-isip ka Kelly. Pakiramdam ko nabablangko ako lalo na dahil sa titig niya sa akin. Masaya naman ako pero---. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

"Ano bang meron tayo, Jerome...," wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Kelly"... Napapikit ako... Ayokong makita ang reaksiyon niya sa tanung ko. Ayokong makita ang pagkalito sa mga mata niya. Ayokong makita ang isang bagay na pwedeng makasira ng isang magandang araw na ito.
At ayokong masaktan sa pwedeng sabihin niya... AYOKO... dahil naduduwag ako. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, pero mas pinili kong ipikit ang mata ko.

"Kelly,"... Ayan na naman...  Yan lagi ang naririnig ko sa kanya sa tuwing itatanong ko sa kanya ang bagay na iyon, at matatapos sa katahimikan pero babalik na naman ulit sa dati at magiging okay na naman kami. Ano nga bang meron kami? Kahit ako hindi ko rin alam.
We hugged...
We kissed...
We are just like a couple..
Tama "like" kasi wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko siya maipakilala sa mga kaibigan ko bilang boyfriend ko dahil kahit ako hindi ko alam kung anong meron kami. M.U bang dapat itawag doon? Mutual understanding o Malabong usapan? Ayun nga ba? Hindi ko alam... Nalilito ako... Alam kong mahal ko siya at nararamdaman kong mahal niya ako pero bakit hindi niya kayang sabihin sakin kung anong meron sa aming dalawa. Kahit kilan hindi ko pa narinig sa kanyang sabihin na "Mahal kita..." Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ko.



Pilit akong ngumiti."Kalimutan mo ng sinabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin eh."


"Hindi ka na ba masaya Kelly?", ulit niya sa tanung niya kanina, seryoso parin siya pero bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Bakit?

"Masaya pe---", unti-unti ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako pero--- pero parang may kulang...

"Kelly".... Lumapit siya't niyakap ako. Gustong gusto kong  tinatawag niyang pangalan ko, ewan ko ba pero para kasing iba ang dating kapag siya ang tumatawag sakin. Siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang taong un.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan, pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanung ni Jerome. Masaya ako basta nasa tabi ko siya kahit na hindi ko alam kung anong meron kami.

"Bakit ka ba umiiyak? Ikaw talaga...Werdo ka talaga minsan, kaya mahal na mahal kita eh..."

Napaharap ako sa kanya at napangiti. Sa wakas narinig ko ring sabihin niyang mahal niya ko.

"Masaya ko... masaya ko basta't nasa tabi kita."


-the end-

sorry kornik eh...hehe

Thursday, September 16, 2010

Sana

"Salamat ha...," Para sa araw na ito, iyon na ata ang pinakamagandang salitang narinig ko. Lalong lalo na dahil galing sayo ang dalawang salitang iyon. Pakiramdam ko umaawit ang mga anghel sa langit at nakalutang ako sa alapaap. Siguro nga para sa iba, ang weird ko para makaramdam ng ganun. Pero kahit na ako pa ata ang maging pinakawerdong tao sa buong mundo sa paningin ng iba. Wala akong pakialam kasi nung mga sandaling iyon, para sakin napakalaking bagay na na-aappreciate mo lahat ng ginagawa ko sayo. Lalo na kahit na para sayo kaibigan lang ako. Isang matalik na kaibigan.

"Sus, wala un. Wala naman akong nagagawa para sayo."

"Mali ka... Madami na nga eh...," ang sabi mong nakatingin sa mga bituin habang nakatingin naman ako sayo. Sana minsan makita mo ding nakatingin ako sayo kahit isang saglit lang...

"Tulad ng???"..

"Sa pakikinig mo sakin sa mga problema ko..."

"Wala naman akong natulong sayo... ni hindi ko nga alam ang dapat sabihin."

"Aja!, nakangiting sabi mo. Fight!!! Fight!!! Fight!!!"

Natawa lang ako.

"Lagi mo ung sinasabi sakin at kung d dahil dun baka sumuko na ko kay Faye." Sana nga sumuko ka nalang eh... sana pala hindi ko na sinabi un... para kung sakali sakin kana... Sa akin lang at walang iba.