Home

Saturday, July 30, 2011

GOODBYE

Girl Side:

Ilang hakbang na lang makikita ko na siya. Napangiti ako sa isiping iyon. Alam ko siguradong magugulat siya pag nakita niya ako. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa harap ko ngayon, ito na iyon.
Relax Shella...
Relax...
Agad kong kinuha mula sa handbag ko ang telepono ko at agad na dial ang call button...

Nagriring na ang kabilang linya ng telepono....
Kinakabahan ako pero sa kabila nun eh excited akong makita ang reaksiyon niya.

Sana mapasaya ko siya kahit sa huling sandali... Bahagyang gumuhit ang lungkot sa mga mata ko na agad ring napalitan ng kasiyahan ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Good morning hon!" masigla niyang bati sa akin...
Good morning din, sagot ko...
"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?"
Nasa puso mo... natatawang sagot ko. Baka naman heartbeat mo lang iyong naririnig mo, pabiro ko pang sagot.
"Sira ka talaga, natatawa din niyang sabi. Asan ka nga? ulit niya sa tanung?"
Tumingin ka sa bintana mo, utos ko.
"Huh? Bakit ba kasi?"
Ai naku ang dami mong tanung gawin mo nalang kasi...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".
Tingin ka sa labas ng gate.
"Ano ba kasi-"
Hindi na nakapagsalita ang taong kausap ko sa kabilang linya. Alam ko na mula sa kinatatayuan ko ay nakita na niya ako. Nagsalita pa rin ako kahit na hindi na siya nakapagsalita.
Nakikita mo ba ang isang magandang babaeng kumakaway sayo?
Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nasa harap ko na ang lalakeng kanina lang ay kausap ko.
Agad agad niya akong niyakap sabay sabing "Ginulat mo ako, adik ka talaga".

Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi kong nakayakap pa rin sa kanya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung ko.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla ko siyang kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng masama.
"Masakit iyon ah".
Tatawa tawa lamang ako, para malaman mong hindi panaginip ang lahat.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo kunwari'y reklamo ko.
"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita". Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng boarding house nila.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina pa rin siya nakatitig sakin na akala mo eh namatanda.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan, natatawa kong puna."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot niya".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Nakita kong bahagya siyang nalungkot pero pinilit niyang maging masaya.
"I'm sorry, wala sa sariling nasabi ko".
"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."
Pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ako kahit na gustong gusto ng bumuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Alam ko kasi sa sarili ko na ito na marahil ang huli naming pagkikita.
"Gusto kong mapanood ang sunset hon".
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung ko sa kanya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
"Natawa ako pero sa kaibuturan ng puso ko gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Pero hindi ko kaya... Hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula. Hindi ko siya gustong saktan. Hindi na nga sana ako dapat nagpakita sa kanya pero hindi ko kaya. Gustong gusto ko siyang makita kahit sa huling sandali. Sa pag-alis niya doon bumuhos ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.

-----
Maglaro tayo?
Ano namang laro? Para ka talagang bata.
Sige na please???
Oo na nga...
Diyan ka lang ah...
Ano bang balak mong gawin?
Basta....
Humakbang ako 1 step... 2-3-4-5-6- 20

Game starts now.
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw niya...
Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon...
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado niyang sabi.
I'm sorry hon...
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
Just listen hon...
Tumalikod ako saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita.
No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game.
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin?
Ihahatid na kita kung aalis kana..
You don't understand hon...
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
I told you I'm leaving.... for good.
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
No... Hindi mo ako pwedeng sundan.
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
Ayoko... Stay there and don't make any more steps.
Hon... please don't do this to me..
Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh..
Goodbye... pagkasabi ko nun agad agad akong mabilis na tumakbo palayo sa kanya.

I'm really sorry hon. Hindi ko ito gustong gawin pero ito ang dapat kong gawin. Magiging miserable lang ang buhay mo kapag nagstay ka sakin at ayokong mangyari iyon.

Hindi ko namalayan nahabol na pala ko ni Daniel. Hawak niya ang wrist ko at wala akong magawa para matanggal niya iyon. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. At alam ko na sa oras na iyon hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

I'm I'm sorry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you...

I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...

I'm dying hon...
Shhhsshhhhh....
Everythings gonna be fine...
I'll take care of you...

No comments:

Post a Comment