"You promised that you'd never leave. Pero nasaan kana ngayon?." Tulad kahapon, at sa mga susunod pang araw andito pa rin ako. Umaasa na darating ang time na bumalik ka. Na isang araw may taong hahawak sa balikat ko at pag lingon ko, ikaw ang makikita ng mga mata ko.
Dalawang taon na rin simula ng umalis ka ng walang paalam at hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit humantong sa puntong hindi mo kailangang sabihin sakin na aalis kana pala. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako... Hindi ko din alam kung dapat pa ba akong umasa... Susuko na ba ko? iyon lagi ang tanung na gumugulo sa isip ko, pero sa tuwing maguguluhan ako at mawawalan ng pag-asa maalala ko lang ang ngiti mo, babalik na naman sakin ang lahat. Kung bakit kita kailangang hintayin at kung bakit ako narito ngayon sa lugar na ito. Nakatingin sa malawak na karagatan habang unti unting naglalaho sa paningin ko ang araw na tila ba tinatakpan ng mga ulam. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili sa lugar na ito o kung tama pa bang umasa akong darating ka.
Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka na ba ngayon? Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.
Magpakita kana please...
Miss na miss na kita eh... mahal na mahal kita...
"Nasaan ka na ba kasi?"...
"Naiinip na kong maghintay sayo eh... Nasaan ka na ba?"
Nakaramdam ako na para bang may isang taong nakatingin mula sa likod ko. Napangiti ako. Alam kong darating ka... Alam kong hindi mo ako matitiis...
Denver. ..
Paglingon ko nakita ko ang lungkot sa iyong mukha. Unti-unting nagbago ang ngiting kaninang nakaguhit sa labi ko at napalitan ng lungkot.
Ipinikit ko ang mata ko, ayokong ng makita at marinig ang kung ano mang sasabihin mo.
"Im sorry..."
Bakit? Bakit? at bakit? iyon lang ang tanging tanung sa isip ko. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko bumalik na sa dati ang buhay ko. Iyong masaya tayong dalawa.
"wala na si kuya"...
Si Dennis ang nasa harap ko ngayon at hindi si Denver, ang kakambal niya. Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kakambal mo, ang sabihin sakin na wala kana. All along wala na kong hinihintay. Matagal na pala kong naghihintay sa isang taong matagal na rin akong iniwan. Ang saklap naman. At ang sakit sakit....
"Matagal na siyang patay. He died because of leukemia," ang malungkot na sabi niya sabay abot ng isang maliit na papel.
I'm sorry Celine hindi ko na kayang panindigan ang pangako ko sayo.
I love you...
Denver
I love you more.... kasabay ng masaganang luha sa mga mata ko.
Wala man tayong happily ever after... baka sa ibang panahon magkaroon naman tayo ng never ending story.
No comments:
Post a Comment