Isabelle, malambing na tawag ni Mang Teban.
Ano naman kaya ang nakain ng lasenggero kong tatay at kung makatawag eh kala mo nasapian ng anghel samantalang kung ituring nga niya ako ay parang isang basura sa isip ng dalaga habang papalapit sa kanyang ama. Katatapos lamang niyang mag-ayos at papasok na sana siya sa part time job niya ng marinig niya ang boses nito.
"Bakit po tay?"
Umupo ka at may pag-uusapan tayo, ang seryosong utos nito habang panay hithit ng kanyang sigarilyo at tagay ng alak na nasa mesa.
“Ano po bang dapat nating pag-usapan tay? Kilangan ko na po kasing umalis dahil baka malate ako sa trabaho ko. Umiinom na naman po kayo, pagod na sabi ng dalaga.”
“Aba’t sumasagot kapa. Hindi purket may trabaho ka na at ikaw ang nagpapalamon sa amin ay may karapatan ka ng magsalita ng ganyan sa akin ah.. damuho kang bata ka. Hoy! Tandaan mo ako pa rin ang ama mo sabay duro nito sa kanya.”
“Alam ko po iyon at hindi niyo na kilangan pang ipaalala sakin dahil kahit naman po gusto kong kalimutan na kayo ang ama ko malabong mangyari iyon at kailanman ay hindi ko na mabubura ang katotohanang iyon.” Ano po bang gusto niyong pag-usapan sabihin niyo na po?
“Makinig ka kasi hindi kung anu-anong sinasabi mo na wala namang kwenta. Hindi ba’t patay na ang anak ni Mr. De Villa? Tanung nito.”
Opo.. nagtatakang sagot niya sa ama. Ano naman pong kinalaman ni Mr. De Villa sa gusto niyong pag-usapan natin?
Bakit ba hindi ka nalang magpa-ampon sa kanya? Para kung sakali’y mamatay ito sayo na mapupunta ang kayamanan niya. Sayang naman kasi... Hindi ba’t wala na rin naman siyang mga kamag-anak dito? Kung sakaling sayo mapupunta hindi ba’t maganda iyon? Pabor para sayo atsaka hindi mo na kailangang magtrabaho pa.
“Ano po bang pinagsasabi niyo diyan? Anong pabor sakin? Baka pabor sa inyo dahil madami na kayong malulustay na pera para sa alak at sa pagsusugal ninyo ang nagngingitngit na sagot ng dalaga. Hindi ko po inaasahan na maririnig ko sa inyo yan. Hindi naman po ganyan kasama ang tingin ko sa inyo. Nakakadisappoint po talaga ang sinabi niyo lalo na't alam niyong si Mr. De Villa ang tumutulong sa pag-aaral ko at kung bakit may trabaho ako ngayon.
Lapastangan ka, isang sampal ang natanggap ni Isabelle mula sa kanyang ama. At dahil sa lakas dumugo ang labi ng dalaga.
Tapos na po ba kayo? Sarkastikong sagot niya sa kanyang ama, Aalis na po ako. Kung gusto niyo kayo na lang ang magpaampon tutal naman kayo ang nakaisip ng ideyang yan eh.
Sapo pa rin ng dalaga ang kanyang pisngi, masakit man ang ginawa sa kanya ng kanyang ama pero mas masakit na pag-isipan nito ng masama ang taong tumutulong sa kanilang pamilya lalong lalo na sa kanya dahil sa laki ng utang na loob niya dito. Hindi ko akalaing sasabihin iyon sa akin ni itay pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Napakasama talaga niya. Sana hindi nalang siya ang naging ama ko. Kung pwede nga lang pumili ng magulang.
Kung pwede lang...
-------
"Isabelle, ija nalate ka ata ngayon?", bungad ni Mr. De Villa na nakangiti.
Ah, eh pasensiya na po Sir. May nangyari lang po kasi sa bahay mailap na sagot ng dalaga. Nakasalubong nito ang dalaga mula sa Accounting Department kung saan siya nakaassign.
"After 5 minutes pumunta ka sa office ko I want to talk to you," ang sabi nito pagkatapos ay dirediretsong naglakad papunta sa kanyang opisina.
Napabuntong hininga na lang ang dalaga. "Lagot na ako nito, bakit kaya?" kinakabahang tanong sa sarili ng dalaga.
Nang makapagpahinga ng sandali ang dalaga ay dumiretso na rin ito sa opisina ni Mr. De Villa, ang ama ng kanyang yumaong bestfriend na si Trisha.
Napahinga ng malalim ang dalaga ng kahit pano'y mabawasan ang kabang nararamdaman niya sa pagpapapunta sa kanya nito sa loob ng opisina. Ngayon lang kasi siya nito pinatawag at nagkataon pang nalate siya.
Isabelle, relax lang... Inhale, exhale.... Ok kaya mo yan...
Oh, ikaw pala Isabelle bungad ng sekretarya ni Mr. De Villa. Pumasok kana, kanina ka pa hinihintay ni Sir ang sabi nito ng makita siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng opisina ni Mr. De Villa.
Ah, ganun ba... Sige salamat ah. Papasok na ako.
Halatang kabado ka ah, relax ka lang mukha namang hindi galit si Sir eh... nakangiting sabi nito.
Pagkapasok ng dalaga sa opisina'y senenyasan na siya ni Mr. De Villa na maupo muna habang may mga pinipirmahan pa itong mga dokumento.
Maya maya'y bigla itong bumaling sa kanya habang nakatingin padin sa mga pinipirmahang papeles.
Ija, may problema ka ba? bungad na tanung nito sa kanya.
Po? ah eh... wala naman po Sir.
Ija, alam kong napakabait mong bata at simula ng maging kaibigan ka ng aking anak ay itinuring na rin kitang parang tunay kong anak. Hindi ka na rin iba sa akin. At nararamdaman kong may dinadala kang mabigat na problema ang nag-aalalang sabi nito sa dalaga.
Ang totoo po'y nagkaroon kami ng problema ng itay ko kaya-
Kaya ba namumula ngayon ang pisngi mo? putol nito sa sinasabi niya. Siya ba ang gumawa sayo niyan ija? diretsong tanung nito.
Napayuko na lamang ang dalaga.
Ayoko sanang makialam sa inyo pero sa tingin ko'y mali ang ginagawa ng ama mo sayo. Kung gusto mo'y doon ka muna tumuloy sa bahay. Malaki naman iyon at sigurado akong kung buhay pa si Trish, matutuwa siyang tinutulungan ko ang bestfriend niya.
Pero Sir, nakakahiya naman po sa inyo.
Wag ka ng mahiya ija, habang hindi pa naayos ang problema niyong mag-ama, doon ka muna tumuloy sa bahay. Ayoko din naman na malamang sinaktan ka na namang muli ng itay mo.
Sige po, marami pong salamat. Hayaan niyo po't pag-iigihan ko ang trabaho ko Sir.
Sige ija, you may leave.
Nakahinga ng maluwag ang dalaga matapos ang pag-uusap nila ng daddy ni Trisha.
Napakabait talaga ng daddy ni Trisha. Kung sana'y ganun din si itay.
-------
Matamang nakatitig si Shan sa isang picture frame habang hawak hawak ito. Isa iyong stolen picture ng isang nakangiting batang babae.
"Magkikita pa kaya tayo? tanung ng binata na para bang kaya siyang sagutin ng larawang hawak hawak niya. Nasaan ka na bang iyakin ka? Napabuntong hininga na lamang siya. Hangga’t meron pang natitirang pag-asa, hindi ako susuko. Alam ko magkikita rin tayo."
Sakto namang pagkadating ni Trish ay naibalik na ng binata ang larawan sa dati nitong kinalalagyan.
"Anong tinitingnan mo Shan?"
"Ah, wala naman..."
"Ung picture na naman ba?ang nakangiting tanung ni Trish na tila ba nang-aasar." What is so special sa picture na yan Shan? madalas ko kasing mapansin na bukod sa napapangiti ka dahil sa may maganda kang kasama... ehem... eh iba iyong ngiti mo kapag tinitingnan mo yang picture na yan...
Ganun ba siya kaspecial para sayo?
OO... ang seryosong sagot ng binata... na diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Higit pa sa pinakaspecial na buko pie, halo halo, at special offer.
Why do i have to feel this way lalo na sa tuwing nakatingin si Shan sakin. I feel so akward na para bang hindi ko maintindihan. Shan, utang na loob naman wag mo ko masyadong tingnan pakiramdam ko matutunaw na ako... Trish, relax ah... relax...
And for some reason hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit para sa espesyal na babae sa puso ni Shan. Ang weird kasi alam ko naman na wala akong karapatan at bukod pa dun eh...
Haaay, napabuntong hininga na lang ang dalaga...
Para saan naman ung malalim na buntong hininga mo diyan?
"Wala lang... eh teka ano namang pangalan niya? pang-iiba niya sa usapan? pwede ko bang malaman? Ang naisip na itanung ng dalaga para mawala ang pagkabalisa niya.
hindi ko alam... ang pabulong na sagot ng binata. Werdo kasi siya eh.
huh?anong sabi mo? ulit na tanung ni Trish..
"Wala kako ang dami mong tanung,ginugutom tuloy ako...Tara sa baba at makapagmeryenda"
Naku naman hindi naman sinagot ung tanung ko sa kanya...ang nagmamaktol na sabi ni Trish.
Pano naman kita sasagutin eh hindi mo pa nga ako nililigawan? ang tatawa tawang sabi ng binata.
Sira ka...Nakakaasar tlaga itong lalakeng ito, hindi man lang sagutin ng maayos ung tinatanung ko,ang ayos ayos naman ng tanung ko eh...hmmmp..
"May sinasabi kaba diyan?"
Wala ah...sabi ko lang gutom ka na nga talaga...
Ngiti lang ang isinagot ng binata.
"Sana nga Trish alam ko ang sagot sa tanung mo, kaso hindi eh dahil hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para alamin pa un...sa isip ng binata. At saka biglang nagflash back sa kanya ang isang ala-ala."
Batang iyakin ano ba kasing pangalan mo huh? Bakit baa yaw mong sabihin sakin? Ngiti lang ang isinagot sa kanya ng batang babae. Importante pa ba iyon? Sa tingin ko hindi na total naman aalis ka din ditto hindi ba? Para mas madali sayo na makalimutan ako at ganun din ako. Isa pa hindi na naman tayo magkikita pa, aalis na kayo bukas dba? Mabuti na iyon... Sige uuwi na ako baka hinahanap na ako ng daddy ko eh. Ingat ka nalang bukas... Halata ang lungkot sa mga mata ng batang babae pero hindi na ito pinansin ng batang si Shan, maging siya man kasi ay nalulungkot na iiwan niya ang kanyang kaibigan.
Akala mo magiging madali na makalimutan ka pero maling mali ka dun dahil hanggang ngayon hini ka pa rin mawala sa isip ko.
Hoy! Natulala kana diyan. Kain kana... Napakalalim ng iniisip mo ah buti hindi ka nalunod?
"Syempre magaling akong lumangoy eh...", sabay tawa nito.
Sira ka...
"Pero alam mo kung ano Trish?"
Ano? Kunot-noong tanung nito sa kanya?
"Wala..."
Napalabi nalang ang dalaga... hmmp. Wala naman pala eh.
You simply reminds me of her... sa isip ng binata.
No comments:
Post a Comment