“Oh! Trish ano bang tinitingnan mo diyan?”, tanung ng binata habang dirediretso itong humiga sa kanyang kama.
“Kasi itong picture ng bata, alam mo ba kamukha ko siya nung nasa ganitong edad din ako”, sagot ng dalaga. Teka sino ba ang batang babae na ito Shan? Sabay baling ni Trish sa binata pero laking gulat niya na wala nap ala siyang kausap dahil natutulog na ang lalake.
“Tama ba namang matulog ng walang paalam, mukha tuloy akong tanga na nagsasalita ditto mag-isa,”reklamo ng dalaga sabay upo sa tabi ng kama.
“Tingnan mo nga naman oh, gwapo ka din pala,”sabay tingin nito sa mukha ng binata. Parehas kayo ni Levi, pero pagkaalala sa pangalang iyon napalitan ng lungkot ang kanina’y nakangiting dalaga.
Si Levi kasi ang unang lalaking minahal niya kaya ganun na lamang ang lungkot na nadarama niya at awa sa sarili ng malamang isang malaking pagkukunwari lang pala ang lahat ng ipinakita nito sa kanya. Kung sana'y mayroon pa siyang pagkakataon na baguhin ang lahat ng nangyari sa buhay niya. Marahil naging masaya siguro ang bestfriend niya at maging siya kung nalaman niya lang ang lahat.Pero alam niyang hindi niya na maitatama pa ang lahat dahil isa na lamang siyang kaluluwa. Isa na lamang ang kanyang magagawa ang manalangin para sa kaligayahan ng mga taong mahal niya kahit na sa kabila nito ay nagawa siyang saktan ng mga ito.
-----
Sobrang dilim ng lugar na kinaroroonan ng binatang si Shan, hindi niya alam kung paano siyang nakarating sa lugar na iyon pero habang tinatahak niya ang daan paunti-unti bigla itong nagliliwanag. Ang takot na kaninang nararamdaman niya ay napalitan ng kagalakan. Ngayon ang nakikita niya’y isang lugar na napapaligiran ng mga bulaklak, iba’t ibang kulay na para bang bahaghari, maririnig din ang mga masasayang huni ng mga ibon, ang mga paru-parong tila ba nagsasayaw sa kaparangan, at ang isang magandang boses ng batang babae mula sa kung saan. Nagpalinga linga ang binata upang hanapin kung saan nanggaling ang boses at mula sa di-kalayuan ay nakita niya ang isang batang babaeng nakasuot ng putting damit. Tuwang-tuwa nitong pinaglalaruan ang mga naggagandahang bulaklak na nakapalibot sa kanya habang patuloy sa pag-awit. Sinubukan niyang lapitan ito pero tila ba hindi gumagalaw ang kanyang mga paa papalapit sa batang babae bagkus ay parang inilalayo pa siya ditto. Maya maya’y unti unting gumalaw ang batang babae at tila ba napansin siya nito mula sa di-kalayuan, ngumiti ito at kumaway sa kanya na para bang nagpapaalam. Habang tinititigan niya ang batang babae ay unti unting nagbabago ang anyo nito mula sa isang magandang dalaga. Isang napakagandang babae. Hanggang sa makarinig ulit siya ng isang pamilyar na boses mula sa kung saan.
“Shan, gising!”, tawag ng dalaga.
“Shan, gumising ka...”
“Shan...”, paulit ulit na tawag ng dalaga...
Maya maya’y nagising ang binata mula sa tawag sa kanya. Pawisan ito at tila ba pagod na pagod.
“Heto ang tubig, inumin mo,” sabay abot ng dalaga sa kanya.
Ininom naman nito ang iniabot ng dalaga at tila nahimasmasan.
“Salamat,” maiksing sagot nito pagkatapos ay napatingin siya sa isang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang drawer.
“Ok ka lang ba?”, muling tanung ng dalaga.
“Ah, oo ayos lang ako.”
“Sige matulog kana, pupunta lang ako sa c r.”
“Sige, ikaw ang bahala...”
----
“Bakit ganun?, anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?” Tanung sa sarili ng binata habang nakaharap sa salamin.
Bakit parang nagpapaalam siya sa akin? Hindi ko maintindihan...
Ano bang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Gulong-gulong tanung sa sarili ng binata.
Maya maya’y bumalik na rin siya sa kanyang kama habang pilit na inaalala ang itsura ng batang babae ng bigla itong magbago, hindi ko maalala ang mukha niya. Napatingin ulit siya sa picture frame na nasa ibabaw ng kanyang tokador.
“Nasaan kana ba?”. Hindi ko na alam kung saan kita hahanapin. Binalikan kita sa dati niyong bahay pero wala ka na doon. Wala ring makapagsabi sa akin kung saan kayo lumipat. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat pumunta para lang Makita kita.
Hindi ko na alam...
Saan ba ako dapat mag-umpisa para lang makita ka?
No comments:
Post a Comment